Kanya-Kanyang Kaligayahan

Liwayway - - Mga Nilalaman - Armando T. Javier

HINDI pinangarap ni Bugoy na maging ander. Pero nang mawalan siya ng trabaho dalawang taon na ang nakakaraan, napilitan siyang akuin ang mga gawain sa bahay dahil abala sa pangungulekta ng pautang ang misis niyang si Lolet. Buti na lamang at grade four na ang kanilang anak, hindi na alagain. Pagkahatid niya kay Bobot sa eskuwela, nahaharap niya ang mga trabaho sa bahay saka mamamalengke para sa kanilang tanghalian at hapunan.

Iyon pa ang isa. Natuto siyang magluto mula nang maging taumbahay. Sa simula’y kinakantiyawan siya ni Lolet pag-uwi nito sa gabi.

“Hindi nilalagyan ng kamatis ang nilaga,” nakatawang sabi. “Malay ko ba?” Kakainin din naman. Napagod siguro at nagutom sa maghapong paniningil ng pautang ni Mang Manolo, ang amo nitong nagpapautang ng pera.

Isinandal ni Lolet ang likod sa mahabang bangko, ipinatong ang magkabilang paa sa isang maliit na stool at pumikit.

“Pagod ka? Masahihin kita.”

Tinabihan ni Bugoy. Kinapa-kapa niya, pinisil-pisil ang likod ng mga hita nito na pagal nga sa maghapong pagi-e-bike, palipat-lipat sa bahay at sa tindahan ng sinisingil.

“Mam’ya na lang pagkapaligo ko para masarap ang tulog ko.”

Iniwan niya ang asawa at binalikan ang mga hugasin sa lababo.

Sa silid makaligo, dumapa si Lolet na nakaunan ang mukha sa likod ng magkabilang palad, napapaungol sa hagod ng mga kamay ni Bugoy sa kanyang balikat, likod, baywang at mga hita. Nakagiginhawa sa pagod na kalamnan ang ginamit na linimiento ng mister.

Muling natambad kay Bugoy ang maganda pang hubog ng katawan ni Lolet na sumasampa pa lamang sa treinta’y tres anyos. Matanda siya rito nang pitong taon, at kahit nagbilang na ng syota si Lolet, pinakasalan pa rin niya nang hindi datnan ng regla. Nakahinga siya nang maluwag nang manganak si Lolet, at habang lumalaki si Bobot ay hindi makakailang siya

ang kamukha. Bilugan din ang mukha, maigsi ang leeg, hindi katangusan ang ilong, Bondying sa taba.

Iniwan niya sa silid si Lolet, binayaang makapagpahinga at binalikan si Bobot na nanonood ng telebisyon sa salas. “’Bot, baka mawili ka. Me pasok ka pa bukas.” Nilingon siya ng anak. “’Wag n’yo na ‘kong ihatid bukas, ‘Tay.” “Bakit naman?” “Kinakant’yawan kasi ‘ko ng mga klasmeyts ko. ‘Anlaki ko na raw nagpapahatid pa ‘ko, parang beybi!” “E, ano naman?” “Basta, ‘wag na.” Kunsabagay, marami siyang trabaho bukas. Tambak pa nga ang naipon nilang maruming damit. Ibabayad na lamang niya, susubukin ang bagong bukas na laundry shop sa katabing barangay.

Saglit siyang nagpalipas-oras sa panonood ng TV. Pasado alas-nuwebe, na napapahikab na siya, pinatay niya ang TV, isinara ang mga pinto’t bintana, binalikan sa silid at tinabihan si Lolet. Nakatagilid ito, humuhubog sa suot na sando at shorts ang makurba pang katawan. Iniyakap ni Bugoy ang kanang kamay sa katawan ng misis, sinuyo ng halik ang batok; napapilig si Lolet at umisod paatras. Umisod din siya, muling iniyakap sa asawa ang kanang kamay, dinukwang niya ang mukha at kinudlitan ng halik sa labi, saka siya bumulong, “’Ne, gusto ko…” Humarap sa kanya si Lolet. “Pagod ako…” “’Antagal na kasing wala…” Umakma siyang muling hahalik sa labi. Tinakpan ni Lolet ng palad ang bibig.

“Mag-tutbras ka muna,” sabi sa kanya.

MAY dalawang linggo pa lamang nagbubukas ang laundry

shop. Nasira na ang luma nilang washing machine at mahal ang pagpapakumpuni. Kung magkakapera, mas mabuting bumili na lang nang bago. Kaya tiis si Bugoy sa paglalaba nang manumano, napupudpod na nga ang kanyang mga kuko. Buti’t may nakaisip na magnegosyo nang paupahang palabahan, tipid na sa tubig ay tipid pa rin sa kuryente.

Sinamsam niya ang marurumi nilang damit, inilagay sa laundry basket. Pagkaalis nina Bobot at Lolet, isinakay niya sa traysikel at nagpahatid doon. Naihulog sa washing machine ang kanyang mga labada, naghintay siya. Dapat pala’y nakabili siya ng diyaryo, pampalipas-oras.

Nakatayo siya sa harap ng washing machine, pinagmamasdan ang ikot ng nalalabhang damit nang pumasok sa laundry

shop ang babaeng iyon. May bitbit na dalawang laundry bag, kulay-itim, na tila kapwa mabigat. Sinalubong ni Bugoy at tinulungang maipasok sa loob. “Tenk yu, Kuya.” Humihingal ang babae. Napagmasdan ni Bugoy: kayumanggi, hindi katangkaran, mapula ang labi, bilugan ang mata at mukha. “Malayo pa siguro’ng pinanggalingan mo?” “D’yan lang sa subdibisyon, Kuya.” May subdibisyon nga ilang kanto mula sa laundry

shop. Nararaanan niya iyon noong sumasakay pa siya sa UV Express papasok sa kompanya nila. Gusto pa naman niya ang trabaho niya bilang sales rep. Lagi siyang nasa labas, nakakagala at kung susuwertihin, nagkakaroon pa ng syota.

Namili na nang bakanteng washing machine ang babae. Tinuyo naman ni Bugoy sa dryer ang nalabhan nang mga damit. Patingin-tingin siya sa babaeng nasa beinte singko anyos siguro.

“Malimit ka bang naglalaba dito?”

“Bago pa lang. Di kasi masiyahan si Ate sa laba ko sa bahay…” “A, kasama mo pala’ng kapatid mo sa bahay?” Napangiti ang babae. “Hindi. Amo ko.” “A…Matagal ka na ba dito?” “Tri mants. Wala pa nga ‘kong nararating. Ayaw kasi ni Ate na lumalabas ako ng bahay at nakikipag-usap sa mga kapitbahay.”

“Tama rin naman s’ya, usung-uso’ng salisi’t mga budulbudol. Iniingatan ka lang ng amo mo.” “Siguro nga. ‘Tsaka, umiiwas siguro sa tsismis.” “Mayaman ba’ng amo mo?” “H-Hindi naman.” “Siguro ‘yung mister n’yang mayaman?” “Hindi rin. Maganda lang ang trabaho.” May kumurot sa dibdib ni Bugoy nang marinig ang salitang ‘trabaho’.

Natuyo ang mga damit ni Bugoy, isa-isa niyang hinango sa dryer at inilagay sa dalang laundry basket. Nakatingin sa kanya ang babae, nakangiti pero tila nalungkot din na aalis na siya at maiiwan ito nang walang kausap. Bihira nga sigurong makalabas ng bahay, bihirang may makasalamuhang ibang tao.

“Una na ‘ko,” sabi ni Bugoy. “Madalas naman siguro tayong magkikita dito?” “Siguro nga, Kuya--?” “—Bugoy. Ikaw?” “Ruby.” Matagal na siyang walang adventure, walang girlfriend, naisip ni Bugoy habang sakay ng traysikel pauwi. Ano kaya’t biruin niya si Ruby, mukhang madali namang pasakayin. Sa susunod, hihingin niya ang cellphone number. Sumisipol, masiglang bumaba sa traysikel si Bugoy dala ang basket ng nalabhang mga damit, at pumasok sa kanilang bahay.

HINDI niya natiyempuhan si Ruby nang magbalik siya sa laundry shop. Siguro’y nakabalik pa uli ito nang nakaraang linggo. Hindi bale, marami pa namang araw. Nakadalawang balik pa uli siya roon ay hindi pa rin niya natitiyempuhan ang kursunadang kasambahay. Baka pinaghihigpitan ng amo.

