Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

TENA, maghanda na tayo ng mga meryenda!

BIBINGKANG TINAPAY

MGA SANGKAP: 5 hiwa ng tinapay (palasak na tinatawag na pan) 1 puswelong gatas 1 kutsarang mantikilya Asin 1 itlog, batihin

PARAAN H NG PAGLULUTO: IWAIN nang maliliit ang tinapay. Bahagyang iinit ang gatas upang malusaw ang ihahalong asin at mantikilya. Ihulog sa mixture na ito ang tinapay. Ihalo ang itlog at haluing mabuti. Prituhin nang animo okoy. Maaaring lagyan sa ibabaw ng syrup o arnibal.

PANSIT NA SPAGHETTI

MGA SANGKAP 1 pack ng spaghetti noodles 1 guhit na baboy, hiwain nang maliliit 1 guhit na hipong maliliit, alisan ng ulo at balatan ½ ng isang repolyo na katamtaman ang laki, hiwain nang maninipis 1 kikiam ½ puswelong kintsay, hiwain nang maliliit 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 3 butil na bawang, pitpitin Patis

PARAAN L NG PAGLULUTO:

UTUIN ang spaghetti noodles sa tubig. Banlawan pagkaluto. Pakuluan ang baboy at pagmantika­in. Igisa ang bawang at sibuyas. Tubigan ito ng ¾ puswelo. Timplahan ng patis at pampasarap mix. Ihulog ang mga sangkap. Ihuli ang spaghetti noodles.

POPCORN NA KANING-LAMIG

MGA SANGKAP Kaninglami­g, ayon sa kagustuhan ang dami Asukal mantika

PARAAN NG PAGLULUTO: PAGHIWAHIW­ALAYIN ang mga butil ng kaning-lamig. Ibilad ito sa araw hanggang matuyo. Ibusa sa mainit na mantika nang paunti-unti. “Pumuputok” ang mga butil na animo popcorn. Kapag malamig na, haluan ng asukal.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines