Liwayway

Julia Barretto At Joshua Garcia, Muling Nagpakilig Sa Pelikulang...

- Maricris V. Nicasio

MINSAN pang pinatunaya­n ng tambalan nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang charisma nila sa kanilang tagahanga nang pakiligin ng dalawa ang manonood ng pelikula nilang I Love You, Hater.

Graded-B ang pelikulang ito mula Star Cinema, na tinatampuk­an din ng Queen of Social Media na si Kris Aquino at pinamahala­an ni Direk Giselle Andres. Nagsimula na itong ipalabas sa mga sinehan last July 11 at bahagi rin ng pelikula sina Mark Neumann at Allora Sasam.

Isang nagkukunwa­ring bading ang role ni Joshua rito kaya nang natanong si Julia sa

presscon nito kung sino ang mas endearing, iyong bading na Joshua o ang straight na Joshua? Ang naging sagot ng dalaga ay, “Of course the super

straight Joshua. Iba talaga magmahal ang isang Joshua Garcia!”

Nang tanungin naman kung kinokumpir­ma ni Julia na sila na nga ng binata, humingi naman ito ng tulong kay Kris. At sinabi ni Tetay na hindi dapat si Julia ang magsabi niyon kundi si Joshua ang nararapat at sinabi nitong, “Ang lalaki ang dapat may paninindig­an.”

Nang usisain naman ni Kris si Joshua kung mahal niya si Julia, sinagot niya iyon ng, “Yes!” na lalong ikinatili ng fans. At sinundan iyon ng tanong pa ni Kris ng, “Is Julia Barretto your girlfriend?” Sagot ni Joshua, “Hindi ko pa masabi Tita.”

“Why,” balik naman ni Kris. At sinagot siya ng binata ng, “Sa tamang panahon.”

Sa bitin na pahayag ng aktor, pinag-promise na lang ni Kris si Joshua na maging faithful ang binata kay Julia.

Samantala, aminado si Joshua na nahirapan siya sa pagganap na isang beki sa pelikula nilang I Love You, Hater.

Aniya, “Struggle lahat. Lahat-lahat actually. Kasi, sinabi ko kay Direk, ang hirap ng nagpapangg­ap ka, lalaki ka eh, na nagpapangg­ap ka na isang beki, sobrang hirap.

Tapos, ‘yung emosyon pa, hindi siya pataas talaga, pababa, tataas, bababa. So para sa akin, sobrang hirap. Siyempre ginabayan lang talaga ako ni Direk at iyong mga make-up artist namin sa set, tinutulung­an nila ako.”

Sa kabilang banda, ipinaliwan­ag ni Direk Giselle kung bakit I Love You, Hater, ang titulo ng kanilang pelikula. Ang rason daw ay dahil nang nag-iisip sila ng angkop na titulo para sa naturang pelikula, iyon daw ang lumabas na pinakabaga­y.

Inesplika pa niyang haters daw kasi rito sina Joshua at Julia noong simula at ang pinaka-message ng movie kasi, “Even if you’re a hater, I will

choose to love you, kaya I love you hater.” At dahil I Love You, Hater ang titulo ng pelikula ay tinanong ang dalawa kung ano ang hate at love nila sa isa’t isa.

Si Julia muna ang sumagot, “Si Josh kasi mahilig mangulit, pero maganda rin ‘yung may nangunguli­t pero minsan kasi kapag wala kang tulog, pagod na pagod ka alam mo ‘yun? Pero in-embrace ko na ‘yun kasi hindi naman siya talaga makulit as a person, sa akin lang talaga siya makulit.”

Idinagdag pa ni Julia na kapag sinabi niyang tama na ang pangunguli­t, ang ibig sabihin daw niyon ay tama na. “Hindi ako ‘yung tipo na secretly gusto ko pa. So ‘yun ‘yung medyo hindi naman hate, kundi tama na, ‘wag mo na masyadong i-push.”

Ang pagiging moody naman daw ni Julia ang ayaw ni Josh, “Pero love ko ‘yan!” sabi ng binata.

Tila nagsumbong pa si Julia sa press nang sabihin niyang mahilig mangulit si Joshua tapos kapag nagalit siya ay nagtatampo ang aktor. Kaya minsan daw ay hindi na talaga alam ng aktres kung saan siya lulugar.

Biglang kambyo ng aktres, “Ang maganda kasi kay Joshua kapag nagsabi ako ng mga tampo ko, sinasabi ko lahat, isa-isa at hindi ‘yan kumikibo at tahimik lang siya. So, ‘pag tahimik siya parang napu-frustrate ako, parang ako na lang, salita nang salita? After kong sabihin lahat, in

fairness nakikinig pala siya at isa-isa niyang iso-sorry one by one, so it’s sorry na hindi bumigay (makipagbat­i), girl ako, eh. In fairness, he’s a good listener.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines