Liwayway

Sa Ibang...

-

magpapara, bumaba rin si Terry. “O…?” “Gusto kong malaman kung sa’n ka nakatira.”

Pinamulaha­n ng mukha si Marita. Nasa tabi sila ng isang bakeshop. Ilang hakbang mula roon papasok sa kalsada, huminto si Marita. “Do’n ako.”

Itinuro niya kay Terry ang luma, tatlong pintong apartment. “Hanggang dito ka na lang…” “Ayaw mong ihatid kita hanggang do’n?”

“N-Next time na lang, T-Terry…” “Okey.” Atubili si Marita na abutin ang kamay nito pero si Terry ang umabot sa kamay niya at nakipagkam­ay.

“Next time,” ulit nito. Iniwan niya ang manunulat. Nakasapit sa pinto ng apartment, napalingon siya sa pinanggali­ngan. Naroon, nakatingin pa rin sa kanya si Terry. Kumaway nang makitang lumingon siya saka pumihit pabalik sa kalsada.

PINALIPAS niya iyon. Kay Marita, isang simpleng karanasan at pagkikilal­ang maaaring mangyari kahit kanino. Nagkataon lamang siguro na natiyempuh­an siya ni Terry na bumibili ng pocketbook nito. Kung ibang babae iyon, siguro’y makikipagk­ilala pa rin at magpapakil­ala si Terry bilang awtor ng libro.

Inabala siya sa kanyang pag-aaral ng mga katok sa kabilang pinto. Pasado alas-kuwatro pa lamang. Muli, nakarinig siya ng katok sa pinto at nasilip niya sa iskrin niyon ang isang lalaki. Sumikdo ang dibdib ni Marita, nilagyan ng marker ang binabasang textbook at sinino ang nagpapatao-po. Lumuwang ang pagkakangi­ti ni Tery nang pagbuksan niya.

“Hi. Sa kabila ako kumakatok e dito pala’ng unit mo.” Namutla siguro siya, umilap ang mata, dahil sa sumunod na sinabi ni Terry. “O, ba’t para kang ‘binabad sa suka? Wrong timing ba ‘ko?” Umiling siya. Seryoso pa rin ang mukha. Iniabot sa kanya ni Terry ang dalang supot. “A-Ano ‘to?” “Rambutan. Binili ko sa Libertad.” Napansin niya na sumisilip si Terry sa loob ng apartment. Iniluwang niya ang bukas ng pinto. “Pasok ka…” Tiwalang pumasok si Terry at naupo sa naroong silya. “Naabala ba kita?” Napalingon ito sa mesang kainan na kinapapatu­ngan ng kanyang textbook, notebook at bolpen. “Nag-aaral ka yata? N-Nag-aaral ka pa?” Tumango siya, lumapit sa mesa at nilikom ang kanyang mga gamit, balak na ipasok sa silid. Tumayo rin si Terry at lumapit sa kanya, naupo sa isa sa mga silya sa harap ng mesa. Nahinto siya sa ginagawa.

“Ano’ng course mo?” “Hotel and Restaurant Management.” “Oh…” “Graduating ka na siguro?” “Second year pa lang.” “Oh…”

Tiningnan siya nito, tila hinuhulaan kung ilang taon na siya at kung bakit second year college pa lamang siya. Inaasahan niyang tanungin siya ni Terry tungkol doon pero hindi ito nagtanong.

“Buti ka pa, muk’ang masipag mag-aral, determinad­ong makatapos. Ako…” Napailing ito.

Pinigil niya si Terry sa pagsasalit­a, lumapit sa ref at kinuha roon ang bawas nang family size na softdrink, sinalinan ang isang baso at iniabot kay Terry. Nanunghay na muli si Marita kay Terry, naghihinta­y na tapusin nito ang pagkukuwen­to.

“—Walang hilig sa ‘kin ang pag-aaral. Gusto ng tatay ko na maging engineer ako, kaya pagkatapos ng high school, nag-enrollako sa Engineerin­g. Nakaisang taon lang ako, ayoko na. Ang hirap pala! Bano pa naman ako sa drawing. Suggestion naman ng nanay ko, kumuha

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines