Liwayway

Mirasol, Nakangiti, Kumakaway

- Nestor Cuartero

KILALA natin bilang sunflower. E, ano ba ang tawag sa sariling wika natin?

Pagpasok mo sa Unibersida­d ng Pilipinas-Diliman ay kumakaway ang mga mirasol—o sunflower sa Ingles.

Para bang kinukumust­a ng mga ito ang mga mag-aaral, mula sa mga nag-aasam pa lamang makapasok sa prestihiyo­song pamantasan, hanggang sa sila’ý magsisipag­tapos na. May siyentipik­ong pangalang helianthus, ang ginintuang bulaklak na ito ay sumisibol tuwing Abril sa Hardin ng UP Diliman. Ang pagkislap nito ay sumasabay sa pagsikat ng araw, na siyang pinaghangu­an ng pangalan nito.

Tuwing umaga hanggang hapon ay tila nagkukuwen­tuhan ang araw at ang mga mirasol. Ang mirasol ay nagmula pa sa Hilagang Amerika. Una itong naitanim sa Europa ng mga Espanyol.

At dahil nga sa mahigit tatlong siglo ng pananakop ng Espanya, naitanim din nila ito sa ating mga lupain. Hindi mapasisinu­ngalingan ang pang-aabuso ng imperyalis­tang Espanya sa ating bansa; ngunit isa ang mirasol sa ilang mga bagay na maipagpapa­salamat din natin sa kanila. Ayon sa website ng UP, ang pagyabong ng mga mirasol sa mga hardin ng kanilang pamantasan ay bunga ng pagtutulun­gan ng mga opisyal, guro, alumni, at estudyante. Mula sa maliliit na binhi, nagsimula ito bilang eksperimen­to ng Campus Landscapin­g

and Arboretum (CLOA) noong 1980s. Sa pamumuno ng agrikultur­ista at dating direktor sa UP na si Dionisio Liwag, nakilala ang UP Diliman bilang academic sunflower capital during the summer season.

Nitong nakaraan lamang, naging usap-usapan sa internet ang mga kaso ng ipinagbaba­wal na pagpitas sa mga mirasol ng UPD. Sino ba naman ang hindi matutukson­g pumitas ng mirasol?

Bukod sa kagandahan­g panlabas ay mayaman din ito sa langis at masustansi­ya ang binhi. Ngunit kung hindi maiiwasan ang pagpitas sa mga ito, untiunting masisira ang mga ginintuang palamuti. Kaya ngayon, malaki ang ginagastos ng pamantasan para sa pananatili ng kagandahan ng mga bulalak na ito. Ang mga mirasol, ang mga ginintuang bulaklak sa entrada ng prestihiyo­song unibersida­d ay hindi lamang palamuti sa mata ng mga estudyante at iba pang panauhin sa UP Diliman. Tahimik din itong kumakaway sa sinumang minsang madadaan sa hardin ng pamantasan.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines