Mainam Ang Yumuko Kapag Malakas Ang Hangin

Liwayway - - News - Ni MARILYN C. ARAYATA

Marilyn C. Arayata

PAANO na lamang kung bumitiw ka noong mga panahong mabigat ang mga pinagdaraanan mong pagsubok? Salamat sa Panginoong Diyos at hindi mo iyon ginawa. Ano ang mga pagkakataong iyon, at paano ka nahikayat na magpatuloy noong mga panahong nakaramdam ka ng kawalang pag-asa? Hindi ba at sa pagbabalik-gunita, nakikita mo na minsan, sumobra lang ang reaksiyon mo, at sa simula ay hindi lang maamin ang isang pagkukulang o isang bagay na masakit?

Ayon sa isang kasabihan, “Better bend than break”. Ang mga taong masyadong mataas at ayaw yumuko man lamang kapag malakas ang hampas ng hangin tulad ng kawayan - sila ang may malaking panganib na makaranas ng depresyon o ng nervous breakdown.

Gusto natin na lahat ay okay, pero sa mundong ito, hindi ito mangyayari. Walang perpekto. Walang taong walang pagkakamali. Walang forever. I-enjoy ang mga magagandang bagay at relasyon habang nandiyan pa - at kapag wala na ay matutong tanggapin.

Hindi maiiwasan na may mawala, at kung minsan ay iyon pang mga bagay na mahalaga sa iyo. Ganoon talaga ang buhay. Mahirap man, we have no choice but to let go.

Tanggapin ang bawat lungkot at sakit dahil iyon lang naman ang mainam gawin, tapos, sikaping maka-move on sa susunod na kabanata!

“God grant me the serenity to accept the things I cannot change, the courage to change the things I can, and the wisdom to know the difference.” -Reinhold Niebuhr

Mga larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.