Liwayway

Astrolohiy­a

- Madame Sharona

ARIES (Mar. 20 – Abr. 19) Gawin mo ang mga gagawin mo sa tahimik na paraan dahil maraming nasa paligid mo ang nagmamasid sa iyo pero ang talagang gusto nila ay ang mabigo ka. Lucky days: Thursday & Monday. Lucky nos. 04-10 & 16.

TAURUS (Abr. 20 – Mayo. 20) Huwag mong takasan ang iyong mga suliranin. Harapin mo’t makikita mong akma sa hinaharap ang tao ang kanyang kinatataku­tan, siya ay may mga natutuhan. Lucky days: Tuesday & Friday. Lucky nos. 18-14 & 10.

GEMINI (Mayo. 21 – Hun. 20) Kapag nangitlog ang manok, sobrang matutuwa ang tagapag-alaga. Mangingitl­og ka ngayon ng magandang kapalaran at marami ang mabibiyaya­an. Lucky days: Wednesday. Lucky nos. 04-19 & 20.

CANCER (Hun. 21 – Hul. 20) Papalit-palit lang ang lungkot at saya pero sa iyo, hindi papayag ang langit na malungkot ka kaya patuloy na dumarating ang mga suwerteng sa iyong harapan. Lucky days: Saturday & Friday. Lucky nos. 01-13.

LEO (Hul. 21 – Agos. 20) Ibahagi sa iba ang mga ideyang naglalabas-masok sa isip mo. Hindi lamang mga bagay ang hindi dapat ipagdamot, ito ang isabuhay mo ngayon. Lucky days: Thursday & Friday. Lucky nos. 11-19 & 32.

VIRGO (Agos. 21 – Set. 22) Magiging kaibigan mo ang sumasalung­at sa iyo. Magiging lihim mong kaaway ang kumukunsin­ti sa iyo. Ikatutuwa ang sa una at ikalulungk­ot mo naman ang huli. Lucky days: Sunday & Wednesday. Lucky nos. 18-30 & 07.

LIBRA (Set. 23 – Okt. 22) Kung inaakalang wala kang pagasa sa sinisinta, huwag maghihinak­it dahil hindi kayo para sa isa’t isa. Huwag igiit ang sarili sa taong ayaw sa iyo. Lucky days: Friday & Monday. Lucky nos. 05-18 & 33.

SCORPIO (Okt. 23 – Nob. 22) Bakit mo hahabulin ang lumayo sa iyo? Siya ang dapat maghabol dahil walang kapantay ang pagmamahal mo kapag ikaw ay na in love. Lucky days: Thursday & Saturday. Lucky nos. 22-33 & 28.

SAGITTARIU­S (Nob. 23 – Dis. 22) Mapapansin mo na parang mabibigat ang iyong paghakbang. Huwag kang mabahala, inihahanda ka lang naman ng iyong kapalaran sa malalaki at mabibigat na suwerteng mapapasaiy­o. Lucky days: Monday & Wednesday. Lucky nos. 38-22 & 16.

CAPRICORN (Dis. 23 – Ene. 19) Masuwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa kundi ang mga taong hindi naniniwala sa kakayahan mo. Lucky days: Thursday & Saturday. Lucky nos. 34-28 & 09. A

QUARIUS (Ene. 20 – Peb. 19) Huwag kang didikit sa talunan dahil mahawa ka sa kanila. Makipagkai­bigan ka sa mga may matagumpay na buhay at ikaw ay mapapabila­ng sa hanay nila. Lucky days: Monday & Wednesday. Lucky nos. 09-37 & 11.

PISCES (Peb. 20 – Mar. 19) Kapag may naisip kang maganda, gawin mo agad, huwag ng magdalawan­g isip pa. May babala na kapag nag-alinlangan ka, sa mali ka mapupunta. Lucky days: Saturday & Tuesday. Lucky nos. 07-14 & 26.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines