Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

Liwayway - - Mga Nilalaman - Boy A. Silverio

KANKABATOK ang dating pangalan ng Tacloban City. Isinunod ang nabanggit na pangalan sa mga katutubong kabatok na unang nanirahan sa nasabing

lugar.

Ang Tacloban City ang pinakamalaking siyudad sa Eastern Visayas kung pagbabatayan ang bilang ng populasyon nito. Ginawang sentro ng pamahalaan ng Philippine Commonwealth ang Tacloban noong 1994 hanggang 1945.

B-oOoAGO sumikat at nakilala si Lea Salonga sa ginampanan niyang papel bilang Kim sa musical na Miss Saigon ay mayroon nang isang Pinay na kinilala sa teatro. Ito ay si Jovita Fuentes na nakilala sa Europe dahil sa kanyang mga ginampanang pangunahing papel sa mga opera na katulad ng

Madame Butterfly, Turandot, La Boheme, Salome at Li Tae Pe noong 1930.

I-oOoSANG West Point graduate si Antonio P. Chanco na nahuli ng mga sundalong Hapones sa Bataan. Kabilang siya sa mga nakaligtas sa Death March. Nang makatakas si Chanco ay sumama siya sa mga gerilya at nagsilbi bilang intelligence

officer hanggang sa matapos ang digmaan. Naging commandant ng Philippine Military Academy at matapos magretiro ay naging negosyante sa America. Namatay siya sa California noong 1997.

N-oOoANG mamatay si Gregorio Del Pilar ay kinuha ng mga Amerikano ang kanyang mamahaling papeles at mga gamit. Katulad ng baril, talaarawan, bota, jacket, pantalon, locket na may lamang buhok ng babae at isang panyo ng babae na may burdang pangalan ng kanyang kasintahan na si Dolores Jose. Gayunman isang maginoong Amerikanong opisyal ang nagbigay sa kanya ng marangal na libing. Ito rin ang nagtaguri sa kanya bilang “an officer and a gentleman” na nakatitik sa kanyang libingan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.