Liwayway

Paano Maabot Ang Langit (3)

- Ni NERI JEDELIZ

Neri Jedeliz

MATAGAL na nagkatitig­an sina Zenaida at Marco. Ilang sanglit pa… “Tinatanong mo kung nagbago ang damdamin ko sa ‘yo ngayong nalaman kung mayaman pala ang iyong pamilya,” ani Marco. “Gano’n nga…” tugon ni Zenaida. “Ang tunay na pag-ibig ay di nagbabago, kahit sa anong kaanyuan. Mahal pa rin kita, Zeny. Pero…” “Pero ano?” “Sapagkat mahal kita, nais ko ring madulutan ka ng karangyaan sa buhay.”

“Sabi ko sa ‘yo, di salapi ang sukatan ko sa buhay. Nagawa ko ngang layuan ang yaman ng aking ina. Simple lang ang pangarap ko sa buhay. Ang makabuo ng isang simpleng tahanan.” “Kung gayo’y me asahan ba ako sa ‘yo?” “Di ko isasalaysa­y sa iyo ang aking buhay kung wala. Mahal din kita, Marco.”

Napangiti nang matamis si Marco. Ginagap niya ang palad ng dalaga at pinisil. Gumanti rin nang matamis na ngiti si Zenaida.

Ilang saglit pa, patuloy silang naglakad sa tabi ng breakwater ng Manila Bay. “Galit ka pa ba sa iyong ina?” tanong ni Marco. Tumigil sa paglalakad si Zenaida. “Siya’y aking ina at mahal ko siya,” malungkot na sambit ni Zenaida. “Ang di ko pagsang-ayon sa kanyang mga patakaran ay di makakabawa­s sa pagmamahal ko sa kanya. Utang ko sa kanya ang aking buhay, ngunit ang aking buhay ay higit na para sa akin at di para sa kanya. Nais ko lang na ipatungo ang aking buhay na naaayon sa aking nais, at di sa kanyang nais.”

“Napuna kong magkakaiba kayo ng apelyido ng iyong ina. Bakit nagkagayon?”

“Sinadya talaga ‘yan ng aking ina. Nang yumao ang aking ama, ginamit niya ang kanyang apelyido noong dalaga pa siya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines