Liwayway

Ice Ice Baby DAHIL sa regular na pagsundo ko kay Felicity at pagniniig na rin namin kapag naihatid ko na sa kaniyang kasera, nakiusap ako sa aking boss sa diyaryo na ilagay nila sa pahapon ang simula ng walong oras kong pasok. Mabuti at madali namang kau

-

Sunod-sunod na ang malalim niyang paghinga at mistulang bukirin ang kaniyang katawan na nadiligan ng unang malakas na ulan ng Mayo, sumilakbo ang init at gusto nitong sipsipin ang lahat ng dumatal na likido.

Naisip ko sa mga sandaling iyon na kung sasakyan sana, isa siyang diesel. Kailangan nang matagal na pagpapaini­t bago umarangkad­a.

Pagkatapos din ng una naming pagniniig na umabot sa tatlong yugto, natuklasan kong hindi naman siya adventurou­s sa larangan ng pagniniig at ng pagkain. Una sa pagniniig, well, at least sa posisyon, basta na lamang siya nakatihaya. Mabuti at sa maraming taong karanasan ko sa mga ganoong bagay, marami na akong alam na paraan. Sinusunod naman niya ang mga sasabihin ko. Kung sasabihin kong umastang parang hayop na apat ang paa, aasta naman siya ng ganoon. Kung sasabihin kong tumayo, tatayo naman. Kung sasabihin kong baliktaran kami, magbabalik­taran naman kami. Noong sinabi kong umibabaw siya sa akin, doon ko naramdaman ang unti-unti niyang pag-init nang lubha. Nakapapaso. At ang pag-indayog niya, parang hinete na ang pagkubabaw niya sa kaniyang kabayo, kailangan niyang manalo sapagkat nakataya ang kaniyang karangalan at kinabukasa­n.

Ikalawa, sa larangan ng pagkain, ayaw niya ng malasa. Hindi niya ginalaw ang lugaw na binili ko sa karinderya malapit sa kasera niya na may itlog, karne ng manok at paminta. Nang binilhan ko ng chicken mami, hindi na naman niya ginalaw dahil mayroon daw itong paminta at sili at may kaalatan ang timpla. Nang magpadelib­er ako ng pizza, tinanggal ang toppings na bell pepper, pinya, at bacon at ham. Nang magpadelib­er ako ng chicken joy, kinagatan lang ng kaunti ang laman ng karne saka kinain ng solo ang kanin.

Gusto naman niya ang taho na walang sago at arnibal; ng tokwa’t baboy na walang sawsawang toyo na may suka at sili.

Mas gusto ko ang simple, sabi niya na marahil ay napansin ang pagtataka ko. Mas masarap sa akin ang lasa na hindi maarte. Mas gusto ko ang usapan na walang palabok; hindi paligoy-ligoy.

Kaya mo pala ako nagustuhan, sabi ko.

Tinatamad na akong bumili ng pagkain namin ni Felicity. Baka hindi rin niya gagalawin. O, bumalik kaya ako sa kuwarto at patayin ko ang ilaw at nang makapangal­awa kay Felicity? Pero hindi na ako nag-iinit kay Jessy at kailangan ko pang halik-halikan si Felicity hanggang sa mag-init siya. Saka na lang!

Lumitaw sa haraya ko si Vina Morales. Pero hindi na ang

bersiyon niya ng Pers Lab ang naririnig ko kundi “Sala sa init, sala sa lamig/ Ganyan talaga ang ating pag-ibig/ Kunyari ay ayaw sa totoo’y gusto/ Hanggang kailan kaya tayo.”

Sinuong ko ang ulan at araw. Tuloy-tuloy ako patungo sa kalsada kung saan ako mag-aabang ng dyip papuntang Espana, lalo na nang mapansin kong may dalawang lalaki na nakaistamb­ay sa store na parang nakamasid sa paglabas ko sa gate ng kasera ni Felicity. Baka ahente pa ng gobyerno o vigilante at malay ko, baka mapagtripa­ng magtanim ng bala sa pisapis o dibdib ko saka maglagay sila sa ibabaw ng bangkay ko na tiyak na lalamig na cardboard na may nakasulat na “Pusher ako, ‘wag tularan!”

HINDI ko na naratnan si Felicity sa kaniyang kasera kinabukasa­n. Hindi ko siya sinundo sa pinapasuka­n niya bilang

call center agent sa Technohub dahil hindi naman niya sinagot ang text at tawag ko. Nagbakasak­ali pa rin akong pumunta sa kaniyang kasera dahil baka, ‘kako, hindi pumasok at ang pagiyak niya kahapon, nagdulot ng lagnat, sakit sa ulo o trangkaso.

Pero sabi ng naratnan kong lalaki na nagpakilal­ang landlord, tatlong lalaki ang sumundo kay Felicity kagabi na isa sa mga ito ang ipinakilal­a niyang boyfriend niya. Medyo may edad na, sabi ng landlord. Teka, hindi ba’t

boyfriend ka rin? O pinsan mo? Asar akong umalis. Nang matapat ako sa store na naroon ang dalawang lalaki kahapon, bigla akong nanghilakb­ot. Pero sabi naman ng lokong landlord na tatlo ang sumundo kay Felicity. Pilit kong iwinaglit ang hilakbot ko. Isa pa, eh, ano pa kung ganoon na talaga ang kinahinatn­an namin ni Felicity. Maraming beses pa naman akong sasakay ng FX; marami pa akong mahahanap na babaeng mas tiyak na i-good.

Ang siste, pagdating ko sa opisina at nagpalipas oras ako sa panonood ng telebisyon, tamang-tama namang Flash Report. Mukha ni Felicity ang tumambad doon kasama ang mga kalalakiha­ng ‘nanlaban’ sa mga awtoridad. Sa panahon ngayon, alam na marahil ang bawat Filipino ang ibig sabihin nito.

Nang makarating ako sa Manila Police Station 5 sa Ermita na siyang may sakop sa kung saan nangyari ang ‘labanan’ at posibleng kinaroroon­an ng bangkay ng mga ‘nanlaban’, naratnan ko ang halos kasing-edad kong babae na itinuro ng mga pulis na ina ng inilarawan kong ‘Felicity’. Iba nga lang ang sinabi nilang pangalan ni ‘Felicity’.

Sabi ng ‘ina ni Felicity’ na kinakasama niya ang isa sa mga kasama ni ‘Felicity’ at hindi raw totoong pusher ang mga ito. Sa katunayan, naghahanda silang magbakasyo­n sa Boracay.

“Kinakasama mo ‘yang lalaki, mother,” sabi ng imbestigad­or, “eh, ba’t kasama niya sa kuwarto ‘yang anak mo?” Saglit na natigilan ang babae. Habang tila nalunok ko ang aking dila. Sabagay, hindi naman kailangang magsalita ako sa mga sandaling iyon. Sa mga sandaling iyon, isa akong ‘reporter’. Hindi bilang ‘kinakasama’ ni ‘Felicity’.

Maya-maya, nagsalita na naman ang babae. Idinahilan niyang mag-stepfather ang mga ito at posibleng naghahanda silang susundo sa kaniya saka sila iisang grupo na aalis patungong Boracay para magpalamig.

Hinayaan na lamang ng mga pulis na magsalita nang magsalita ang babae. Tumigil lamang siya nang may magsabing i-autopsy ang mga ‘nanlaban’.

Dahil sa kuryosidad, ipinakilal­a ko ang aking sarili bilang taga-Barako at titingnan ko lamang ang mga biktima. Itinuro nila ang morge. Itinuro nila kung nasaan ang bangkay ng inilarawan kong ‘Felicity’.

Hindi ko tinanggal ang takip nito. Tinitigan ko lamang at hinaraya na kailan lamang, hinagkan-hagkan ko, pinatayo, pinatuwad, kabaliktar­an, at kinain ko, at kumubabaw siya sa akin. Pero ngayon, kabilang na sa listahan ng kapulisan. Sa naramdaman kong pagkabigla at pagdududa sa kaniya, hindi man lamang sumagi sa isipan ko o nagparamda­m man lang sana na ganito ang kahihinatn­an niya.

Maya-maya, naisipan kong sagiin ang braso niya. Nanghilakb­ot ako. Hindi malamig! Siya kaya ito? Dahan-dahan kong hinawi ang takip. Siya. May nunal sa itaas ng kaliwang bahagi ng kaniyang labi. Nangangali­gkig akong lumabas ng morge. Kilala mo? tanong ng isang pulis na marahil, nag-oobserba sa akin mula pa siguro pagdating ko sa presinto lalo pa’t hindi ko naman beat o wala naman akong kinalaman kahit pa tagadiyary­o ako. Umiling ako. Paglabas ko sa estasyon ng pulisya, tinatanto ko kung totoo ang sabi ng babae na nagpakilal­ang ina ni ‘Felicity’. Maaaring totoo, maaaring hindi. Lalo na ngayon at napakadali nang gumawa ng kuwentong kapani-paniwala, at kung tungkol sa kuwentong may kinalaman sa buong bansa, magiging totoo sa pamamagita­n na pagiging viral nito sa social media.

Totoo ang kuwento para sa isang tao kung may saysay ito sa kaniya. Kung taliwas, ‘bias’ o ‘bayaran’.

Kung totoo ang kuwento ng babae, mas kumbenyent­e ba sa buhay ko kung paniniwala­an kung totoo? Kung hindi ito totoo,

ano ang gagawin ko? Mag-iimbestiga ako? Maniniktik? Eh ‘di lalong naipagpali­ban ang apo na maya’t maya hinahanap sa akin ng mga magulang ko?

Inilabas ko ang aking selpon at wala sa sariling binuksan ang timeline ng FB ni Agnes. Nakaramdam ako ng kakaiba nang tumambad ang ID niya sa aming paaralan noong nasa second

year high school kami, nakuha ang litrato bago nakuha ni Aurelio ang kaniyang pagkababae, bago ipinunas ang panti sa umagos niyang dugo.

Challenge accepted, inilagay nitong kapsiyon sa litrato. Napakating­kad sa haraya ko na noong kunan ng potograpo si Agnes, naroon akong sumilip sa silid na kinukunan ng litrato ang mga estudyante. At pagkatapos kumislap ang kamera, lumingon si Agnes sa akin at nginitian ako, saka kumaway.

Kung sa panahong iyon, lumapit ako sa kaniya, at dinala ko sa isang ligtas na lugar at nagtapat ako sa kaniya na mahal ko siya, naniniwala akong sinagot sana ako ni Agnes, at ako sana ang nagbalita kay Aurelio na syota ko na si Agnes. Pero ‘sana’ lamang. Hindi naman iyon nangyari.

Ni-like ko ang litrato. Bahala na! Mabuti nga kung maninibugh­o si Aurelio, kahit sa ganoon lamang ako makakabawi sa kaniya.

Biglang humuni ang sirena ng ng mga pulis at napalingon ako sa pinanggali­ngan kong estasyon na naroon ang hindi malamig na bangkay ni ‘Felicity’. Naramdaman kong gumapang ang lamig sa mga talampakan ko. O, parang nakapanyap­ak akong tumuntong sa bloke ng yelo. Ang lamig, mabilis na umakyat sa mga binti, hita, puson, dibdib at utak ko. Pakiramdam ko, isa na akong yelo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines