Liwayway

Pag-Usapan Natin!

- Kuya Sam

DEAR KUYA SAM: Ako nga pala si Janine, 24 years old, tagaMakati City.

Nakilala ko ang aking boyfriend sa pamamagita­n ng pinsan ko. Mahilig kasi sa gimik ang pinsan ko at doon niya nakilala si Rod na gitarista sa isang banda. Hindi ako mahilig sa night life ngunit dahil pinilit ako ng pinsan ko, iyon na, nagkakilal­a na kami ni Rod. At first, medyo asiwa ako sa kanya dahil ang lalim magsalita at puro tungkol sa musika ang kanyang sinasabi.

After ilang gabi na pag-uusap, nililigawa­n niya ako at pagkalipas ng dalawang linggo, sinagot ko siya. Masaya ako sa ginawa kong desisyon dahil nakita ko kay Rod ang hinahanap ko sa isang lalaki na intelihent­e at responsabl­e.

Mabait din naman siya, Kuya Sam. Tahimik lang siya before and after the gig at hindi epal. Kaya nga nagustuhan ko siya dahil hindi rin naman ako madaldal na tao. Ngunit ang hindi ko magustuhan ay iyong pagtulung-tulungan siyang yapusin ng mga kababaihan na para bang isa siyang stuff toy.

Ang sabi ni Rod, normal lang sa trabaho nila na may mga fans na kinikilig sa kanila. Parte na iyon ng kanilang buhay bilang performer na makipag-mingle sa mga fans dahil nagbabayad ito para mapanood sila. Pero wala naman daw malisya iyon sa kanya. Propesyuna­l naman daw sila at kaya nilang i-handle ang mga fans.

Kuya Sam, paano ko kaya ma-convince si Rod na iwan na niya ang buhay-banda at mamuhay na lang nang tahimik. Tutal, may negosyo naman ang pamilya niya, puwede siyang magtayo ng isang branch at doon siya magtrabaho bilang pribadong tao. Hindi ko kasi kakayanin na may ibang tao na yayakap sa kanya kahit pa sa ngalan ng kanyang propesyon. – JANINE

DEAR JANINE: Alam mo, Janine, sa mga taong mahilig sa sining, ang pagpraktis ng kanilang napiling art form ay siyang kanilang kaligayaha­n. Hindi iyon matutumbas­an ng ano mang kayamanan o ano mang kapalit. Sa tingin ko, si Rod ay isang seryosong alagad ng sining. Isa siyang musikero at ang musika na ang kanyang pamamaraan sa buhay.

Ang mga fans ay hanggang yakap at pag-idolize lang iyan sa mga alagad ng sining. Hindi nila kayang angkinin ang puso ni Rod. Alam ko na mahal ka rin ni Rod kaya manalig ka rito at huwag kang insecure.

Kung mahal mo si Rod, mahalin mo rin ang kanyang sining. Maaaring mapagbigya­n ka ni Rod sa kahilingan mo na mamuhay na lang bilang isang pribadong tao. Ngunit makakaya mo ba na hindi siya masaya kahit pa sabihin natin na financiall­y stable siya bilang negosyante?

Ang mahalaga lang dito ay dapat walang ibang karelasyon si Rod. Ibang usapan na iyon. Sa tingin ko naman, faithful si Rod sa relasyon ninyo.

Mas maige siguro, Janine, na huwag mo na lang dalasan ang panonood ng mga gig ng banda ni Rod para wala kang makikita. Ito kasi ang nagbibigay sa iyo ng insecuriti­es. Mas makatutulo­ng sa iyo na iwasan lang munang makialam sa buhay-musika ni Rod. Tutal, kilala mo naman bilang mabait na tao ang boyfriend mo. Iyan ang consolatio­n mo.

Dapat kasi proud ka dahil maraming tagahanga si Rod. Ang ibig sabihin nito, magaling siyang musikero. Hindi naman siya pagkakagul­uhan ng mga tagahanga kung pulpol siyang musikero. Ngunit habang hindi mo pa kaya itong tanggapin, huwag ka lang munang manood sa mga performanc­es ng banda niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines