Paano Maabot Ang Langit (2)

Liwayway - - Mga Nilalaman - Neri Jedeliz

(IKA-2 NA LABAS)

PAGKALUNES ng hapon at pauwi na si Zenaida mula sa pagtuturo, nakita na lang niya na naghihintay sa labas ng paaralan ang pintor na si Marco. Nang magkasalubong ang kanilang mga titig, ngumiti ito sa kanya. Nginitian din ni Zenaida si Marco.

“Patawarin mo ‘ko kung hinintay kita rito sa labas ng paaralan,” ani Marco na sumabay sa mabagal na paghakbang ni Zenaida. “Nagtanong ako sa mga estudyante, wala raw na Miss Zenaida dito sa kanilang paaralan. Kaya nakipagsapalaran na ako at naghintay rito, baka sakali namang makikita kita rito pag labasan na.”

“Kilala ako rito sa aming paaralan na Miss Ronas,” ani Zenaida na nginitian muli ang pintor upang mapawi ang pag-agam-agam nito.

“Napakatorpe ko kasi…mantakin mong pangalan mo lang ang naitanong ko sa ‘yo ng magkita tayo doon sa mansion ni Donya Adela. Nasa bahay na ako nang maisip kong dapat ay naitanong ko rin pati ang apelyido mo. Naisip ko rin na kahit nakatikim ako ng pag-alipusta sa paghatid ko ng larawan ni Donya Adela, itinuring ko ring mapalad ako ng araw na ‘yon sapagkat nakilala kita.”

Napangiti na naman nang matamis si Zenaida. “Di mo na ba babaguhin ang kanyang larawan?” Napailing si Marco. “Sayang ang iyong pagod. Hindi ka niya babayaran hangga’t di mo binago ang kanyang larawan,” sambit ni Zenaida.

“Lalong maging sayang lang ang aking pagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral ng Fine

Arts kung susunod lang ako sa kanyang kapritso. Dapat lang na paninindigan ko kung ano ang aking paniniwala. Naniniwala akong maganda ang pagkagawa ko ng larawan.”

Di na nagawang makatugon si Zenaida. Sumibol sa kanyang dibdib ang paghanga kay Marco. Hinahangaan niya ang tatag ng damdamin nito, ang tibay ng paninindigan upang ipaglaban ang pinaniniwalaang tama, hindi ang pagsuko sa kapritso lang ng isang mayaman na ang akala’y dahil sa kanyang salapi, mapasunod ang lahat ng kanyang gusto.

“Teka, bakit ba naroroon ka ng araw na iyon sa kaarawan ni Donya Adela? Isa ka ba sa mga inimbitang panauhin?” biglang naitanong ni Marco kay Zenaida.

“Ha?” nabigla rin si Zenaida sa di inaasahang itanong ni Marco. “A, e, nagpatulong lang sila sa akin sa pagpalamuti sa mansion.” “Bakit, interior decorator ka ba?” “Medyo,” tugon ni Zenaida, saka itinuro kay Marco ang paparating na isang pampasaherong (Sundan sa kabila)

“Hindi laging malungkot ang kahirapan, Marco. Hindi sagabal ang kahirapan upang maipahayag mo kung ano ang nais mo at kung ano ang paninindigan mo sa buhay,” ani Zenaida.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.