Liwayway

Mary Joy Apostol, Tuloy-Tuloy Sa Pag-Arangkada Ang Showbiz Career

- Nonie V. Nicasio

MULA sa markado at napakahusa­y na pagganap ni Mary Joy Apostol sa pelikulang Birdshot, nagtuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng showbiz career ng aktres.

Ang naturang pelikula na pinamahala­an ni Direk Mikhail Red ay tinampukan din nina John Arcilla, Arnold Reyes, Ku Aquino, at iba pa.

Ito ang biggest break ni Mary Joy, bukod kasi sa bida na rito ang aktres, nanalo rin siya ng ilang acting awards sa pelikulang ito. Ang pinakahuli ay sa 2nd Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainm­ent Editors (SPEEd).

Mapapanood din si Mary Joy sa mga pelikulang Hospicio at sa Eerie na tinatampuk­an nina Charo Santos, Bea Alonzo, Jake Cuenca, Maxene Magalona, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Mikhail Red pa rin.

Ang Hospicio ay pinagbibid­ahan ni Loisa Andalio, sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio.

Nabanggit ni Majoy (nickname ni Mary Joy) na sobra ang kaligayaha­n niya sa nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon. “Oo naman po, super happy po ako sa takbo ng showbiz career ko, sobra! Sobrang happy po, kasi may mga new doors po for me na nag-open. Medyo may halong kaba rin po and excitement,” saad niya.

Ang role niya sa Hospicio ay si Karla, na isa sa mga Hospicio residence. Ayon pa kay Majoy, para siyang rehabilita­tion at ang pelikulang Hospicio ay isa raw itong horror-thriller movie.

Nabanggit din ng aktres ang dapat i-expect ng manonood sa kanilang pelikula na entry sa darating na Cinema One Originals 2018.

“Maganda po ‘yung story and expect po nila na matatakot po sila sa film na ito. Ire-recommend ko po ito sa mahihilig sa horror-thriller dahil I’m sure po na titili sila kapag napanood po nila ‘yung movie, hehehe.”

Pinuri rin niyang katrabaho si Loisa. “Si Loisa po super gaan po niya ka-work and super-galing niya po and ang bait po ni Loisa,” tugon pa ni Majoy. Isa rin siya sa casts ng upcoming teleserye ng ABS CBN titled Los Bastardos. Kaya bukod sa pelikula, pati sa TV ay umaarangka­da rin ang showbiz career ng

talented na dalaga. Aniya, “Nakapag-MMK na po ako, pati na rin sa Wagas, nakapag-guest po ako. Tapos pati sa Ipaglaban Mo. Actually, apat na beses na po akong nakalabas sa MMK.”

Ipinahayag din ni Majoy na sobrang saya niya at excited dahil Los Bastardos ang unang teleserye niya. “Siyempre po superhappy and excited po dahil first teleserye ko po ito,” masayang sambit ng aktres.

Dagdag pa niya, “Ang role ko po rito ay kababata po ako ni Albie Casiño.”

Nang usisain pa namin si Majoy kung may ka-love team na ba siya sa seryeng ito, ito ang kanyang ipinahayag: “Opo, si Albie Casiño po.”

Pahabol na esplika pa niya, “Opo nagulat din po ako na may ka-love team ako rito, pero mas happy po.

“Okay naman po kasi sa akin na may ka-love team ako. Plus, si Albie po kasi ay isang magaling na actor. Kaya okay lang po, kumbaga, parte lang ng trabaho naman po kasi itong aming ginagawa.”

Bukod kina Mary Joy at Albie, ang Los Bastardos ay tinatampuk­an din nina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Joshua Colet, Ronaldo Valdez, Maxine Medina, Kylie Verzosa, Ritz Azul, Jane Oineza, Mica Javier, at iba pa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines