Ruben Maria Soriquez at Garie Concepcion, bagong tambalan...

Liwayway - - Mga Nilalaman - Maricris V. Nicasio

TUMATAK sa maraming local fans ang Filipino-Italian, actor/director na si Ruben Maria Soriquez dahil sa kanyang pagiging Harry Potter look-alike at sa pagiging bahagi niya ng teleseryeng Dolce Amore na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Si Garie Concepcion naman, ipinakita niyang hindi lang siya isang mahusay na singer, kundi kaya ring sumabak sa pag-arte nang maging bahagi siya ng dating TV series na La

Luna Sangre na tinampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa pelikulang The Lease na pinamahalaan ng Italian director na si Paolo Bertola ay tampok sina Ruben at Garie. Ang nasabing pelikula na mula Utmost Creatives Production ay showing na sa July 25. Ito ay isang kakaibang paranormal horror thriller na dapat abangan ng mahihilig sa ganitong genre.

Makikita sa teaser ng pelikula ang kakaibang timpla at atake nito. Ipinahayag nga ni Garie na bagay na bagay ito sa mga mahihilig sa katatakutang panoorin. “Ang The Lease po ay isang

paranormal horror na pelikula. Para po ito sa mga mahilig sa mga nakakatakot at hindi para sa mga mahihina ang puso,” nakangiting saad ng singer/actress.

Ayon naman sa leading man niya, “Isa itong paranormal horror-thriller. Pero ibang klase, kasi may family

values at may matututunan na lesson mula sa kuwento. Kasi, iyong movie ay hindi para manakot lang, kahit nakakatakot siya talaga. “Also, ito ay isang indie film pero ang dating ng movie ay pang

mainstream talaga.” Dagdag pa ni Direk Ruben, “Napanood ko na ang movie, kasi

co-producer ako rito at kailangan nila ang feedback ko bago ipalabas sa mga sinehan. So, I watched it ten times already. “Yes, scary ito pero suspense rin siya at the same time. And iyong

twist sa film is very interesting… it will catch the audience’s heart.” Labis naman ang pasasalamat ni Garie sa patuloy na pagganda ng kanyang showbiz career. “Ito na po ang biggest role ko sa isang pelikula. And masasabi ko, ito na po ang pinaka-active kong taon sa showbiz. Big blessing po talaga sa akin ‘yung La Luna Sangre at ito nga pong The Lease.”

Nabanggit din ng aktres ang papel sa pelikulang ito. “Ako po rito si Clara, asawa po ng character ni Direk Ruben. Isang Filipina na nakapangasawa ng Fil-Italian, may dalawa po silang anak sa movie.”

Ipinahayag naman ni Direk Ruben na hanga siya sa talento ni Garie bilang aktres.

Hinggil naman kay Direk Paolo, naniniwala siyang ito na ang pagkakataon para ipakita ng kanilang

director sa pelikula ang galing niya sa Pinoy audience pagdating sa horror film.

Bukod sa The Lease, si Garie ay magiging bahagi ng isang play na pinamagatang Sinadasal, under Hiraya Theater Production.

Ang award-winning actor/director namang si Ruben ay tampok sa

forthcoming movie titled The Spiders’

Man, isang black comedy hinggil sa autism and family ties na ang ilang eksena ay kinunan pa sa Italy. Kasama ni Direk Ruben dito sina Richard Quan, Jeffrey Tam, Lee O’Brian, Rob Sy, Red Ibasco, at ang misis niyang si Lanie Gumarang. Plano niyang isumite ito sa mga international film festival.

Nakatakda rin niyang i-co-direct with Direk Paolo ang isang kakaibang pelikulang tatampukan nina Pokwang, Lee O’Brian, at iba pang bituin na pinamagatang My Beast Friend.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.