Agrikultura

Liwayway - - News - Ni ZAC B. SARIAN

Zac B. Sarian

NAKATUTUWA ang mga balitang galing abrod na natanggap namin. Halimbawa, nagpadala ang Agricultural Research Service (ARS) ng US Department of Agriculture, ng litrato ng carrot na may iba’t ibang kulay, katumbas ng mga kulay na nasa bahaghari (rainbow).

May mga dilaw, kulay ube, orange, itim, puti at iba pa. Ang mga ito, lalo na ang mga may kulay ube at iba pang medyo kahawig ay mayaman sa tinatawag na antioxidant. Ang mga pagkain na mayaman sa antioxidant ay nakatutulong sa pagkontra sa kanser at sakit sa puso. Marami ring bitamina na taglay ng mga madilaw at ibang kulay.

Mayroon ding bagong tuklas ng mga nagsasaliksik sa sangay ng ARS sa Abany, California. Ang mga nahiwang piraso ng carrot ay isinalang sa UV-B, isa sa tatlong klase ng ultraviolet sa araw. Sa loob lamang ng 14 segundo na pagka-expose sa UV-B radiation, ang mga pinirasong carrot ay natitriple ang taglay na antioxidant.

Ang teknolohiyang ito ay ginamit din sa isang eksperimento sa kabuti noong 2008. Ang mga pinirasong kabuti na isinalang din sa UV-B irradiation ay napatunayan nila na tumaas ang taglay na Bitamina D.

Ayon sa mga eksperto ng ARS, ligtas ang pagkain ng na-

HUGIS PUSONG PAKWAN – Nakatutuwa rin ang impormasyong ipinadala sa amin ni Omar Zaidan, isang konsultant tungkol sa mga gulay at prutas. Ang isang kooperatiba sa España ay nagbebenta ngayon sa Inglaterra ng maliliit na pakwan na hugis puso.

Sa ilang nakaraang buwan, mahigit na dalawang tonelada ang binili ng isang negosyante sa London. Bakit kaya naisipan ng mga taga-España ang magprodyus ng ganitong pakwan? Sa palagay namin, isang istratehiya sa marketing ito. Ang negosyanteng taga-London ay palaging naghahanap din ng isang pambihirang produkto upang maakit ang mga mamimili. Ang naiibang produkto ay maaari ring ibenta sa mas mataas na presyo.

Ganoon din ang mga magsasaka. Sila ay tumutuklas ng bagong produkto na maibenta nila sa merkado. Ito ay isa ring paraan upang mapataas nila ang kanilang kita.

PINYA SA THAILAND – Malawak ang tinataniman ng pinya sa Thailand pero hindi lahat ng rehiyon ay nagtatanim ng produktong ito. Sa ngayon, malaki ang produksiyon at para hindi bumagsak ang presyo, may mga hakbang na ginagawa ang Ministry of Trade and Industry ng Thailand. Naghahanap sila ng merkado sa ibang bansa. Hinihikayat din ng mga opisyal ng gobyerno na kumain ng pinya ang mga Thailand, lalo na ang mga nakatira sa lugar na hindi nagtatanim ng pinya.

May pambihirang hakbang na ginawa rin ang PTT, ang pinakamalaking kompanya ng langis sa Thailand. Sa gustong makatulong sa mga magsasaka, hindi lang ang mga nagtatanim ng pinya, inialok ang mga gasoline station nito na puwedeng pagbentahan ng mga magsasaka ng kanilang mga produkto. Libre, walang bayad ang puwesto.

Siyempre, malaking tulong sa mga magsasaka ito. Dito kaya sa ating bansa, mayroon kayang kompanyang makapag-alok din ng ganoon? Sana.

ALIN ANG SAGING PARA SA INYO? – Tingnan ang litrato ng 15 piraso ng saging na may iba’t ibang antas ng pagkahinog. Ito ay nakita sa Instagram ng libu-libong tao sa iba’t ibang dako ng mundo. Tinatanong ang mga nakakita kung alin sa mga ito, may numero mula 1 hanggang 15, ang masasabing perpektong saging para sa kanila.

Ano ang lumabas? Pinakamarami ang may gusto ng No.8No.10. Kokonti ang may gusto ng No.1 at No.11. Lalo nang walang may gusto ng mga kinakalawang na No. 11 hanggang No.15.

Kung kami ang tatanungin, gusto namin ang No.14 at No.15. Mas masarap sa amin ang may balat na kinakalawang. Kayo, ano ang pipiliin ninyo?

Ang carrot na may iba’t ibang kulay na gawa ng mga plant breeder ng Agricultural Research Service ng Amerika. Mayaman sa antioxidant ang mga ito.

Mayaman sa sustansiya ang carrot.

Ang mga hiniwang carrot na isinalang sa UV-B irradiation. Natriple ang antioxidant. expose sa mababang dosage lamang ng UV-B radiation.

Para sa inyo, alin sa mga ito ang perpekto?

Ang mga hugis pusong pakwan na ibinebenta ng Espana at Inglaterra.

Ang pinakamalaking kompanya ng gasolinahan sa Thailand ay tinutulungan ang mga magsasaka sa pagbenta ng kanilang ani. Puwede silang magbenta ng kanilang ani sa mga gasolinahan na walang bayad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.