Ano Nga Ba Ang Pangungulila?

Liwayway - - News - Chastine D. Lino

Marahil ito ay gaya ng taong kumakaing mag-isa: Nakayuko ang ulo, bilang ang bawat nguya, hindi maibuhat ang mga mata para tumingin sa paligid.

Alam niyang siya’y may pinsala sa katawan: Marahil kirat ang mata, may bukol sa ulo, sakang ang mga binti, o kaya ay kulang ng daliri.

Ituturing siyang tumor ng siyensiya, abnormal na pagsasama-sama ng mga selulang nakapapahamak sa byolohiya.

Marahil ang nais niya lamang ay maglakad, sa mga matataong paligid upang maramdaman kung paano mabunggo at ‘di ilagan ng mga selyulang dugo.

Maramil ito ay gaya ng isang taong walang tahanan na umaagos ang luha sa bawat kanal ng puso patungo sa bawat sulok ng bituka, atay, at baga.

Kaya siguro hindi nalalayo ang dalawa: Ang pangungulila at malignant na tumor ng siyensiya. Kung ang sabi nila ang pangungulila ay parang tumor, marahil minsan, ang tumor ay nangungulila rin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.