Sue Ramirez, Bibida Sa Pelikulang ang Babaeng Allergic Sa Wifi

Liwayway - - Mga Nilalaman - Nonie V. Nicasio

TAONG 2011 nang sumabak sa mundo ng showbiz si Sue Ramirez sa pamamagitan ng Mula sa Puso, isang remake na teleserye sa ABS CBN. Mula rito ay nagtutuloy-tuloy na ang showbiz career ng talented na Kapamilya aktres.

Kalaunan, pinagsabay na si Sue ang pag-arte sa telebisyon at pelikula. Dumating ang biggest

break ng aktres sa puting tabing nang maging isa siya sa bida sa pelikulang The Debutantes ng Regal Films. Ipinalabas ito late last year at tinampukan din nina Miles Ocampo, Michelle Vito, Jane de Leon at Chanel Morales.

Ngayong taon, bibida ulit si Sue sa pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi na hatid ng Cignal Entertainment, Octobertrain Films, at The IdeaFirst Company. Ang naturang pelikula ay entry sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 na mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nationwide. Ang PPP ay mula sa pagtataguyod ng Film Development Council of The Philippines (FDCP) sa pangunguna ng Chairperson at CEO nitong si Ms. Liza Diño.

Kakaiba ang papel na ginampanan ni Sue sa pelikulang ito dahil mayroon siyang EHS (Electromagnetic Hyper Sensitivity), in short,

allergic siya sa wi-fi. Sinabi ng aktres na napapanahon ang kanilang pelikula at naniniwala siyang maraming audience ang makaka-relate rito.

Esplika ni Sue, “Iyong movie, very fit po siya para sa panahon ngayon. Medyo hirap ako mag-relate kay Norma, sa character ko kasi sobrang hilig niya sa social media. As in super-adik siya talaga, lagi siya nakatutok sa phone niya.”

Inusisa rin namin kung adik ba siya sa social media na tulad ng ibang kabataan at millennials ay nakatawang sinabi niya sa amin na hindi raw. Aniya pa, “And ‘yun nga siguro po ang pinakamalaking

lesson na maibabahagi ng pelikula sa mga millennials, hindi lang po sa millennials, siguro sa mga wider ages, is sobra tayong busy na mag-connect online, na nakalimutan na natin mag-connect sa mga totoong tao na nandiyan sa paligid natin. So, maganda po talaga ‘yung message ng movie.”

Sakaling biglang mangyari sa kanya ang sinapit ng character niya sa pelikula na bawal sa wi-fi, hindi raw big deal ito sa kanya at wala raw kaso kay Sue.

Nakatawang saad niya, “Parang ang sarap, hahaha! Parang ang sarap!” Na ipinahayag pa niyang hindi raw siya maninibago, bagkus ay matutuwa pa. “Parang mas matutuwa pa po. Siguro, para maiba naman. Parang kaya ko po,” wika pa ng magandang aktres.

Idinagdag pa ni Sue na may ibang paraan pa naman daw kasi para makipag-communicate sa mga kaibigan at kapamilya.

Nabanggit pa ni Sue na may mga actual na kaso raw ng EHS, pero sa ibang bansa ito.

“Actually may mga cases po na may mga rashes. EHS po ‘yung tawag sa kanya. Hindi po siya inimbento (sa movie), pero hindi po siya kine-claim sa medical... na it’s a real sickness.

“Iyon din ‘yung question ng pelikula. Hindi lang siya kini-claim medically, pero po may mga cases na ganoon ‘yung nangyayari. Actually sa abroad po ‘yung ano eh… actually, may isang teenager na nagkaroon siya ng parang ganito na sakit. Nag-suicide siya kasi sobrang na-depress siya, na hindi na siya makakagamit ng social media.

“Pero may symptoms… dumudugo ‘yung ilong, nagra-rashes, tapos nanghihina po ‘yung katawan, it’s because of radioactivity,” esplika pa niya.

Ang naturang pelikula ay isinulat at pinamahalaan ni Direk Jun Robles Lana na pinuri ang husay ni Sue sa proyektong ito. “Napakagaling na artista, eversince napanood ko ‘yung

performance niya sa isang pelikulang line-produced namin, ‘yung The Debutantes, sinabi ko kay Perci (Intalan) na I wanna work

with this girl. Perfect siya sa role and I think when people watch the movie, makikita nila kung gaano talaga kagaling si Sue. Marami pa siyang puwedeng gawing role, hindi lang ito,” saad ni Direk Jun.

Bukod kay Sue tampok din sa pelikula sina Jameson Blake, Angellie Nicholle Sanoy, Yayo Aguila, Ms. Boots Anson Roa, Adrianna So, at introducing si Markus Paterson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.