Magluto Tayo

Liwayway - - Mga Nilalaman - Mareng Lena

SOMETHING special, wika nga, ang ating lulutuin ngayon.

CHICKEN PASTEL MGA SANGKAP:

1 manok, ataduhin ayon sa nais na laki, ibabad sa toyo at kalamansi juice 1 maliit na pack ng hotdog, hiwain nang diagonal, maninipis 1 maliit na kahon ng pasas 1 carrot, hiwain nang maliliit 1 sili macopa, hiwain nang pino 2 kutsarang toyo 1 kutsarang katas ng kalamansi 1 sachet ng tomato sauce 2 kutsarang cornstarch, lusawin sa kaunting tubig 1 maliit na sachet o can ng cream 3 butil ng bawang, pitpitin 1 sibuyas, hiwain nang pino

PARAAN NG PAGLULUTO:

IGISA ang bawang at sibuyas. Buhusan ng isang puswelong tubig. Kapag kumukulo na, ilagay ang manok, hindi kasama ang pinagbabaran. Lutuin sa mahinang apoy. Bago ilahok ang iba pang sangkap, ilagay ang cream at haluhaluin. Timplahan ayon sa panlasa.

ORANGE CHICKEN MGA SANGKAP:

1 manok, hati-hatiin sa nais na laki 2 kutsarang toyo ½ puswelong asukal (brown sugar) 1 kutsarang suka 2 kutsarang katas ng kahel (itabi ang balat ng orange) 1 pirasong luya, hiwain nang maliliit 1 sibuyas, tadtarin 1 pulang siling macopa, hiwain nang pino 1 puswelong tubig

PARAAN NG PAGLULUTO:

PAGHALUIN ang mga sangkap. Ilahok sa tubig at pakuluin sa mahinang apoy. Dito lutuin ang manok hanggang maging mala-salsa ang sabaw. Timplahan pa ayon sa panlasa.

*MASAMA raw sa kalusugan ang pagkain sa balat ng manok (kaya itinatapon ito ng iba.) Marami raw taglay itong fats o taba kaya nakapagpapataas ng bad cholesterol. Sabi naman ng iba, mabuti raw sa kalusugan ang balat ng manok. Nakapagpapataba umano sa blood sugar, dahilan upang makaiwas sa diabetes. Nakakatulong din daw ang balat ng manok sa pag-iwas sa atake sa puso. Alin ng dapat paniwalaan? Ayon sa isang doctor, anumang pagkain kapag labis ay nakasasama. Kaya bawat kainin, dapat in moderation.

Tara na sa kusina, magluto at kumain!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.