Nang sumunod na buwan, pinansin ni Lolet ang pagbaba ng babayaran nilang bill sa kuryente at sa tubig. “Himala? Ano’ng nangyari?” “Di ba sinabi ko sa ‘yo, sa laundry shop na lang ako naglalaba.” Nakalimutan siguro ng kanyang asawa, abala sa trabaho. “Kaya pala,” sabi. “Ayos! Minsan e me pakinabang din naman pala sa ‘yo…!”

Tiningnan niya nang masama si Lolet pero tumayo na ito matapos iwan sa mesa ang pambayad sa kuryente’t tubig at nagmamadaling umalis. Wala na ang nakagawiang paghalik sa kanyang pisngi. Habang binibilang ang perang pambayad sa bill, hindi naman nag-iwan ng pamalengke ang kanyang misis. Napailing siya. Magbubukas na naman siya ng de-lata.

Naligo siya, nagbihis at gumayak na para bayaran ang kanilang kuryente’t tubig. May pila na pero hindi pa naman kahabaan. Ang pang-apat na babae sa pila ay pamilyar sa kanya: sa taas, sa hubog ng pangangatawan; naka-jeans at blouse, pantay ang kayumangging balat. Hinintay niyang lumingon para makatiyak. Si Ruby nga. Napangiti rin nang makita at makilala siya. Hindi naging kainip-inip kay Bugoy ang pagpila. Naunang nakabayad si Ruby at tinapatan siya nang dumaan

Naghihinala si Bugoy na higit pa sa mag-amo ang relasyon ng kanyang misis at ni Mang Manolo…

“Nakakahiya. Personal, e.” “—Sa amo mo ba?” “M-Medyo.” “Okey,” sabi ni Bugoy at hindi na nagtanong. Sa halip, iba ang kanyang sinabi. “Kunin mo’ng cellphone number ko. Kung me kailangan ka—kahit ano—basta kaya ko, tawagan mo ‘ko; kahit wala kang kailangan, kung gusto mo ng kausap o ka

text, available ako.” Idinikta niya ang kanyang numero. Tinawagan ni Ruby, iniring ang kanyang cellphone.

“’Yan naman ang namber ko. Pero, ‘wag mo ‘kong laging tatawagan, ha? Baka kasi makita ni Ate na nakikipagtsikahan ako sa oras ng trabaho.”

“Text, p’wede?” “P’wede naman. Pero baka di rin agad kita mareplayan.” “Okey lang. Mag-reply ka pag wala kang ginagawa.” Doon nagsimula ang pagpapalitan nila ng text. May pinagkalibangan si Bugoy pagkatapos ng mga trabaho niya sa bahay. Para siyang tinedyer na nagkaroon ng textmate, lagi siyang masigla. Pakiramdam niya’y gayundin si Ruby.

At isang gabi, na naatraso na naman nang uwi si Lolet, napagdiskitahan niyang i-text si Ruby. Sa tantiya niya’y nasa silid na rin ang textmate. Sinagot nito ng pagbati ang kanyang pagbati. Naengganyo si Bugoy, lakas-loob nang nagtapat.

Nai- in love na ‘ata ako sa ‘yo, sabi niya. Hindi siya nireplayan. Nagalit yata, naisip ni Bugoy. Naloko na, mapupurnada pa yata ang diskarte niya.

Kinabukasan, hindi pa rin nagre-reply si Ruby sa mga text niya. Galit nga, naisip niya, at sinisi ang sarili sa kapangahasan niya. Dalawang araw pa ang lumipas at wala ni isang reply siyang natanggap mula sa kasambahay. Inari ni Bugoy na wala na, tsapter na, ang ugnayan nila ni Ruby. Wala siyang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili.

Pero isang tanghali, bandang alas-dos, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakarehistro sa screen ang pangalan ni Ruby.

Excited niyang sinagot. “Hello?”

“Hi! Bisi ka? P’wede tayong magkita?” “Ngayon na ba?” “Oo sana.” “’Asan ka ba?” Naghihintay na nga sa kanya si Ruby sa shopping

center, naka-shades ito. At nang magtabi na sila sa mesang kainan, napansin niyang tila malungkot. “’Kala ko’y di ka darating…” “P’wede ba ‘yon, usapan na natin ‘to? Ba’t muk’ang problemado ka? Me problema ka ba?” Tiningnan siya, saka napatungo, tila ibig maluha. “Sa amo mo ba?” Tumango, saka nagpalinga-linga, parang ayaw na may makarinig sa kanyang sasabihin.

“’Y-Yung amo kong lalaki, minamanyak ako,” sabi sa mababang tinig. “H-Ha? Ano’ng ginagawa sa ‘yo?” “Pag wala si Ate, malimit n’yang pisilin ang pigi ko! At minsan pa, bigla na lang n’yang dinakma ang boobs ko habang nakatalikod ako at naghuhugas ng plato. Pinakamalala kamakalawa nang madaling-araw, pinasok n’ya ‘ko sa k’warto. Naalimpungatan na lang ako na nakahawak ang kamay n’ya sa ano ko! Kundi pa ‘ko nagbantang sisigaw at mag-eeskandalo, di s’ya lalabas ng k’warto ko.”

“Manyak nga pala ‘yang amo mo! Isinumbong mo na ba sa misis n’ya?”

“Minsan, binanggit ko kay Ate na hinihipo ni Ser ang pwet ko. Itinanggi s’yempre ni Ser. Sa halip, pinasama pa ‘ko. Malimit daw n’ya ‘kong mahuling nakikipagtagpo sa houseboy ng

kapitbahay namin.”

“E, ano’ng balak mo ngayon? Magdemanda? Magreklamo?”

“Di na siguro. Aalis na lang ako sa kanila. Tapos naman ako ng hayskul, siguro naman e makakakita pa ‘ko ng ibang trabaho. Tatapusin ko lang ang buwang ‘to para makumpleto’ng s’weldo ko…” Hinawakan niya ang palad ni Ruby, tinapik-tapik. “’Andito lang ako, suportado kita sa pasya mo.” “T-Totoo ba ‘yung sinabi mo sa ‘kin sa text? In lab ka na talaga sa ‘kin?” “O-Oo.” Nagbaba ng tingin si Ruby. “Sige, pag-iisipan ko…” sabi nito, saka humilig sa kanyang balikat. Nagkaroon sila nang intindihan. Natapos ang buwan. Ibinalita sa kanya ni Ruby—sa text—na umalis na nga ito sa poder ng mga amo at nakiki-bedspace ngayon malapit sa shopping center.

“Di libreng-libre ka na pala?” sabi niya nang muli silang magkita. “Oo. Para nga akong nabunutan ng tinik!” “—Kaya lang nawalan ka ng trabaho…” “Di bale, aaplay na lang ako uli—kahit ano—kahit seylsleydi—di naman ako mapili sa trabaho.”

Nakipaghawakan si Ruby ng kamay sa kanya. Tinatablan si Bugoy, naaantig ang mga dapat maantig sa kanya. “Malayo ba rito’ng bahay mo?” “Isang sakay lang. Bakit?” “Wala lang. Gusto kong makita.” “S-Sasama ka sa ‘min?” “Kung gusto mo?” Mabilis na nag-isip si Bugoy. Nasa eskuwela pa si Bobot, alas-kuwatro pa ang uwi; si Lolet, nasa trabaho, sa gabi pa ang uwi. Kung sakali, solong-solo nila ni Ruby ang bahay. Napangiti siya sa posibilidad nang maaaring mangyari sa kanila roon. “Gusto ko. Tena!” Lumabas sila ng shopping center at nagtraysikel. Sa bahay niya, palinga-linga si Ruby sa loob. Dalawa lamang ang silid doon: ang sa kanilang mag-asawa at ang kay Bobot. Ipinagkanaw niya ng juice ang kanyang bisita, na noo’y nakaupong kipit ang mga hita. Inilapag niya ang dalawang baso at ang pitsel sa ibabaw nang katapat na mesita, saka tinabihan si Ruby. “Sino’ng kasama mo rito?” “Ha? A-Anak ko ‘tsaka m-misis ko.” Napalingon sa kanya si Ruby. “—‘Kala ko, alam mo?” Nagbawi rin agad ng tingin, dinampot ang baso ng juice at uminom.

“Alam ko naman,” sabing hindi tumitingin sa kanya, “makakaila ba ‘yan sa wedding ring mo?”

Oo nga naman! Napatingin din siya sa kanyang daliri at dinampot ang isa pang baso ng juice. “Okey lang ba sa ‘yo?” “Subukin muna kita. Baka nakaiwas nga ako ke Ser, e mas malala ka pa pala kesa sa kanya? ” “Naman…?” “Ba’t kasi niligawan mo pa ‘ko e me asawa ka na?” “’Yung totoo?” “Oo.” “Type kita.” Humalukipkip si Ruby, naubos na ang laman ng juice sa baso. Tahimik ito, nag-iisip. Bahagyang inuntag ni Bugoy. “O, bigla kang natahimik?” “Nakakainis ka kasi. Gusto na kita pero me asawa ka!” “Di naman n’ya malalaman, mag-iingat tayo. Promise.” Inakbayan niya si Ruby, kinabig at hinagkan sa noo. “Promise,” ulit niya, “walang makakaalam…” Tiningala siya ni Ruby. Hindi na siya nakapagpigil, dinukwang niya ang katabi at hinagkan. Nagbuka ng labi si Ruby, nagpaubaya at gumanti ng halik. Marunong na. Napraktis siguro ng boyfriend. Namasa ang mga labi nila.

“’Wag mo ‘kong lolokohin, ha?” sabi nito, nakaduro ang daliri sa kanyang mukha. “Hindi.” Inginuso niya kay Ruby ang silid. Umiling ito. “’Wag dito, bahay mo ‘to. Nakakahiya sa misis mo.” Kumindat siya. “Sa iba na lang?” “Puro ka kalokohan! Ihatid mo na ‘ko. Baka me dumating, makita ‘ko rito.”

Gusto rin niya. Mabuti na ang nag-iingat. Nalaman niya kung saan nakiki-bedspace si Ruby, sa isang subdibisyon din. Dalawang senior citizen na kapwa retirado ang may-ari ng bahay. Apat silang babaeng bedspacer sa kuwarto. Nagpaalaman sila.

Kinasabikan ni Bugoy ang muli nilang pagkikita.

NGAYON gabihin man ng uwi si Lolet ay pinalalampas na lamang niya. Magbunganga man ito nang magbunganga tungkol sa mga hinaing nito sa pakikisama sa kanya, okey lang, natitiis niya. Laging nasa likod ng isip niya ang napipintong pagkikita—at tiyak na pagniniig—nila ni Ruby. Lagi siyang napapangiti. Kinagabihan, nagpapaalam sa kanya si Lolet. “Nagpapasama sa ‘kin bukas si Mang Manolo, dadalawin daw ang nanganak na anak sa Laguna. Baka sa makalawa na kami makauwi.” “Ba’t ikaw ang isasama?” “Maliliyuhin na kasi s’ya. Ayaw n’yang isama’ng maid, wala raw tatao sa bahay.” Nagbuntunghininga siya. “Bahala ka.” Naligo si Lolet makahapunan at naghiga na sa silid. Nang siya naman ang pumasok at tabihan ito, pumihit at pumatong sa kanyang dibdib ang kaliwang kamay at humalik sa kanyang leeg. Naninibago si Bugoy sa ikinikilos ng asawa. “Gusto ko. Anuhin mo ‘ko…” Tiningnan niya si Lolet, tumango ito. Pinatay niya ang ilaw sa side table. Madaling-araw nang umalis si Lolet. Nagising siyang may nakapatong na dalawang libong piso sa ibabaw ng side table, sobra-sobrang panggastos nilang mag-ama sa loob ng dalawang araw.

Sa tanghali, hinatiran niya ng pagkain si Bobot, saka siya tumuloy sa shopping center. Baka naiinip na si Ruby. Excited na rin siya. Niyaya niya sa text si Ruby at sasama sa kanya. Dalawang libong piso ang iniwang allowance ni Lolet, magastos man nila ni Ruby ang isang libo’y may isang libo pang matitira para sa kanilang mag-ama.

Nakatayo siya sa harap ng washing machine, pinagmamasdan ang ikot ng nalalabhang damit nang pumasok sa laundry shop ang babaeng iyon. May bitbit na dalawang laundry bag, kulayitim, na tila kapwa mabigat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.