Agrikultura
KAMAKAILAN, may nagmungkahi sa amin na ang mga taong nakapag-ambag ng mga teknolohiyang pang-agrikultural ay dapat mabigyan ng parangal. At sinundan ng tanong. Sa palagay ninyo, sino-sino ang mga indibiduwal na karapat-dapat mabigyan ng parangal dahil malaki ang naitulong nila sa pag-unlad ng agrikultura sa ating bansa?
Di na kami nagtagal pang mag-isip. Agad naming nabanggit si Arsenio “Toto” Barcelona, ang nagtatag ng Harbest Agribusiness Corporation na may mahigit nang 25 taon ang nakararaan.
Ano ba ang kanyang nagawa? Buweno, nagtrabaho siya sa Taiwan upang mamahala ng isang donut restaurant. Pero pagkatapos lamang ng ilang taon, naisip niyang bumalik sa ating bansa. Nakita niya ang mga makabagong binhi na gawa ng Known-You Seed sa Kaohsiung, Taiwan. Ang mga ito ang tinatawag sa Ingles na “high-value crops.”
Naisip niyang dalhin dito ang mga ito sa ating bansa upang aasenso naman ang ating magsasaka. Kabilang sa mga ito ang kakaibang “seedless watermelon” o pakwan na walang buto. Marami pang iba, kagaya ng honeydew melon, iba’t ibang barayti ng pakwan na may buto, kamatis na cherry at may malalaking bunga, kakaibang ampalaya, talong, kalabasa, sweet corn, papaya at marami pang iba.
Hindi madali ang pagkumbinsi sa mga magsasaka na magtanim ng mga ito. Wala pa silang karanasan tungkol diyan at malaki ang puhunan na kailangan sapagkat mahal ang mga
hybrid na buto. Isa lamang na buto ng papaya ay nagkakahalaga na ng P7. Magtanim ka lamang ng 100 na puno, P700 na agad ang puhunan para sa buto lang! Kaya mahirap magkumbinsi sa mga magsasaka.
Pero nagtiyaga si Toto na magturo sa mga magsasaka sa pamamagitan ng demostrasyon sa aktuwal na pagtatanim, pagpapakita ng mga wastong pamamaraan sa pamamagitan ng lektiyur sa seminar, sa mga pulong-pulong at iba pang pagtitipon. Sa kalaunan, nagtagumpay rin si Toto sa pagtuturo ng makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng gulay at iba pang pananim. Ngayon, marami nang nakikinabang na kababayan natin sa iba’t ibang sulok ng ating bansa. Marami nang umangat sa buhay dahil sa pagtatanim ng mga makabagong binhi.
Marami pang kakaibang praktikal na teknolohiya ang dinala ni Toto sa ating bansa, kagaya ng mga sumusunod.
PLASTIC MULCH – Ito ang itim na plastic na inilalagay sa ibabaw ng taniman ng mga gulay at iba pang pananim. Hindi rin madaling tanggapin ng mga magsasaka natin ang
ideyang ni Toto ang ito sapagkat kahalagaan kailangan ng plastic ding mulch, bilhin. nakumbinsi Noong maipakita ang mga magsasaka, Sa pamamagitan kaya ng ngayon paggamit napakarami ng plastic na mulch, ang gumagamit napipigilan nito. ang pagtubo ng mga mapinsalang damo. Nakokonserba rin ang basa (moisture) ng lupa sa panahon ng tag-araw. At sa tag-ulan, maiiwasan ang tinatawag na “waterlogging”.
PLASTIC SEEDLING TRAY – Si Toto rin ang nagpauso ng paggamit ng plastik na seedling tray sa pagpupunla ng mga buto. Ito ay isang mahusay na paraan para sa pagpapatubo ng punla. Malaganap na ang paggamit nito sa iba’t ibang dako ng bansa.
DRIP IRRIGATION – Hindi si Toto ang naunang nag-introduce ng drip irrigation sa Filipinas. Mga Israeli ang naunang nagdala ng teknolohiyang ito, pero hindi masyadong napalaganap. Ngayon, nagpupursigi si Toto upang pati ang mga maliliit na magsasaka ay makikinabang. Marami na ngayon ang gumagamit nito sa mga taniman ng gulay sa Cordillera dahil sa pagtitiyaga ni Toto.
MALILIIT NA MAKINARYA – Maraming maliliit na mahuhusay na makina ang dinala rin ni Toto rito. Episiyente at mabilis gamitin sa paghahanda sa mga taniman ng gulay ang mga ito.
EFFECTIVE MICROORGANISM – Sinisikap din ni Toto ang pagpalaganap ng tinatawag na EM o Effective Microorganism. Ito ay tuklas ng siyentistang Hapon na maigi sa kalikasan. Nagagamit ito bilang pagpalago sa mga halaman. Ginagamit din sa pag-alis ng baho ng mga kulungan ng baboy at manok, at sa palaisdaan. Nagagamit din sa paggawa ng organikong pataba.
EDUKASYON NG MGA MAGSASAKA – Malaki ang papel ni Toto sa tuloy-tuloy na pagtuturo sa mga magsasaka tungkol sa makabagong pagtatanim at pagnenegosyong agrikultural. Nakipag-alyansa si Toto sa SM Foundation upang sila magbigay ng libreng pagsasanay sa pagtatanim ng mga high-value crops. Sa ngayon mahigit nang 20,000 ang natuturuan nila sa pamamagitan ng KSK Farmers Training Program. Ang SM Foundation ang nagpopondo samantalang ang Harbest Agribusiness naman ang bahala sa teknikal na aspekto ng pagsasanay.
MATAGUMPAY NA ENTREPRENOR – Hindi maikakaila na ang tagumpay ni Toto sa pagkumbinsi sa mga magsasaka na gumamit ng mga makabagong teknolohiya ay susi rin ng tagumpay ng Harbest Agribusiness. Ang isang pruweba? Ang bagong multi-million peso building ng Harbest sa Rizal Techno Park sa Taytay, Rizal.