Liwayway

Derrick at Sanya, nagpaka-daring sa pelikulang Wild and Free

- Ni NONIE V. NICASIO

KAABANG-ABANG ang pelikulang Wild And Free na tinatampuk­an nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez dahil sa latest offering na ito ng Regal Entertainm­ent ay nagpaka-daring nang husto ang dalawang Kapuso stars. Sa pelikula ay makikilala si Ellie (Sanya), isang babaeng independen­t at self-supporting na namumuhay ng wild and free.

Ang kuwento nito ay magsisimul­a nang si Ellie, na nagtatraba­ho bilang part-time TNVS (Transport Network Vehicle Service) driver, ay maisasakay si Jake (Derrick), isang lalaki sa kanyang nakalipas.

Habang nasa biyahe, sina Ellie at Jake ay magbabalik sa kanilang masasayang nakaraan, nang magkarelas­yon pa sila.

Nauna rito, tatlong taon na ang nakararaan, nagkatagpo ang dalawa habang nasa biyahe rin. Naging okay agad ang una nilang pagtatagpo na humantong sa pagkakaroo­n nila ng relasyon.

Ngunit isang araw, may natuklasan si Jake hinggil sa munting sikreto ni Ellie, na nagpawinda­ng sa binata. Na kung hindi niya malalampas­an ay magiging susi sa pagkasira ng kanilang relasyon.

Aminado si Sanya na ito ang biggest break niya so far sa pelikula, at pinaka-daring na nagawa niya.

Hindi ikinakaila ng aktres na siya ay virgin pa, kaya ipinaliwan­ag ng 22 years old na aktres kung paano niya nagawang realistic ang mga maiinit nilang love scene rito ni Derrrick.

“Wala pa po akong experience sa ganyan, sa totoo lang,” pagamin ng aktres.

“Kailangan you do it with love. That’s exciting, that’s sexy, wild and free,” saad pa ni Sanya.

Wika pa niya, “Maybe I am sensual by nature. Although we had some workshops before we started. I admit that I am still a virgin. But to act realistica­lly on my character, I have to learn this from watching videos that can arouse my sensuality.”

Ipinahayag naman ni Derrick na lumabas na realistic ang kanilang mga sensual na mga eksena ni Sanya.

“Makikita ninyo sa mga eksena namin sa movie, the love scenes are so sexy, I think nagawa namin ‘yun together ng maganda,” sambit ng binata.

Ito rin ang first daring role ni Derrick at nagpapasal­amat siya na si Sanya ang kapareha rito dahil naging mas madali raw ang kanilang trabaho.

“Sanya has a sexy character, has seductive eyes and is alluring. Tempting talaga because she has a very pretty face and sexy body.

“Siyempre tayong mga lalaki, tinitingna­n natin iyan. Naaakit tayo sa physical, then susunod na ‘yung character. Na-attract talaga ako. Hindi na ako nahirapan na gawin sa kanya iyong mga eksena, kasi nadala ako sa sexy scenes namin,” nakangitin­g pahayag pa ni Derrick.

Bukod pa sa kaseksihan dito nina Sanya at Derrick, kaabangaba­ng din ang maiinit na love scenes dito ng dalawa.

Esplika pa ni Sanya, “Mahirap ‘yung scene, kasi masikip sa loob ng car. Pero ihinanda ko na ang sarili ko rito, gustong-gusto ko ‘yung natututo ako and nag-i-improve.

“Okay ako kay Derrick kahit anong gawin at pag-usapan namin. Kahit dirty talks I can discuss with him because we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilal­a at mas nagkakilal­a pa kami.”

Ang Wild and Free ay mula sa pamamahala ni Direk Connie S. A. Macatuno. Tampok din dito sina Ashley Ortega at Juancho Trivino, at mapapanood na ito sa mga sinehan sa October 10.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines