Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

MAKARAAN ang pagkawala ng mga Javanese nang maraming taon na, ang sumunod nating mga mamamayan ay ang mga Ita o Aeta. Sila ang mga itinuturin­g na “aborigins” ng Pilipinas. Ang mga ito’y dumating sa bansa mula sa katimugan, may mga 25,000 hanggang 30,000 taon na ang nakararaan. Ang mga ebidensiya’y nagsasabin­g nanggaling sila sa Luzon sa pamamagita­n ng tulay na lupa mula sa Borneo, via Palawan at Mindoro. Isa namang grupo ang nakarating sa Mindanao sa pamamagita­n ng tulay ng Sulu ng mga gayunding panahon.

NOONG huling dako ng ika-11 siglo, ang pormal na kaugnayan at kalakalan ay namagitan sa Pilipinas at karatig na mga bansa. Ang naunang dayuhang mangangala­kal dito ay ang mga Arabe. Ang mga Hilagang Intsik ay saka na dumating. Maraming mga kalakal na palayok, mga porselena at mga gawang bato ang dinala rito. Ang mga ito ay lalagyan ng pagkain, alak o pabango, mga libingang banga, mga pinggan at mga laruan. Hanggang ngayon ang mga ito ay nahuhukay pa.

ISANG bayan sa lalawigan ng Batangas ang Tingloy. Maliit na bayan lamang ito ngunit binubuo ng Maricaban Island, Caban Island at ilan pang maliliit na isla na dinarayo ng mga turista dahil sa kanilang mga beach at diving resort.

ANG lalawigan ng Antique ay matatagpua­n sa kanlurang bahagi ng pulo ng Panay. May isang hilera ito ng bundok na gumagapang buhat sa Hilaga tungo sa Timog. Ang mga bundok ay nasa bahaging silangan ng lalawigan. Malaking bahagi ng lalawigan ang nasasakop ng mga bundok kung kaya’t isang makitid na bahagi lamang ng lupa sa may baybayin ang natitira para sa mga tao. Lahat halos ng mga bayan sa lalawigan ay matatagpua­n sa baybaying dagat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines