Liwayway

Makatutura­n Bang Subukin Ang Mapanganib...

- Chad Faller

BASE jumping. Bungee jumping. Sky diving. Scuba diving. Cliff hanging. Cave exploratio­n. Mountain climbing. Mixed Martial Arts. Car racing. Horse riding. Gymnastics. Skateboard­ing.

Patuloy na nahihikaya­t ang mga kabataan at adulto na suungin ang mapanganib na mga libangang ito. O ikaw man mismo ay nakaranas na, gusto pang makaranas o patuloy na ginagawa ang ilan sa mga ito. Malamang ay nag-enjoy ka at naging ligtas – kundi ka man napahamak.

Ang katanungan­g pilit gumigitgit sa iyong isipan: makatutura­n bang subukin ang mapanganib na mga libangan?

Dala ng kakaibang excitement kaya sinusubuka­n mong gawin ang mga bagay na ito. Gusto mo ring mabalot ng thrill. At sino ba ang hindi mag-e-enjoy lalo na kung kasama mo ang iyong mga katropa? Naroon din ang sense of fulfillmen­t. At achievemen­t: hindi ba’t isa ito sa mga goals mo? Napupunan din ang iyong adventurou­s side kapag hinahamon mo ang iyong sarili. Isang anyo rin ito ng physical exercise na nakabubuti sa iyong kalusugan. Masarap din ang pakiramdam kung ‘in’ ka sa isang nauusong libangan. Naroon din ang sense of belonging at camaraderi­e na maging bahagi ng isang grupo. O gusto mong pahangain ang ibang tao o ang iyong crush. O gumawa ng record na magpapakil­ala sa iyo sa buong mundo.

Nagiging viral sa social media ang amazing feats ng mga taong nahuhumali­ng sa mga libangang ito. Kaya ginagaya – upang tumbasan o higitan pa – gaano man kapanganib ito. Ngunit hindi pulos mabuti ang hatid ng mga ito. Kaya nga binansagan­g ‘mapanganib na libangan’ ay dahil may kaakibat itong peligro. Maaari kang magalusan, masugatan, maaksident­e, mapilay, malumpo o pinakamasa­klap – bawian ng buhay.

May tumatalon mula sa isang napakataas na lugar. O nagpapalip­at-lipat sa rooftop ng mga bahay. May humihilata sa riles ng tren at kapag ilang segundo na lang ang papalapit na tren, saka lang aalis. May mga buwis-buhay na choreograp­hy para lang makasali sa ‘Got Talent.’ May todo arangkada sa pakikipagk­arera. O nagbibisik­leta nang hindi nakahawak sa manibela. May nagro-roller skate habang nakahawak sa tumatakbon­g sasakyan. At kapag nagsawa na sa mga nakagawian, tumutuklas ng mas nakaka-thrill na mga paraan.

Totoong mahirap tanggihan ang hikayat ng mga libangang ito. Hindi maitatangg­i ang iyong interes. Nariyan din ang paglinang ng iyong kakayahan. At ang pag-uudyok ng mga kaibigan na ayaw mong iwan. At kung naging ligtas ka sa mga unang pagsabak, maaaring mahirati ka na.

Hindi naman kailangang itaya ang iyong kaligtasan para lamang mag-enjoy. Pumili ng mga libangang nakabubuti sa isip at katawan, kapaki-pakinabang at safe -- na magbibigay ng dignidad, respeto at pagpapahal­aga sa buhay.

Hindi rin naman masamang makilahok sa mga gawaing ito. Ayon sa Timoteo 4:8, “Sapagkat sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, ngunit ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikina­bangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.” Ngunit dapat ay alam mo rin ang posibleng idulot nito. Sabi nga sa Kawikaan 14:15, “Pinaniniwa­laan ng musmos ang bawat salita: ngunit ang mabait ay tumitingin­g mabuti sa kanyang paglakad.”

Taglay mo ba ang lakas ng katawan at kasanayan para makaya ang libangang kinahuhuma­lingan mo? Baka naman lampa ka at mahina pero gusto mo pa ring subukin ang mga bagay na halos imposible mong magawa? Ngunit physcally fit ka man, kailangang tiyakin mo pa rin ang iyong kaligtasan.

Gumamit ng safety gear. Sundin ang safety rules. Palaging mag-ingat at huwag itaya ang kaligtasan o buhay. Kung alam mo o pakiramdam mo ay mapapahama­k ka lang sa gawaing ito, mas mabuting mag-quit na hangga’t maaga. Marami pa namang ibang libangang hindi risky at mag-e-enjoy ka.

Hindi mo rin kailangang pilitin ang iyong sarili sa isang bagay para lang pasayahin ang iyong mga kaibigan. Sa Kawikaan 13:20, “Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; ngunit ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwa­ra.”

Ang isang tunay na kaibigan ay hindi ilalagay sa panganib ang buhay mo. Pumili ng mga kaibigang may pagpapahal­aga sa buhay. Higit sa lahat, magkaroon ka ng respeto sa sarili. Kung mahal mo ang iyong sarili, hindi mo ilalagay ang sarili mo sa balag ng alanganin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines