Magtawanan Tayo!

Liwayway - - News - P.M Conanan

OKASYON

BABAE: Lasing ka na naman! LALAKI: P-pasens’ya na, hon. Hik! BABAE: Ni hindi ka na nakakatulong sa mga gawaing bahay.

LALAKI: P-paminsan-minsan lang naman akong umiinom, k-kapag me okasyon lang. Hik!

BABAE: Anong paminsan-minsan, e, halos araw-araw kang naglalasing, a.

LALAKI: -T-tuwing me okasyon nga l-lang. Hik

BABAE: ‘Yon naman pala, e bakit araw-araw?

LALAKI: K-kasi nga araw-araw me okasyong akong d-dinadaluhan, e. Hik!

-P.M CONANAN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.