Mga Bituin Sa Tubig (22)

Liwayway - - Mga Nilalaman - Efren Abueg

(IKA-22 NA LABAS)

BINITIWAN na ni Virmin ang kaniyang palad. Inialok sa kaniya ang sopa sa tabi nito. Nakatingin sa kanilang dalawa ang bisitang Amerikano, waring binabasa ang kanilang mukha. “Armand sees to it that there is no disruption in our operations. Business continuity that we valued so much in Silicon Valley.” “Good! Good!” Parang ibig nitong palakpakan si Virmin na tulad sa isang matalentong artist sa tanghalan. Halata ni Armand na ibig nitong iparamdam na pinahahalagahan nito ang dalaga. May labinlimang minuto na silang nag-uusap nang sumungaw ang chef na tinatawagan ni Virmin para magluto kung wala itong panahong kumain sa labas o nagkaroon ito ng bisitang hindi inaasahan. “Native cuisine? Virmin here used to bring me to some gatherings of her Filipino friends. I’ve missed those exotic cookings!”

Walang reaksiyon doon si Virmin. Ngumiti lang ito na tulad sa isang butihing host ng tahanan. “If you have enough time to go around… see changes in Metro Manila or better spend a few days in our exciting beaches in the North or South.” “Thank you. Some other time when friends here could spare a day or two with me in such wonderful places!”

malapit Sumungaw lang ang sa tirahan pinto ang sa subdibisyon babaeng chef nina na alam Virmin. niyang Sumenyas “Oh, Larry, ito sa Armand. dalaga. My luck that a neighbor is a part time chef. She prepared late merienda for us,” sabi ng nahihiya waring si Virmin.

“So good of you, Virmin. I would enjoy your food before I dash off to a friend in a famous restaurant overlooking the bay. The place is nearby the expressway.”

Ipinakikita ni Virmin ang masayang pakitungo nito kay Larry, ngunit halata naman ni Armand na may kimkim itong pangamba sa bisita. May naisip siyang paraan.

Pagkaraan ng mabilis nilang miryenda, inunahan ni Armand ang dalawa sa pagsasalita. “I know the restaurant you mentioned a while ago. I can drop you there.”

Na sinundan ni Virmin ng pasasalamat sa kaniya. “Please, Armand. Larry here could not possibly be there on time. It is rush hour. We took a transport network vehicle services when we got here from Parañaque.” “Well…well! How could I refuse such Filipino hospitality!” Ngunit hindi repleksiyon ng sinabi ng Amerikano ang nasinag niya sa mga mata nito.

Tahimik si Larry nang umupo sa tabi ni Armand sa kotse. Waring may binubulay sa isip na hindi agad nito mapagpasiyahan.

“By the way, Armand,” nagsisikap ang kasakay niya na maging kaswal sa pananalita, ngunit halatang intensiyonal ang nasabi nito. “Did Virmin ever mention to you that we were frequent companions when she was working in

Silicon Valley?” Napangiti si Armand sa sarili.

“She seldom talks of other people in her place of work. She is the type that keep things for herself and do not say anything about other people, especially friends.” Kabaligtaran iyon ng narinig niya kay Virmin kangina pagharap niya sa Amerikano. “Mr. Abeza here is my constant companion, a very dear friend who I trusted so much!” “Yes…you’ll admire her as a really level-headed woman!” sabi ni Larry na nakatingin kay Armand. Tangay ito ng mapanindigan niyang paglalarawan kay Virmin.

Napangiti si Armand pagkababa niya kay Larry sa harap ng restawrang tanaw sa likod ang lawa ng Laguna. Napangibabawan niya ang mga sinasabi nito nang hindi niya ito nasaktan ng kalooban. Kung magkita sila uli at dinasal niyang huwag na sana, inaasahan niyang irerespeto nito ang lahat ng makakasalamuhang Pilipino.

Noon niya narinig ang ring tone ng kaniyang cellphone. Inaasahan na niya ang tumatawag.

“Sa konting abala, nawala sa harap mo ang isang masamang eksena…that’s what Oni says when she is annoyed and wanted to get rid of unpleasant people in our store.” Nagtawa siya, ngunit binara siya ni Virmin. “Just because you brought a person outside of my house you feel now that you are absolved of your obligation!” Napangiti si Armand. “Do I have to explain in details ‘yung lakad natin sa kolehiyo ni Sister Honorata?”

“How would I know what kind of character an aging nun is when that’s all what you said of her.” “So I had to turn back to where I was before without your calling me up to brief you about your donation…” “Naabala lang ako. He just appeared in our Paranaque store and I could not shooed him away!” Nangangatwiran na si Virmin. Alam niyang gusto na nitong makaharap siya nang personal at hindi tungkol iyon sa kanilang donasyon sa kolehiyo sa Pangasinan. “Okay…coming!” At isinara niya ng isang kamay ang kaniyang cellphone.

Ibinuwelta sa isang kanto ang kotseng minamaneho niya at inginuso niya iyon sa direksiyon ng bahay ng dalagang negosyante.

Nang tuluyan na silang magkaharap ni Virmin sa bahay nito, hindi na repleksiyon ang anyo nito kangina lamang. May panglaw ang mukha nito tulad noong malalim na ang usapan nila sa unang pagpapangita..

“Dati mo siyang boss sa Silicon Valley?” “Junior boss, but did not expect him to be with a global position!” “Di ka natutuwa at dinalaw ka ng dating boss? You can use him to promote your expanding business.”

Hindi kumibo si Virmin. Tinungo ang hagdanan paakyat sa silid nitong may isang mesita na ginagamit nila sa pag-uusap. Parang ayaw na nitong mabanggit ang Amerikanong si Larry.

Habang nakasunod kay Virmin, nagbalik kay Armand ang mga sinabi nito nang una silang magkita sa bahay na iyon. Pagkaraan ng pag-uusap nila sa kaso ng dalawang pamangking nawawala, ng palitan nila ng mga biro na humantong sa waring pag-aalok nitong maging BFF sila, nabakas niya sa unang pagkakataon ang panglaw sa mga mata nito. Iglap na napawi ang katuwaang parang nagbalik dito pagkaraan ng matagal nga nilang pag-uusap. Waring dinalaw ito ng kung anong alalahanin at nagbalik ang pabulalas nitong hinaing…

I almost lost the cultures of my parents when they brought me to the states. As I grew up there, naging convenient sa akin ang maging adventurous, daring and over-confident. When I worked in Silicon Valley, I was challenged by the opposite sex. Nakaranas din ako ng sexual harrassment, ng mga attempt na isuko ang pride ng pagiging babae ko. Nang umalis ako doon, tingin ko I was wounded. Siguro, ang tapang ko doon, coverup of my sadness. Hindi naging madali ang buhay sa akin. Lagi kong sinasabi to myself, I should still be helped!

Umalingawngaw sa isip niya ang huling pangungusap na iyon: I should still be helped. Humihingi si Virmin ng tulong at siya lamang ang kaharap nito!

Nang umupo na sa harap ng mesita si Virmin at kaniyang pagmasdan, nasinag niyang tuluyan nang nahubad ang maskara nito bilang isang matapang na babae. Higit na malinaw ngayon ang pagharap nito sa buhay pagkaraang maging biktima ng pandaigdigang politika ang kaniyang mga magulang nang pabagsakin ng mga terorista ang World Trade Center sa New York noong Setyembre 11, 2001.

“Sino si Larry sa iyo, Virmin?” Ibig niyang magsisi sa pagtatanong, ngunit kailangang malaman niya ang katotohanan.

Suminghap siVirmin na parang malulunod bago siya sinagot.

“He tried to abuse me twice thinking that I will yield easily to him. But I fought him and he restrained himself. Three mediumranking female executives resigned and denounced in public the atmosphere of chauvinism and oppression of women even in the ranks of big shareholders and their appointed people. Backlash from the public got through the halls of Congress. Several officials were forced to resign and to pay big sums of money to their victims. Until

Nasa sangandaan na ang puso ni Armand. Tiyak na ba niya kung sino ang kaniyang iniibig?

now I feel dirty imagining still their hands on my body. Larry escaped punishment, kept his silence and worked hard to increase the shares of the stockholders. I know his hidden hunger for helpless young women who toils night after night in that modern hovel of immorality!”

“But, Virmin…how could you still receive him in your home?” Itinuwid ni Virmin ang katawan nitong parang pinanawan ng lakas.Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito.

“To tell him that we remain hospitable as a people. But if we are taken advantage of, I would gently tell him that we are capable of defending ourselves, kill predators if necessary and bring offenders to the court for punishment.”

Kuminig ang mga daliri ni Virmin sa sinikil na galit. Hindi iyon nagtagal at napanguyngoy na lang ito.

Napatindig si Armand. Tumabi siya ng upo kay Virmin. Napayakap ito sa kaniya sa bigat ng dala sa kalooban.

“Sorry…,” sabi ni Armand nang bumitiw ng yakap sa kaniya si Virmin. “I should be the one saying that!” Tumindig ito at nagtungo sa banyo.

MAAGANG dumating si Sig sa condo unit niya. May kipit ito sa kilikili na isang kulay-kaking envelop. Iniabot iyon sa kaniya. “Saan galing ito?” “Sa office of Foreign Affair secretary. Kilala ka d’un.” At inginuso nito na kunin na niya ang nilalaman ng sobre.

Dinukot ni Armand ang laman ng envelop. Retrato. Solo. Mukha ng isang Arabo na balbas-sarado. “Sino ‘to?” “Si Discarel.” Pinagmasdang mabuti ni Armand ang retrato. Hindi siya makapaniwalang imahe ni Discarel ang pinagmamasdan niya. Mapagkakamalan itong isang tunay na Arabo.

Saka dinukot ang dalawang bond paper na sa anyong report nakasulat.

“Nang masukol si Discarel at ang grupo niya sa Gulf of Aden, nabatid na galing sila sa Djibouti sa Africa. Sakay ng isang katamtamang laki na bapor na hila-hila ang isang malaking gabara. May sakay itong kung ilang toneladang bakal. Nakarehistro sa Panama ang barko nito at may bill of

lading o legal ang shipment nitong mga bakal kaya sa puerto pa lamang ng Oman, pinawalan na sila. May negosyanteng tumanggap sa mga bakal at itinrak na iyon sa highway ng Iran patungo sa kung anong destinasyon. Sumakay naman sa dalawang pick-up ang mahigit isang dosenang tripulante na nag-overland sa Iran at lumitaw na inismagel sila sa hangganan ng Turkeministan. May sumalo ritong mga negosyante at idinaan sila sa Usbekistan, Takijistan at iba pang maliliit na bansa sa hangganan ng China. Sinasabing naroon ang ilegal na mga pabrikang hantungan ng mga lalaki at babaeng recruit mula sa Europa at Middle East. Malayo sa mga bansa sa Asia ang operation ni Discarel naisip ni Armand.

“Kaya isa ‘yon sa mga pinagkakaperahan ni Discarel?” Si Armand.

“OWWA ang may hawak ng mga legal na papel ni Discarel. Konek-konek siya sa mga recruiter na malayo sa Asia, kaya hindi nababalita rito ang kanilang legal o ilegal na mga operasyon.” Si Sig.

“Malinaw na nang umuwi si Discarel at binabawi ang asawa nito sa Uncle ni Virmin, hindi siya mismo ang kumilos kundi ang kaniyang mga tauhan. May rekord ng kaniyang pagka-ospital at malaon, ng pagkamatay, ngunit nadala ito sa punerya at nailibing sa may Taguig nang wala ni isang reporter na nakatugaygay.” Si Armand. “Pinag-aralan at may timing ang pagkakuha sa mga bata sa ampunan. Mga tauhan din ni Discarel ang kumilos?” ani Sig.

“May isa akong naisip para makilala natin kung sino ang utak ng pagkakuha sa mga bata sa ampunan. Papasukin ko uli ang gubat!” Napamaang si Sig kay Armand. “Paano kung wala roon ang sinasabing Papang ng mga bata? Paano kung naroon nga siya? Tiyak na ibabalik na sa gubat ang mga aso. Lalapain kang tiyak doon.” “Kasama kita sa pagpasok sa gubat…” “Ha?” “Atty. Seprida,” nagseryoso kunwa si Armand. “Lawmen tayo…at may mga paraan tayong magagawa.” “Halimbawa?” “Patutulugin natin ang mga aso…” “Pati ang mga tao sa gubat?” Kunwa’y pinanlakhan ng mga mata ni Armand ang kabataang abugado. “Sig, magrebyu ka ng napag-aralan mo sa school. Hindi ka makikipagdebate sa korte, mag-iimbestiga ka. Paano mo made-demobilize ang mga kalaban? Hindi ka naman laging gumagamit ng baril?”

“Kailangan ang mga taktika. Yes, tama ka…magrerebyu nga ako!”

“At alam mo ba na naiisip kong isama rin sa gubat ang pamangkin kong si Bart?”

“Out of bound na ‘yan, boss!” Nagtawa si Sig at naisip ni Armand na pinagtatawanan siya nito.

“Alam mo ba na sa pamamagitan ng sipol, may posibilidad na ma-disarm natin ang mga tao sa gubat?”

“Sipol? Wow! Baka nga makatulog sa sipol ang mga guwardiya!”

Mayamaya, binuksan ni Armand ang kaniyang laptop. Ipinabasa kay Sig ang palitan ng email nila ni Sister Honorata.

“Makakausap natin ‘yung dalawang babaeng nakilala ninyo ng pamangkin mo sa putol na ilog?”

“At makakausap din sila ni Virmin…” Ibinitin ni Armand ang sasabihin.

“Alam ko na…makikita natin sa kanila ang palatandaan ng lukso ng dugo!” Tinapik ni Armand sa balikat si Sig. “Pati lukso ng iyong puso pag nakita mo si Zaida!” “Nagbibiro ka yata, boss!” “Binos-boss mo na naman ako. Ikaw ang young, handsome

and a promising professional. Magiging interested sa ‘yo ang palaki sa school ng mga madre.”

“At ikaw, hindi interesado?”

“I am too old for her…”

Nagtawa nang nagtawa si Sig. “Alam ko na…may apple of the heart ka na nga pala! And it is aside from the apple of the eye!” “Habang nagbabalak tayong pasukin ang gubat,” marahang sabi ni Armand. “Pag-aralan mo, kasama si Bart namin, na pasukin ang puso ng dalawang bituin sa tubig.” Napakunot-noo si Sig. “Mga bituin sa tubig?”

“Yes, Atty. Seprida. One time, pag maluwag na tayo, yayakagin kita sa ilog ng aking kabataan. Pagsisid mo roon, makikita mo ang ningning ng mga bituin sa ilalim ng tubig!” “Parang ayokong maniwala sa mga sinasabi mo!” “Oo, we will find time. Meanwhile, think of how you will face two young beautiful stars inside the nun’s college!”

“Kailan ang lakad natin?” “In two days, sabi niVirmin!” Ngayon, dama na ni Armand na palapit siya nang palapit kay Virmin; samantala, ipinalalagay na lang niyang isang mahalagang sangkap ng imbestigasyon nila ang kabataang si Zaida.

(ITUTULOY)

“Did she mentioned to you that we became very good friends months after she came to Silicon Valley?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.