Liwayway

Marlo Mortel, Naranasan Ang Dalawang Mukha Ng Showbiz

- Maricris V. Nicasio

KALIWA’T kanan ngayon ang projects ng tinagurian­g Boyfie ng Bayan na si Marlo Mortel. Pero sa kabila nito, animo naranasan niya ang sagisag ng dalawang mukha ng showbiz, isang mukha na masaya at isang mukha na malungkot.

Sa kabila kasi ng kasiyahan ni Marlo sa sunod-sunod na magagandan­g nangyayari sa kanyang showbiz career, nakaranas siya at ang kanyang pamilya ng matinding kalungkuta­n nang pumanaw ang kanyang inang si Mrs. Merlie Pamintuan Mortel sa sakit na cancer.

Matagal ding nakipaglab­an si Mrs. Merlie sa karamdaman niyang stage four breast cancer. Noong 2014 unang natuklasan ang karamdaman­g ito ng ina ni Marlo.

Sa paglala ng kondisyon nito, nagpabalik-balik sila sa hospital ng ama ni Marlo na si Mr. Rommel. Lately, halos doon na sila nakatira sa hospital, pati na si Marlo kahit abala ito sa kanyang taping at shooting.

Nang natanong si Marlo ukol sa kanyang ina, aminadong masyado na silang maraming iniyak sa pagkawala ng kanyang mahal na mommy.

Okay na rin ba sa kanya na natigil na ang paghihirap ng kanyang mommy?

Esplika ni Marlo, “Noong una, ‘di ko matanggap, di ko pinapayaga­n, eh. Kasi dapat ika-cut na ‘yung life support niya Tuesday pa lang, Friday siya nawala, eh. Pero hindi ko pa pinayagan, kasi umaasa ako na baka puwede pa.”

Sinabi raw ng doctor na tanggalin na ang life support system ng kanyang mommy. “Tinatanong na kami kung gusto na ba namin tanggalin. Kasi Tuesday pa lang, patay na talaga siya. Tuesday

night, pagdating ko sa ospital, brain dead na, kaya ginising ko siya nang ginising. May pumutok na blood vessels sa loob niya, eh at hindi namin ine-expect na mawawala siya,” kuwento pa ng Kapamilya aktor.

Pagdating ni Marlo ng gabi, nire-revive na ng mga doctor ang mother niya at parang patay na ito. Pero dahil hindi niya tinigilan, ginising niya nang ginising ang kanyang ina at binubulung­an pa. At biglang after more than an hour daw ay umungol at huminga nang malalim ang kanyang ina. “Para siyang nabuhay. Totoo, dahil naririnig siguro talaga, eh. So ang nangyari, lumaban pa siya. Tapos nagulat ako, kahit na nakakabit na sa kanya lahat ‘yun, mga madaling araw, nanghingi siya ng pangsulat. So nakapagsul­at pa siya, ‘Ano raw ba nangyari?’ Hindi rin niya kasi alam daw, eh.”

Ayon pa kay Marlo, may pagkakatao­n na nagparamda­m ang kanyang ina sa pamamagita­n ng panaginip. “After niyang mamatay, ang daming beses ko siyang napanagini­pan. ‘Yung huling-huling naalala ko, na parang kailangan na talaga raw niyang mag-rest.

“Kausap ko siya, one on one, super close-up, kasi usually mas malayo sa ibang dream ko, eh. Pero noong umaga na ‘yun, talagang magkausap kami one on one, tapos sabi nga niya kailangan na nga niyang magpahinga.” Sinabi pa ni Marlo kung gaano niya ka-miss ang kanyang

mommy. “Super miss. Kasi everyday of my life naman, nandoon siya, eh. Hindi naman kami naghiwalay, hindi naman ako bumukod. Isinama ko sila noong bumili ako ng bahay. So super close talaga kami. Kaya nami-miss ko siya everyday,” saad pa niya.

Samantala, tulad ng kasabihan sa mundo ng showbiz, kahit na anong mangyari, the show must go on. Kaya patuloy si Marlo sa kanyang mga pinagkakab­alahan sa kanyang career. Sa TV, bukod sa regular na napapanood si Marlo sa morning show ng ABS CBN na Umagang Kay Gandaat On The Go sa Knowledge Channel, bahagi rin siya ngayon ng top rating na FPJ’s Ang Probinsyan­o na tinatampuk­an ni Coco Martin.

Madalas din si Marlo sa mga bazaar sa booth niyang Ornstal na ang kahulugan ay Oriental Stones and Crystals at nagbebenta ng bracelets na gawa sa semi-precious stones and crystals.

Sa pelikula naman, ‘tapos ng Petmalu na tinampukan nila nina Diego Loyzaga, Michelle Vito, at iba pa, mapapanood naman si Marlo sa One Great Love para sa Regal Films. Planong isali ito sa MMFF at tampok dito sina Kim Chiu, Dennis Trillo, Miles Ocampo, at JC de Vera, sa pamamahala ni Direk Eric Quizon. Kamakailan ay pumirma rin si Marlo ng exclusive contract under Star Music at marami na ang nag-aabang sa paglabas ng kanyang album. Pinaghahan­daan na rin ngayon ni Marlo ang forthcomin­g concert niya sa Music Museum sa October 26 na pinamagata­ng ImMORTELiz­ed with Sue Ramirez at iba pang surprise guests.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines