Liwayway

Joshua de Guzman, Wish Na Sundan Ang Yapak Ni Coco Martin

- Nonie V. Nicasio

SI Joshua de Guzman ay isang newcomer na tubong San Carlos City, Pangasinan at mina-manage ng MaleBox Artist and Modeling Management. Nakalabas na siya sa ilang

short films at sa TV. Sa pelikula, lumabas siya sa Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz at sa The Maid in London ni Direk Danni Ugali.

Ang naturang pelikula mula CineManila.UK Ltd. At Viva Films ang masasabing biggest break ni Joshua. Inusisa namin siya sa papel niya sa pelikulang ito na pinagbibid­ahan nina Andi Eigenmann at Matt Evans.

Pahayag ni Joshua, “Ang role ko po sa The Maid In London ay si Nido, isa po akong Filipino na nakatira sa Tita ko sa London at naghahanap ng magandang kapalaran doon. Bale, nakikipags­apalaran po ako roon bilang OFW na TNT dahil wala akong papeles talaga para magtrabaho.

“Pang-second movie ko po ito, pero rito po ay introducin­g na ako. Kasi, medyo mabigat na po ang role ko rito. Kaya masaya po ako at halos hindi po ako makapaniwa­la, kasi mahirap po talaga ang pumasok sa showbiz.”

Ipinahayag din ni Joshua ang paghanga sa galing ni Andi bilang aktres. “Si Ate Andi po napakatahi­mik sa set pero once na nakilala mo na po siya, makuwento po siya. ‘Tsaka napaka

profession­al po, kapag nasa harap na po siya ng camera, laging take one,” esplika pa niya. Nabanggit pa ni Joshua na aminado siyang kinabahan din na makatrabah­o si Andi dahil bukod sa pagiging establishe­d actress na nito ay galing sa pamilya ng magagaling na artista.

“Sa una po nakakakaba, pero siya po ang aalalay sa iyo para mawala ang takot mo kapag kaeksena mo siya,” masayang pakli pa ng binata. Nagpasalam­at din siya kay Direk Danni. “Si Direk Tatay din po ang manager ko. Very supportive po siya sa akin at saka nagkakasun­do po kami sa mga plano namin sa showbiz career ko po. Kaya sobrang thankful po ako sa kanya.”

Bukod sa pagpalabas nito sa Pilipinas, ang The Maid in London ay ipinalabas din sa San Diego, California last July 14 at 15. Sa August naman ipapalabas ang nasabing pelikula sa United Kingdom.

Ang pelikula ay base sa librong Tago ng Tago ni BL Panganiban. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Jurado, Rina Reyes, Channel Latorre, Alexis Navarro, Beth Rees, Tere Gonzales, Richard Manabat, Star Orjaliza, at iba pa. Ang

producers ay sina BL Panganiban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali.

Ayon pa kay Joshua, kabilang sa mga iniidolo niyang aktor sina Dennis Trillo, John Lloyd Cruz, at Coco Martin dahil magagaling silang umarte at binibigyan nila ng justice ang roles na natotoka sa kanila

Nang usisain naman kung mayroon ba siyang aktor na gustong sundan ang yapak, ito ang kanyang naging tugon:

“Wala naman po talaga, pero sana gaya ni Coco Martin na nagsimula sa indie films tapos ay sumikat po. Sana maging ganoon din po ang aking career path,” nakangitin­g pahayag pa ng 20 year old na aktor.

Samantala, bilang follow-up movie ay nakatakdan­g gawin ni Joshua ang The Night That Never Sleeps ukol sa droga, na tatampukan nina Rosanna Roces, Elizabeth Oropesa, Alan Paule, Kristoffer King, Deborah Sun, Angellie Nicole Sanoy, Lito Gruet, at iba pa. Kabilang din sa pelikulang naka-line-up kay Joshua ay ang Building 757 na hinggil naman sa Marawi.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines