Carlo Aquino At Angelica Panganiban, Muling Nagkalapit Sa Pelikulang Exes Baggage

Liwayway - - Mga Nilalaman - Nonie V. Nicasio

AMINADO si Carlo Aquino na kakaiba ang naramdaman niya nang malamang may gagawin silang pelikula ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban. Ito ang Exes Baggage, na unang pelikulang handog ng Black Sheep, isa sa bagong film outfits ng ABSCBN Films. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Dan Villegas at nagsimula nang mapanood sa mga sinehan last September 26.

Nang usisain ang takbo ng istorya ng kanilang pelikula, sinabi ni Carlo na hinggil ito sa relationship, kung ano ang mga napagdadaanan ng isang couple sa isang relationship at kung papaano ito hina-handle.

Nang papalapit na ang showing ng pelikula nilang Exes Baggage, ipinahayag ng magaling na actor na nakakaramdam siya ng kaba, pressure, at excitement. Sinabi ng Kapamilya actor na mula nang na-pitch sa kanya ang pelikulang ito ay nakadama siya ng magkahalong kaba at excitement.

“Lagi naman akong kinakabahan lalo na ngayon na si Angelica ang kasama ko, ‘yung ex ko. So mas ano ‘yun… Tapos noong inilabas na ‘yung teaser, di ba? Parang nakailang views yata siya, so parang nakadagdag siya sa excitement, tapos nakadagdag din sa pressure na dapat mas mapaganda namin ‘yung pelikula.”

Naikuwento naman ni Angelica na napaiyak siya para kay Carlo nang unang nakita ang teaser nito. “Ako noong una, noong may mga unang nag-text sa akin about sa teaser, teaser pa lang grabe na ang reaction ng tao.

Actually naiyak ako talaga out of happiness. Hindi ko alam kung bakit… parang sobrang happy ko lang para sa kanya (Carlo).

“Sobra lang, parang sa kanya lang talaga ang iniisip ko. Iyon naman talaga ang kinalabasan, ‘yun naman ang nabuo sa lahat ng takot and doubts na mayroon kami.”

Ang dating mag-ex ay maganda ang relasyon ngayon. Inilarawan nila ang kanilang pinagdaanan bilang naging mag-on, nagkahiwalay, muling nagkasundo, nagkabalikan, naghiwalay, at naging magkaibigan.

Kaya naman sinasabing sina Carlo at Angelica ang pag-asa ng mga umaasa. Umaasang magkakabalikan. Hindi maitatagong marami ang kinilig at natuwa sa muling

closeness nina Carlo at Angelica. Kaya nga nabuo ang pelikulang Exes Baggage.

Bale unang pagtatambal ng dalawa ang naturang pelikula pagkaraan ng maraming taon. Kaya natanong kung anong challenge ang nakaharap nila sa paggawa ng pelikula.

“Ano siya eh, iba-iba ‘yung pakiramdam. Excited na parang nasusuka. Na bakit ko ito gagawin? May mga ganoon. May isang gabi na paulit-ulit lang ako. Kausap ko si Ketchup, tawa lang kami nang tawa. Tawa siya nang tawa sa akin, tapos tanong niya sa akin, ‘Bakit mo nga ba kasi gagawin?’”

Idinagdag pa ng aktres na noong mga unang oras daw na pumayag na siyang gawin ang pelikulang ito, alam daw niyang wala nang atrasan iyon, “Nakakatawa ang feeling niya na hindi ko ma-explain,” pakli pa ng magandang aktres.

Na ang ibig sabihin ni Angelica ay inatake siya ng self-doubt noong umpisa. “Oo kasi parang kaya ko ba? Lalo na noong nabasa mo na ang script ‘di ba? Iyong mga eksena, ganyan, mapapalunok ka na lang.”

Nabanggit din ni Carlo na may eksena sila na naka-relate sa kanilang napagdaanan noon. “Oo, talagang parang ginawa nilang taylor-made ‘yung mga lines para sa amin, para tumatak at saka para rin maka-relate ‘yung mga manonood doon sa pinagdaanan namin ni Angel,” pahayag ni Carlo.

Nagugulat din daw si Carlo sa pagtanggap ng mga tao sa kanila ni Angelica, na marami pa rin ang kinikilig sa kanila. “Nagugulat ako na nandiyan pa rin sila, na kinikilig pa rin sila sa amin. Siguro nakadagdag din ‘yung parehas kaming single, wala kaming idine-date.”

Bukod sa pag-amin na mas naging close sila ngayon ni Angelica, sinabi pa ni Carlo kung gaano ka-special sa kanya ang ex-girlfiend. “Kasi part siya ng past ko and present ko. Na ang dami niyang alam tungkol sa akin at ang dami kong alam tungkol sa kanya. Sa lahat ng kaibigan kong babae, iba ‘yung level ng pagmamahal at pag-care ko sa kanya.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.