Liwayway

Paano Makaiwas Sa Pagkakaroo­n Ng Kapansanan

- Marilyn C. Arayata

ALAM mo bang 1.443 milyong Pilipino o 1.57% ng kabuuang populasyon ang may kapansanan? Ang datos ay ayon sa resulta ng 2010 Census of Population and Housing. Ayon pa rin sa nasabing census, pinakamata­as ang naitalang bilang ng mga may kapansanan (persons with disability) o PWDs sa Region IV-A – may bilang na 193,000, at pinakamaba­ba naman sa Cordillera Autonomous Region (CAR) na may 26,000 PWDs (source: DOH website). Ginugunita ang National Disability Prevention and Rehabilita­tion Week tuwing ikatlong linggo ng Hulyo at nagtatapos naman sa karawan ni Apolinario Mabini, The Sublime Paralytic, Hulyo 23 ng bawat taon. Marami ang nag-iisip na ang injuries lamang sanhi ng mga aksidente ang karaniwang mga sanhi ng pagkakaroo­n ng disability. Ayon sa WebMD, isang online site, ang mga pangunahin­g sanhi ng disability ay ang mga sumusunod: arthritis, sakit sa puso at stroke, kanser, mental health problems, at diabetes. Samakatwid, hindi sapat na makaiwas lang sa mga aksidente ang isang tao upang mabuhay actively, productive­ly, and independen­tly. Sa kanyang aklat na “Younger by the Day: 365 Ways to Rejuvenate Your Body and Revitalize Your Spirit”, sinasabi ni Victoria Moran ang ganito, “Growing into your future with health and grace and beauty doesn’t have to take all your time. It rather requires a dedication to caring for yourself as if you were rare and precious, which you are, and regarding all life around you as equally so, which it is.”

Bukod sa pag-iingat sa iba’t ibang uri ng injuries, mahalaga rin ang pag-iwas sa paninigari­lyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng mga hindi kailangang gamot. Malaki ang epekto ng wastong nutrisyon at mga kampanya laban sa mga sakit upang makaiwas sa disabiliti­es. Lubhang mahalaga rin ang pagbabawas ng mga pagkaing matamis, mataba, maalat, may preservati­ves at transfat, pagma-manage ng stress, pagmo

monitor ng blood sugar at blood pressure, regular na pagkonsult­a sa doktor, pag-eehersisyo, at pag-iwas sa sobrang radiation. “Sorry, there´s no magic bullet. You gotta eat healthy and live healthy to be healthy and look healthy.” (Morgan Spurlock)

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines