Orlando Sol, Todo-Kayod Para Sa Kanyang Munting Prinsesa

Liwayway - - Mga Nilalaman - Maricris V. Nicasio

P

ATULOY sa pagganda ang showbiz career ni Orlando Sol. After kasi niyang maging bahagi sa nagtapos na teleseryeng The One That Got Away na tinampukan nina Lovi Poe, Dennis Trillo, Rhian Ramos, Max Collins, at iba pa, may bago na naman siyang teleserye sa GMA-7 pa rin.

Sobra nga ang pasasalamat ni Orlando dahil bahagi rin siya ng TV series na The Stepdaughters, starring Megan Young at Katrina Halili.

Pahayag ni Orlando, “Sobrang thankful ako na binigyan ulit ako ng trabaho sa GMA-7 after ng The One That Got Away. Nagpapasalamat ako sa lahat ng tumutulong sa akin.

“At higit sa lahat, kay Almighty God. Alam ko na Siya ang may gawa nang lahat ng ito. Glory to you Almighty God in the highest!”

Ayon pa sa kanya, ang papel niya sa seryeng The Stepdaughters ay kaibigan ng isa sa lead actors dito na si Edgar Allan Guzman.

Nabanggit din ng actor/singer na mayroon siyang dalawang pelikula ngayon, na iyong isa ay siya pa mismo ang bida. “Mayroon akong natapos na film na ang title ay Siete, directed by Ray-an Dulay. Ako ang bida rito… and kasama rin ako sa cast ng film na Ang Lalaking May Dalawang Adams Apple,” aniya pa.

Idinagdag pa ni Orlando na ang pelikulang Siete ay isang inspirational drama movie na based on a true story story. Gumaganap si Orlando rito bilang barbero o manggugupit na mula sa pagiging mahirap ay yumaman siya at naitaguyod ang kanyang buong pamilya.

May isa pa siyang pelikulang nakatakdang gawin, pero hindi pa raw nagsisimula ang shooting nito kaya bawal pa munang banggitin.

Bukod sa pagiging artista sa TV at pelikula, si Orlando ay lumalabas din sa teatro at isa ring recording artist. Napanood kamakailan si Orlando sa stage play na Uyayi

ng Ulan na mula sa Araw Theater Ensemble Incorporated na

pinamahalaan ni Direk Melchor Avila Berja. Ang Kapuso young actor na si Miggs Cuaderno ang kasama niya rito.

Singer and actor din siya at the same time, dahil bukod sa pagiging solo artist, siya ay parte rin ng grupong Masculados. Pero sakaling papiliin daw between acting and singing, ito ang mas prayoridad niya:

“Acting is my first love,” matipid na sagot pa ni Orlando. Samantala, sa biglaan at hindi inaasahang pagpanaw ni Direk Maryo J. delos Reyes, na siyang mentor-discoverer ni Orlando, nagkaroon siya ng ibang talent manager sa katauhan ni Ms. Therese Ramos. Kabilang sa mga talents ni Ms. Therese sina Jay Manalo, Wilma Doesnt, Bloomfields band, at iba pa.

Sa ngayon ay talagang sa career niya nakatutok si Orlando. Kayod-kalabaw na maituturing ang kasipagan ng aktor, at aminado siyang ang kanyang munting prinsesa ang numerounong inspirasyon sa lahat ng pagsisikap na kanyang ginagawa.

“Yes, may three year old daughter ako, ang name ng baby ko ay si Anika.

“Siya ang inpirasyon ko at ang dahilan kung bakit ako patuloy na bumabangon at nagsisikap. Lahat ng ito ay para sa kanya, gagawin ko ang lahat para sa kanya… siya ang aking

angel and lucky charm ko,” pahayag pa ni Orlando. Nilinaw rin niyang hindi siya kasal sa ina ng kanyang anak. Pero maayos naman daw ang kanilang relasyon. “Hindi ako kasal, bale single parent ako pero okay naman ang

set-up namin. Kasi kapag may trabaho ako, nandoon sa mom niya iyong aking si Baby Anika. Kapag wala naman akong work ay nasa akin siya.”

Dagdag pa ni Orlando, “Actually, wala akong karelasyon ngayon dahil focus lang ako talaga ngayon sa work ko, sa anak ko, and sa pakikipagrelasyon ko kay Almighty God. Na alam kong ginagabayan Niya kami palagi.”

Larawang kuha ni Wilson Fernandez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.