Mga Bituin...

Liwayway - - Nobela -

si Cano na sumundo sa terminal para hindi ito maabala sa computer business nito?

Ngunit nakahingi si Virmin ng pabor sa mag-ina. Inimbitahan nito ang dalawa na samahan silang dalawa na magbakasyon sa isang beach sa Bataan. Ibig nitong makita ang pagsikat at paglubog ng araw sa dagat sa madaling-araw at dapithapon na hindi nito kailanman dinanas noong nasa Estados Unidos pa ito.

Kilala na ni Armand ang ugali ni Virmin. Matanawin ng utang na loob, kahit nakahingi lang nang kaunting pabor. Hindi nito hahayaang ang driver nitong si Cano ang tanging sumundo sa mag-ina!

Dumaan na siya sa isang maliit na kapihan. Umorder ng soup at dalawang pirasong toasted bread. Hindi siya makapag-full meal kung may mga problema siya. At gusto rin niyang matulog agad. Kung magaan na ang pakiramdam niya bukas, kakayanin uli niyang harapin ang mga problemang panrelasyon!

Nanonood siya ng maagang balita sa gabi habang hawak ang bibitiwan nang magasin nang marinig niya ang ring tone ng kaniyang cellphone. Si Virmin! “Sid is downstairs with the girls. Play sila sungka!” Mangha si Armand. “Ikaw ang bumili ng sungka?” “No. I invited Sig to join us for hapunan. He brought sungka and a lot of seashells...sigay!”

Kumikilos talaga si Sig. Pangatawanan na sa pagsuyo nito kay Zaida.

“I am tampo to you!” patuloy ni Virmin na muntik niyang ikinahalakhak.

Nagsasanay si Virmin na magsalita sa kaniya sa Tagalog. Payo ni MajGen Hernandez?

“E, why ba?” Nakisakay si Armand kay Virmin.

“You did not tell me, Bart and his mother Nancy are coming. You don’t want me to enjoy their company?” Sumbat na ang narinig niya.

“Ayokong makaabala sa negosyo mo…” alanganin ang pagdadahilan niya.

“I could close my computer stores and entertain them in my house!”

Hindi siya kumibo, nakiramdam, naghintay sa sasabihin pa ni Virmin.

“And to think that you have a problem with another engagement!” patuloy ang sumbat. “So, I told Sig to go on with your sked. I will take care of Bart and your cousin, Nancy!”

Hindi pa rin siya umimik. Naghintay ng iba pang sasabihin ni Virmin. “Sunod uli…may penalty na ka!” Hindi niya napigil ang mapatawa. “You’re making fun of me?” usisa tuloy ng dalaga. Ipinarinig niya kay Virmin ang paghinga niya nang malalim . “Sorry, hindi po!” “Heh! Talaga nilu-luko mo ‘ko!” Turo siguro ni Oni ng assistant nito sa computer store ang ekspresyong iyon. “Good night…and thank you,” paalam niya. Aywan kung sinadya ni Virmin, pabulong, malambing ang tugon nitong good night.

Nakatulog nang mahimbing si Armand nang gabing iyon.

BADOY Tacordo ang ngalan ng chief warden ng building No. 5. Batibot, ngunit maskulado at mukhang mabangis pa rin ang itsura kahit todo na ang tawa nito nang malaman na mga kinatawan sila ng PNP at ng NBI. Nasa edad nang magreretiro ito.

“Sinikyur namin sa special na selda sina Dasco at Mulroy dahil itinawag sila sa amin ni Direktor Pancho. Mukhang may bagong kasong binuksan laban sa kanila, gayong matagal na silang bilanggo!” parang ipinagyayabang nito ang pabor na naibigay sa isang opisyal. Nagkatinginan sina Armand at Sig, nag-uusisa sa isa’t isa. “Kinober daw ni Magtanggol Azarin, ‘yung dating star reporter ng Daily Times ang mga kaso nila,” pagbubukas ni Armand.

“A, kilala ko si Magtanggol, bago pa lang akong guwardiya noon dito sa Bilibid. Mahusay makisama sa mga personnel dito at may natulungang mga bilanggo na nasentensiyahan nang wala naman palang kasalanan!” “Ibig naming makausap silang dalawa…” Si Sig. “Isa-isa o sabay?” usisa ni Tacordo. “’Sang buhat na lang!” Tiniyak ni Sig. May binuksang kuwarto si Badoy Tacordo. Aircon. Inimbitahan silang pumasok.

“Dito n’yo na kausapin ang dalawang ‘yon. For officers’ visit ang kuwartong ito!” Halatang binibigyan sila ng pabor.

Parehong may salit na mga puti sa magkabilang tainga sina Dasco at Mulroy. Pinaupo ang mga ito sa dalawang silyang may isang dipa ang agwat sa harap ng mesa na okupado nila ni Sig. Nakapagitan ang mesa sa kanilang mga mag-uusap.

Namumutla ang mga ito, nakabalita siguro sa sadya nila ni Sig. Nagmagandang hapon sa kanila .

“Ibig lang naming malaman kung ano ang alam ninyo sa pagkapaslang kay Marcelo Arago!” simula ni Armand.

Si Dasco na di maitago ang pamumutla ang agad nagsalita.

“Hindi ho kami ang pumatay sa kaniya. Sinikmuraan ko lang siya at pinalo ko lang sa ulo para mawalan siya ng malay. Inamin na ho namin ni Mulray na tinangay nga namin ang panalo niya sa casino!”

“Tumakbo ho kami sa kahilerang kalye at doon kami nakatawag ng isang taksi!” Basag na ang boses ni Dasco.

“Wala kayong nakitang sino mang tao na sumunod sa inyo?” usig ni Sig.

“Wala ho. Nagmamadali ho kami na maitakbo sa malayo ang pera. N’on lang kami nakakulimbat ng gayong kalaking pera!”

“May alam kayong mga tao na galit kay Arago na maaaring pumaslang sa kaniya?” “Wala naman ho.” Si Dasig. “Nang matuklasang patay na ho siya sa tuyong kanal saka lang namin nalaman na umapi siya ng kapwa lalaki at pinatay pa niya ang asawa nito. Pero hindi ho kami ang pumatay kay Marcelo Arago!”

“Nang nasa casino kayo, may napansin ba kayong ibang tao o mga tao na inoobserbahan si Arago?”

“Wala ho. Wiling-wili ho kami sa slot machines at iba pang sugal sa baraha. Pinahiram ho kami ni Arago ng puhunan na naipatalo namin agad. Siya ho ang sobrang sinusuwerte kaya naisipan naming agawin sa kaniya ang mga panalo niya.” Si Mulroy.

“Baka may naobserbahan kayo kahit ano nang pumakabila kayo sa kahilerang kalye?”

Mariin ang pagkakasalita ni Armand na parang hindi niya tatanggapin ang ano mang negatibong sagot. Noon nagkatinginan sina Dasco At Mulroy. Parang naghagilap ang dalawa sa kahit isang hibla ng kanilang memorya.

“Mulroy…di ba habang tumatakbo ka papunta sa kahilerang kalye, nabangga ka ng isang kotseng nakatigil, pero umaandar. Napasunod ako sa iyo at nang matiyak nating hindi ‘yon taksi, tumakbo tayong papunta sa kahilerang kalye. Nalingunan ko na umusad ang kotse at biglang sumibad na palayo!”

Sino talaga ang pumatay sa ama nina Zaida at Normi?

“A, oo, oo,” patianod ni Mulroy.

Walang nakatas na iba pang impormasyon sina Armand at Sig sa dalawang bilanggo. Binilinan na lamang nila ang mga ito na kung may magugunita pang mga detalye, ipagbigay-alam kay Badoy Tacordo.

Mag-aalas singko medya na nang tumunog ang cellphone ni Armand. Nasa linya si Virmin.

“A doctor called up. Anytime Discarel will be transferred to ICU His damage kidney is acting up. The doctor said that he is just waiting for the patients’ relative to sign some papers!” Dadalhin ni Virmin sina Zaida at Normi sa ospital. “How about Bart at his mother?” naisingit ni Armand. “They are with me now. They are going with us, too!” Nakatingin kay Armand si Sig. May ibig sabihin. At inakala niyang reaksiyon iyon sa tinanggap niyang tawag.

“Armand, mukhang the two were telling the truth. May basehan na isiping may kinalaman si Discarel sa pagkamatay ng uncle ni Virmin!”

Hindi nito naputol ang takbo ng utak niyang nakatuon sa emergency na ibinalita ni Virmin. “Papunta na sila sa ospital. Discarel would be at ICU at any time!” Hindi na nakapagsalita uli si Sig. Nagpaalam sila kay Badoy Tacordo.

IMPIT ang mga hagulgol nina Zaida at Normi nang datnan nina Armand at Sig. Yakap kapwa ng dalawa si Discarel na nakadilat, ngunit parang hindi nakikilala ang mga kaharap. Lumapit si Virmin kay Armand pagkapasok niya sa silid ng pasyente. Parang hindi siya napansin ng dalawang kabataang babae.

“Bart and his mother are now in the canteen. I’m sure they need merienda with Cano. They will wait for my call once you come. Discarel wants to talk to you.” Nagpaalam si Sid na pupuntahan ang mag-ina sa canteen. Bumaling ang atensiyon ng magkapatid kay Armand. Halatang pinigil ng mga ito ang paghagulgol sa harap ng binata. Si Normi ang unang tumindig at lumapit sa kaniya.

“Gusto kang makausap ni Papang,” sabi nito at tumingin kay Zaida.

Parang iniiwasan ni Zaida na iugnay ang mga mata nito sa kaniya.

“Yes, Armand…he wants to say something to you. He whispered his gratitude to me for taking care of Zaida and Normi.” Payakap na hinila pa ni Virmin si Armand, palapit sa matandang maysakit.

Lumayo si Zaida kay Discarel. Sinalunuan naman ito ni Normi at iniupo sa isa sa tatlong silya sa loob ng silid. Mula sa kinaroroonan ng dalawa, hindi na gaanong maiintindihan ang sasabihin ng matanda.

Habang papalapit si Armand kay Discarel, sinalubong siya nito ng tingin. Hindi siya makangiti sa nakaratay. Bahagya niyang iniiwas dito ang tuon ng kaniyang mga mata.

“Mr. Abeza, come near me, please. I will tell you the truth.” At lalong bumaba ang boses nito.

“Circumstances pushed me to that reprehensible deed . I paid so much to avenge the abuse and cruelty done to my wife. I had Arago killed. I’m sorry! I regretted it so much!”

At parang tangkay na lumungayngay ang mukha ni Discarel. “You are a victim of cruel people. Take care for of yourself. ”

“No, Mr. Abeza, I have this chronic ailment. I could feel that my time has come. Please help my daughter s whom I have learned to love so much!”

Hinawakan ni Armand ang isang palad ni Discarel, pinisil, saka siya lumayo.

Narinig niya ang ingay sa labas ng mga gulong ng hospital stretcher, ang bahagyang ingit ng bumukas na pinto ng silid at ang biglang paglakas ng hagulgol nina Zaida at Normi. Nakita niya ang pagkagat-labi niVirmin na naiyak din. Muling bumukas ang pinto ng silid at kasama ni Discarel na naglaho ang ingay ng hospital stretcher. Pumasok naman ang mag-inang Bart at Nancy, pati si Sig. Lumapit kina Zaida at Normi na yakap-yakap pa rin ni Virmin.

“Sorry, Tita…so sorry!” naririnig ni Armand na sabi ni Zaida na patuloy ang pag-iyak.

Kumalas si Normi ng yakap kay Virmin at binalingan si Bart. Nakamasid naman sa kanila si Sig.

“Ipinagtapat na ni Papang ang mga nangyari. Binilin na niya kay Tita Virmin ang mga papeles sa mansiyon sa Pangasinan…” sabi ni Normi.

Kumalas si Zaida ng yakap kay Virmin na lumapit naman kay Armand.

“Sinabi na niya sa magkapatid ang totoong nangyari…at ipinakita ko na sa kanila ang resulta ng DNA test!”

Nakahinga nang maluwag si Armand. Nasulyapan niyang kinakausap ni Zaida si Sig. Dinig pa niya ang sinasabi nito sa binata.

“Samahan mo kami ni Normi sa pagbabantay kay Papang sa labas ng ICU.”

Nakahawak pa si Zaida sa braso ni Sig. Parang nananalamin naman ang binata sa mukha ng dalaga.

Pagkalimampung araw ng pagyao ni Discarel, sabaysabay na umuwi sa bahay sa gubat sina Armand at Virmin, Sid at Zaida at Normi. Nauna nang nakabalik sa Daang Kalesa ang mag-inang Bart at Nancy dahil may klase na ang kaniyang pamangkin.

Nasa gubat si Medardo Bayat, tumatayo ng caretaker sa bahay roon, kasama si Gunggoy, ang kuba na tagaalaga sa tatlong malalaking aso. May dalawa pang kamag-anak nito na resposanble sa seguridad ng gubat.

“This is a paradise,” sabi ni Virmin kay Armand. “I can stay here forever if only someone would take care of my stores.”

“On weekends kung kasama ang mga pamangkin mo,” ani Armand. “You can swim with them in the miracle river with hundreds of bright stars at its bottom!”

Naligo sila sa ilog nang ikalawang araw. Ginabayan ni Armand na sumisid si Virmin sa pusod ng ilog.

“This is amazing. None of this kind in the states.” At kumapit ito sa balikat ni Armand. “Let’s be here whenever Zaida at Normi want a break from their studies!”

“Bakit, Virmin?” sagot agad niya. “If we are family, who would not want to come here everytime we feel the needs?”

Malabusaw sa tubig sina Zaida at Sig, Bart at Normi: nagkakarera sa paglangoy, pagsisid, pagsasabuyan. Nakaligtaan waring naroon sila, nagbabantay.

“I want us to prepare for the family …and soon!” Yumupyop si Virmin sa matitipunong bisig ni Armand.

Tumanaw muna si Armand sa mga nagkakatuwaan sa nagliliwanag pang ilog kahit lubog na ang araw. Itinaas niya ang baba ng dalaga at sinapol ng halik ang bibig nito.

Suminghap si Virmin at lalong nagliwanag ang ibabaw ng tubig sa putol na ilog. WAKAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.