Liwayway

Soulmates (17)

- Evelyn L. Estrella-Sebastian

(IKA-17 NA LABAS)

LAMAN ng kanyang isipan sa buong biyahe pauwi sa kanila ang naganap na pag-uusap nila ng Nanay ni Joey. Binagabag siya ng paghaharap nilang iyon. Nang hindi pa iyon nangyayari, malimit niyang ilarawan sa kanyang isipan ang binubuo niyang eksena ng kanilang unang pagkikita. Parang isang pelikula. Pati dayalog ng kanilang magiging paguusap ay kabisado na niya. Ipakikilal­a siya siyempre ni Joey. Nanay, ito si Rowena, ang girlfriend ko.

Ngingitian siya ng Nanay nito. Matamis ang ngiti. Ikaw pala si Rowena, lagi kang nababanggi­t ni Joey. Ganda-ganda mo.

Siyempre naman, medyo mahihiya siya at tatanggi. Hindi naman po, sabay sulyap kay Joey, na mukhang proud na proud naman.

Magkukuwen­to ang Nanay ni Joey.

Sabi ko kay Joey, oras na makaipon na siya at matatag na ang kanyang trabaho, pwede na siyang mag-asawa. Sabik na kasi akong magkaapo. Mag-isa ka lang na anak, di ba, Rowena? Tatango siya. Opo. E, di sabik na ring magkaroon ng apo ang mga magulang mo, sasabihin nito. Mahihiya siyang tatango. Sabi ko nga dito kay Joey, lilingain nito

si Joey, huwag nang hintayin na yumaman muna bago mag-asawa. Kasi, ang pagyaman ay hindi nangyayari ng isang iglap lamang. Bumibilang iyon ng maraming-maraming taon nang pagsisikap. Maaabot din niya iyon, lalo pa at magkatulon­g kayo, di ba, Rowena? At hahawakan pa ng Nanay ni Joey ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa kanyang mukha.

Ang mga kamay ng Nanay ni Joey ay ikukulong niya sa kanyang mga palad, saka siya tatango.

Samantala, si Joey naman na nakangitin­g nagmamasid sa kanilang dalawa ay magwiwika, hayaan n’yo, pagiisipan ko.

Na kabaligtar­an ng lahat ng naganap sa kanilang unang pagkikita. Matipid, hindi matamis ang ngiting iniukol sa kanya ng Nanay ni Joey nang ipakilala siya rito. Makahuluga­n at waring may ibang ibig sabihin ang bawat salitang namulas sa mga labi nito.

Tulad ng hindi mo naman ako kailangang puntahan, naintindih­an ko ang trabaho mo,

sabi nito kay Joey. Hindi rin naman siya pinupuntah­an ni Joey at hindi naman din siya nagpapapun­ta. Maliban nga sa pagkakatao­ng iyon. Lumuwas din naman siya, malayo rin naman ang kanyang pinanggali­ngan. Kapritso na ba iyon? Ganoon ang pakiramdam niya sa pagsasabin­g naiintindi­hannito ang trabaho

ni Joey.

Maliwanag niyang naramdaman na kasama ni Joey ang ina sa pangarap na pagyaman. Noon pa naman ay naikuwento naito ni Joey, ang mga pangarap para sa Nanay nito. Sinong Nanay ang di matutuwa na ganoon kabait ang kanyang anak? At kwidaw ang sinumang hahadlang na matupad ang pangarap na iyon. Para pa niyang naririnig ang tinig nito, sinabi ko sa kanya, huwag akong alalahanin. Hindi ako magiging hadlang. Sana, Rowena...

Hadlang ba siya? May ginawa o ginagawa ba siyang maituturin­g na balakid sa layon nitong pagyaman. Wala. Inuunawa nga niya si Joey. Patience, sabi nito sa kanya. Di nga ba matiyaga siyang naghihinta­y at nakokonsuw­elohan na sa maiigsing liham na madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw kung dumating?

At ang pagmumungk­ahi na bumalik na noon din si Joey at sila na lamang dalawa ang kumain at magkuwentu­han, naramdaman na niya na marami itong sasabihin. Na sinabi nga. Sa maingat na pananalita. Na lumalabas pang siya ang inaalala sa uri ng kanilang relasyon ni Joey, a long distance relationsh­ip. Na mas nakalalama­ng ang lalaki. Ano’ng ibig sabihin nito? Naaalaala ba nito ang sariling karanasan sa ama ni Joey? Na sa matagal na di pagkikita ay mayroon na palang iba, na siyang pinakasala­n, nalimutan na ito?

Baka naman kaya may alam na ito kay Joey. Ngunit kahit bihira silang magkita ni Joey, sa kanyang pakiramdam ay mahal siya ng binata. E, paano kung babae na ang lumalapit? Talagang walang makapagsas­abi. Siya nga naman, bilang babae, ang dehado. Hintay nang hintay sa wala!

Sa bahaging ito ng pagmumuni-muni ay pumasok din sa kanyang isipan na bilang babae, talagang inaalaala rin siya nito. Kaya nga lamang, sa kabuuan ng kanilang pagdadaop, ang iniwang pakiramdam sa kanya ay hindi kasiya-siya. May

undercurre­nt, ramdam na ramdam niya. Sa ilang sandaling namasdan niya ang interaksiy­on ng mag-ina, nahulo niya kung gaano katibay ang relasyon ng dalawa. At narito siya, si Rowena, isang estrangher­o na isang nagbabanta­ng panganib sa magagandan­g adhikaing halos abot-kamay na. Hindi pa man sila nakakasal ni Joey ay waring mayroon nang friction. Ganoon ba ang relasyong magbiyenan? Itanong kaya niya sakanyang Nanay. Bigla, sumulpot sa kanyang isipan ang larawan ni Tita Tessie, nakangiti, giliw na giliw sa kanya. Dagli, ipinilig niya ang kanyang ulo at iwinaksi ito sa alaala.

DINATNAN niya sa kanilang bahay si Sergio nang siya ay dumating mula sa pagdalaw kina Thelma. “O, akala ko nasa Nueva Ecija ka,” bati niya.

“Noong umalis ka, naroon ako, pero alam kong darating ka ngayon, kaya narito na ‘ko,” nakangitin­g wika nito.

“Huh, bola,” ungol niya. “Bukas pa talaga ako uuwi, di naman ngayon...” “E, bakit nga ba naaga ka?” tanong ng Nanay niya. “May naalaala akong dapat gawin. Darating iyong District Supervisor ngayong linggong ito.”

Nang umalis sa kanilang harapan ang kanyang Nanay ay napansin niyang pinagmamas­dan siya ni Sergio. “Bakit?” usig niya. “Parang malungkot ka. Hapis ang mukha mo.” Nginitian niya ito. “Anong lungkot? Saya nga ng k’wentuhan namin nina Thelma at Cely. Parang nu’ng araw.”

“O, pati ‘yang ngiti mo, iba,” puna pa rin ni Sergio na hindi iniaalis ang mga mata sa kanya. “May problema ba?”

At naisip niya, ganoon ba siya kakilala ni Sergio. Dama ang kanyang niloloob, nababasa ang kanyang isip? Ganoon ba siya

kamahal ni Sergio? Bigla, nagulat siya sa sumulpot na tanong sa isip niya. Muli, nginitian niya ito, sabay tapik sa bisig na nakapatong sa mesa sa pagitan nila, “Pagod lang.”

“O, sige. Buti pa, magpahinga ka na. Babalik na lang ako sa Sabado,” umakma na itong tatayo.

Ewan niya kung bakit ginawa niya iyon. Hinawakan niya sa bisig si Sergio. “Huwag,” pigil niya. “Huwag ka munang umalis.”

Napatigil si Sergio, napatingin sa kanya. Okey, tumango ito. Ngumiti. “At

your service,” pabirong wika. “K’wentuhan mo ‘ko,” hiling niya.

Naramdaman niyang wari ay sadyang hindi binigyangk­ahulugan ni Sergio ang naiiba niyang kilos. For her

benefit, ramdam niya iyon. Sa halip ay pinagbuti nito ang pagkakaupo. “Anong k’wento? Fairy tale? Action? Romance? Horror?” “Anything. Kahit ano.” “O, Sige. Makinig ka, ha?

And please, no interrupti­on, okay?”

Tumango siya, pakiramdam niya ay parang nalulunod siya. Parang nangangail­angan siya ng mapapangap­itan. Masasandal­an.

Nagsimula si Sergio. “Noong unang panahon ay may isang baguntao...” “Baguntao,” tanong niya. “Binatilyo. Teenager.” Parang alam na niya ang tinutungo ng kuwento ni Sergio Ngunit parang wala siyang lakas na pigilin ito, tulad noong araw na kaagad niyang pinuputol ang mga ganitong paksa. “Sige,” kanyang wika habang ang kanyang mga mata ay nakapako sa mukha ni Sergio. Guwapo talaga ito, nagdaan pa sa isip niya. “Isang araw ay namataan ng binatilyo ang isang bata.” “Bata?” tanong niya. Tumango si Sergio. “Bata. Hindi pa dalagita. Cute at nakatutuwa. Kaya lang suplada.” Napangiti siya. “Dala ng tadhana, magkakilal­a pala ang mga magulang nila at dumating ang panahong naging close sila sa isa’t isa.”

“Close?” tanong niyang muli. “Buweno, para doon sa binatilyo, masasabi nang close iyong nakakausap niya ito kahit pabalang-balang sumagot, palakontra, masungit.” “Aba’y masungit pala, e di huwag nang pagtiyagaa­n.” “Hindi maaari, gusto noong binatilyo iyong bata.” “Naku, wala na bang ibang magugustuh­an iyong binatilyo? Batang masungit pa ang nakursunad­ahan. Saka, bakit bata?”

Hadlang nga ba siya sa pangarap ni Joey? May ginawa o ginagawa ba siyang maituturin­g na balakid sa layon nitong pagyaman?

 ??  ?? “Kilala mo ba, Rowena kung sino iyong binatang ikinuk’wento ko?” tanong pani Sergio.
“Kilala mo ba, Rowena kung sino iyong binatang ikinuk’wento ko?” tanong pani Sergio.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines