Madaling-araw Na Naman
EKSAKTO, pumula ang traffic light para sa mga pedestrians pagdating ni Manuel sa kanto. Siyamnapung segundo ang kailangang ipaghintay ng mga tatawid para bigyang daan ang tuloy-tuloy na takbo ng mga sasakyan sa main road. Sa halip na mainip, medyo nakahinga pa nang maluwag si Manuel; isa’t kalahating minutong makapagpapahinga siya sa mabigat niyang daladala.
Madaling-araw pa’y bukas na ang karinderya nila ni Arlene. Unang putahe nila ang pancit bihon, na agad nang ihahanda ng kanyang asawa para sa mga estudyanteng maagang mag-almusal at mga tricycle driver na bukod sa pancit ay naghahanap din ng mainit na kape. Toka kay Manuel ang pamamalengke tuwing madaling-araw.
Limang segundo pa bago magberde ang ilaw para sa mga pedestrians, huminto ang kotseng ito sa ilang metrong layo mula sa kinatatayuan ni Manuel. Dumalawang busina. Pagkuwa’y may boses ng lalaki. “Manuel!”
Napatingin si Manuel sa driver ng kotse, kumakaway.
“Manuel, ako ito,” sabi pa. Umusad ang kotse, bahagyang gumilid. “Hoy, Manuel!” At nakilala niya kung sino ang nasa harap ng manibela. “Albert?” “Bubuksan ko ang back compartment nitong kotse, dito mo na isakay ang dalawang bayong na ‘yan. Bilisan mo bago tayo matiketan dito.” “Ha?” “Bilisan mo.” Atubiling isinakay niya sa back compartment ng kotse ni Albert ang dalawang bayong na dala-dala niya. Pagkuwa’y katabi na siya nito sa front seat. Muling naging berde ang ilaw-trapiko.
“Tagal nating di nagkita, pare. Tagarito ka pala,” anitong may sigla at pananabik sa boses. “Kumusta ka na?”
“H-heto,” medyo nahihiyang sagot niya. “Tagapamalengke ng asawa.” “Ano ba’ng laman ng dalawang bayong na bitbit mo?” “Karne, isda. Saka sari-saring gulay. May karinderya
Naisip niya, may mga nagtatagumpay at may mga nabibigo sa kani-kanilang pangarap. Ngunit hindi lahat ng bigo ay nagiging miserable ang buhay.
kami. Kawawa naman si Misis kung siya ang magbibitbit ng mga pinamili. Kaya inaako ko na lang ang pamamalengke.” “Ayos ‘yan. Nagkakatulungan kayo.” Taong 1998 nang maging magkaklase sila ni Albert sa FEU sa kursong AB Mascom. Parehong probinsiyano na nagkakilala sa Maynila, nag-click agad ang samahan nila. Nang sumunod na semestre, lumipat si Albert sa boarding house na tinitirhan niya sa P. Campa para lagi na raw silang magkasama. Pareho silang hindi mahilig kumain sa fastfood restaurant. Hindi dahil sa di sila mahilig sa fried chicken at French fries. Nagkataon lang na ang kanilang budget ay sapat lang para sa mga kwekkwek at fishball at iba pang tusok-tusok na tindang pagkain sa bangketa.
Pareho silang average sa klase kung talino ang paguusapan. O, kung lumamang man siya kay Albert, siguro’y napakaliit na porsiyento lang. At may iisa silang pangarap: ang maging sikat na reporter.
“Mabuti ka pa,” basag ni Manuel sa sandaling katahimikang namagitan sa kanila. “Naabot mo’ng pangarap mo. Ako, hindi. Araw-araw kong nababasa ang byline mo sa diyaryo.” “Ano nga bang nangyari sa iyo? Pagkatapos natin ng third
year, bigla kang nawala. Hindi ka na nag-enrol. Akala ko lumipat ka sa ibang university?” “Nahinto na ako.” “Sinayang mo. Isang taon na lang sana.” “Nadisgrasya’ng tatay ko. Na
stroke habang nag-aararo sa bukid. Ayun, nang mamatay siya, tigok din ang pangarap ko.”
“Sayang. Sana naghanap ka ng paraan para natapos mo’ng course natin. Anyway, ganu’n talaga, eh. Ang sabi nga, hindi pa man daw tayo ipinapanganak, nakaguhit na ang kapalaran natin.” “Oo nga, eh.” “Ituro mo lang kung saan papunta sa inyo, ha?”
May mga kustomer sa karinderya pagdating nila. Ipinarada ni Albert ang kotse sa parteng hindi ito makakaistorbo sa mga daraang sasakyan. Ito pa ang nagbitbit ng isang bayong na kinuha sa back compartment ng sasakyan. Ipinakilala ito ni Manuel sa asawa. Maistima si Arlene sa bisita.
“Lagi kang ikinukuwento sa akin ng asawa ko, Albert. Katunayan, may araw-araw kaming rasyon ng diyaryong pinagsusulatan mo.” “Salamat naman.” Lumabas sa karinderya ang binatilyo at dalagitang anak ng mag-asawang Manuel at Arlene. “Papasok na po kami, ‘Pa, ‘Ma.”
Agad dumukot ng wallet si Manuel. “May baon na ba kayo?”
“Meron pa po, ‘Pa. Pamasahe lang ang nabawas sa baon ko kahapon. Tama na po ‘yun.” “Ako rin po,” sabi ng isa pa. “O, siya... Pareho na ba kayong nag-pray?” “Opo.” Pagkuwa’y sabay tumingin kay Albert, parehong ngumiti nang kiming ngiti. “Sige po, tito.” “Sige,” tugon ni Albert. “Ingat kayo.” Nakita ni Manuel, hinabol ni Albert ng tingin ang kanyang mga anak.
Matapos inumin ang kapeng tinimpla ni Arlene, hindi na
Medyo nagulat, agad na inilagay nang pahalang sa bibig ang isang hintuturo. Kinawayan siyang lumapit. Siya naman ang pinasilip sa maliit na butas. At literal na napabuka ang bibig niya. Isa sa apat na lady boarders ang naliligo. Totally naked ang babae, walang kamalay-malay na sa kanyang kahubaran ay may mga matang nagpipiyesta.
“Matagal na ang butas na ‘yan. Tinatakpan ko lang ng bubble gum para di makita ng dalawa nating kasama,” sabi nito nang lingunin niya. “Nakita ko kasi nasa tapat mismo ng kuwarto natin ang banyo.”
Inamin ni Manuel sa sarili, nasiyahan siya sa nakita. Sa mga mata ng isang lalaki, pinakamaganda ang ayos ng isang babae kapag ito’y walang saplot.
Isa iyon sa mga kalokohang lalong nagpatingkad sa kanilang pagiging magkaibigan. Ngunit natapos din agad. Isang araw sa semestral break, nagbabakasyon si Manuel noon sa kanilang nayon, naganap ang isang napakasakit na pangyayari.
Na-stroke ang kanyang itay habang nag-aararo sa kanilang bukid. Bumagsak sa binubungkal na lupa, dilat ang mga matang di na masisilaw sa nakapapasong sikat ng araw. Isinilang na magsasaka, namatay na magsasaka.
Habang nakaburol ang ama, alam ni Manuel na hindi na niya maipagpapatuloy ang pag-aaral. Paalam na sa ambisyon niyang maging mamamahayag sa diyaryo.
Lumabas si Manuel at nagtungo sa likod-bahay. Eksakto, umunga si Kalakian. Tumingin ito sa kanya habang nginunguya ang mga busal ng mais. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Na para bang nagtatanong: Ikaw na ba ang susunod kong amo?
TUMANGGI si Manuel na maging sunod na amo ng kalabaw na naiwan ng kanilang ama. Nagpaalam siya sa dalawang kapatid na lalaki.
“Maghahanap ako ng trabaho sa Maynila, Kuya Mario, Kuya Nestor. Kayo na ang bahala sa bukid natin.”
“Naibigay na sa amin ng itay ang parte namin sa lupa natin. May sinasaka na kami. ‘Yung naiwang lupa, bale sa iyo ‘yun?”
“Habang naghahanap ako ng kapalaran sa Maynila, kayo muna’ng magsaka,” sabi niya. “At ‘yung parte ko sa ani, ibigay n’yo sa nanay natin. Huwag n’yo siyang pababayaan.”
Natanggap siyang sales clerk sa isang department store sa Maynila. Dito niya nakilala at naging kasintahan si Arlene, isang saleslady. Nang makaipon nang kaunti, nagpakasal sila sa huwes.
Ulila na sa ama si Arlene noon, nag-iisang anak. Pakiusap ng nanay nito, huwag na silang bumukod. Pabor kay Manuel. Di na niya pinroblema ang panrenta sa bahay. Nang ipagbuntis ni Arlene ang kanilang panganay, pinatigil na niya ito sa pagtatrabaho. Nang makapanganak, may suhestiyon ang kanyang biyenan.
“Maluwang naman ang harapan ng bahay natin, Manuel...
Bakit hindi na lang kayo magtayo ng maliit na kainan? Mas mainam kaysa mamasukan kayong magasawa.” Dating squatter’s area ang lugar nila. Nang mapa-award sa mga residente ang kani-kanilang lote, nagsimulang maging maayos ang komunidad. Dahil namumutiktik sa mga botante, sinusuyo ng mga pulitiko tuwing panahon ng eleksiyon. Umayos ang mga kalsada. Nakinabang sa mga serbisyong sosyal na ipinu-provide ng gobyerno.
Lumakas ang karinderya. Tama ang kanyang biyenan, higit na mas mabuting magtayo ng maliit na negosyo kaysa mamasukan nang otso oras sa malalaking kompanya. Medyo lumuwag sila sa buhay. Sayang, kung kailan gumaganda na ang kanilang katayuan ay saka naman sumakabilang buhay ang kanyang mabait na biyenan.
Isang hapon, pumarada sa tapat ng karinderya ang kotse ni Albert.
“Uy, mabuti naligaw ka ulit!” maluwang ang ngiting bati ni Manuel sa kaibigan. “Hindi ako naligaw. Sinadya talaga kita.” “Halika. Maupo ka. Anong gusto mo... kape o softdrinks?” “Huwag na. Ang gusto ko sa labas tayo magmeryenda. Ipagpapaalam kita sa esmi mo.”
Hindi siya pinigilan ni Arlene na sumama kay Albert. Pero may bilin habang siya’y nagbibihis. “Hoy, Manuel. Baka kung saan ka hatakin ng kaibigan mong ‘yan, ha. Alalahanin mo, taga-diyaryo ‘yan. Sanay sa kalokohan ang mga ‘yan.”
“Good boy itong asawa mo,” paniniguro niya sa asawa. “Hindi niya ako mahahatak sa kalokohan.”
Dinala siya ni Albert sa isang kilalang nightclub sa kahabaan ng Quezon Avenue. Sa entrada pa lang, kilala ito ng guwardiya. Boss ang tawag ng mga bouncer. Bineso ng dalawang pagkakagandang GRO nang makapasok. “Sikat ka pala rito,” sabi niya. “Madalas kami rito nina Mon at Max.” Dalawang sikat na personalidad sa media ang tinutukoy nito. “Nakatimbre sa amin ang nightclub na ito. Sa koneksiyon namin sa mga pulis, hindi niri-raid kahit nagpapalabas ng bold show.”
Hindi nagulat si Manuel. Normal na nangyayari ang ganoon, alam niya. Makapangyarihan ang tinatawag ng power of the press. Sabi noon ng isa nilang professor, kung ang mga sibilyan daw ay nangingilag sa mga pulis, ang mga pulis daw ay nangingilag naman sa press. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pinangarap niya noong mapabilang sa propesyong ito.
“’Nga pala,” pag-iiba ni Albert sa paksa. “Naaalala mo ba ‘yung boardmate natin noon sa P. Campa? ‘Yung may malalaking boobs, ‘yung madalas nating bosohan.” “Ah, si Trixie.” “Nang wala ka na, niligawan ko.” “Naging syota mo?” “Hindi, eh. Binasted ako. Yagit pa kasi ako noon. Pero ito ang twist. Nang reporter na ako, nagkita ulit kami. Nagkataon, empleada siya sa isang bangkong naholdup. Ako ang nagcover. Kaya nagkita ulit kami. At niligawan ko ulit.” “At nakuha mo sa pangalawang pagkakataon?” “Oo naman. Reporter na yata.” “Ibig mong sabihin, siya’ng naging asawa mo?” “Hindi. Iniwan ko rin. Laspag, eh.” “Anong ibig mong sabihin?” “Nang maisama ko sa motel, parang nanganak na. Alam mo naman ako, mayabang ako pagdating sa ganu’n. Ang gusto ko sa babae, ako’ng una.”
Uminom sila. Nagpatawag ito ng dalawang GRO, itineybol nila. Nang medyo lasing na, nakita niya kung gaano kalikot si Albert sa babae. Siya, simple lang. Ni kanti sa nakalantad ng hita ng kanyang ka-table, hindi niya ginawa. Pakiramdam niya’y nagkakasala na agad siya kay Arlene.
Ang isang maganda kay Albert, marunong mag-control sa alak. Hindi nagpapakalango. Maayos pa ring mag-drive nang pauwi na sila.
“Pag naihatid kita sen’yo, dadaan pa siguro sa isang nightclub na hideout namin,” sabi nito. “Pa-morning-an na.” “Hindi ka ba hihintayin ng misis mo?” “Wala akong misis. I-I mean, hiwalay na kami.” “Ha?” Bumuntunghininga ito. “Naiinggit nga ako sa ‘yo, eh.” Napatitig siya sa mukha nito. “Paano kang maiinggit sa akin? Nakita mo naman ang trabaho ko... tuwing madalingaraw, may bitbit akong dalawang bayong, mamamalengke. Eh, ikaw? Heto, ang gara ng kotse mo. Hindi ka pinapawisan pero ang laki ng suweldo mo. Samantalang kami ng asawa ko, madaling-araw pa lang pawisan na kami sa pag-aasikaso ng karinderya namin.”
“Sa career, masuwerte nga siguro ako. Pero ‘yung naachieve mo, ‘yun naman ang bagay na kinabiguan ko,” anitong may bahagyang katal sa boses. “Nakita ko ang bait ng dalawang anak mo. Ang misis mo, mahal na mahal ka. Ang mga bagay na ‘yun ang wala ako. Nagsawa ang misis ko sa mga kalokohan ko.” “Bakit hindi mo balikan ang pamilya mo?” “Huli na, pare. May ka-live-in na ang misis ko.” Sarado na ang kanilang karinderya nang ibaba siya ni Albert sa tapat ng kanilang bahay. Pero bukas ang ilaw sa salas, palatandaang gising pa si Arlene, naghihintay sa kanyang pagdating. “Sige, salamat sa hatid.” “Sige, sa uulitin.” Malungkot na tinanaw ni Manuel ang papalayong kotse ng kaibigan. Naisip niya, may mga nagtatagumpay at may mga nabibigo sa kani-kanilang pangarap. Ngunit hindi lahat ng bigo ay nagiging miserable ang buhay. Kumatok siya. Si Arlene ang nagbukas ng pinto. Bakas sa mukha nito ang saya na dumating na siya. “Minadaling-araw kayo!”
Niyakap niya nang masuyo ang asawa, hinagkan sa pisngi.
Muli niyang naalala si Albert. Madaling-araw na, ngunit maglilimayon pa rin ang kanyang kaibigan sapagkat wala itong pamilyang uuwian. Samantalang maya-maya lamang, mahimbing siyang matutulog sa tabi ng kanyang mahal.