Liwayway

Paano Maabot Ang Langit (5)

- Neri Jedeliz

(IKA-5 NA LABAS)

MATAGAL na tinitigan ni Mimi si Luis. Nagtataka siya sa ipinagagaw­a nito sa kanya. Ngunit, para sa kanyang maituturin­g na isang kahig isang toka, malaking pera ang inaalok ni Luis. Bagama’t maraming mga katanungan ang nagsasalim­bayan sa kanyang isipan. Bakit nga ba ganito ang ibig mangyari ni Luis? Di ba nasabi nito na kaibigan daw nito si Marco? Naisip din ni Mimi na di siya dapat na magpadalus-dalos. Hindi pa niya nakilala nang lubusan si Luis. At, di naman niyang nanaisin na mahuhulog sa isang bitag si Marco nang dahil sa kanya.

“’Yan lang ba ang aking gagawin? Isang one night stand lang sa piling ni Marco?” muling naitanong ni Mimi kay Luis.

“’Yon lang. Wala ng iba. Kung magagawa mo ‘yan, sa ‘yo na ang perang hawak mo,” tugon ni Luis. “Teka, Miss, ano ba ang pangalan mo?” “Mimi…” “Mimi, isang pakiusap lang. Di ko gusto na malaman ni Marco itong ipinagagaw­a ko sa ‘yo. Kung malaman niya, baka sasama ang loob niya sa akin.”

“Masyadong personal nga itong ipinapagaw­a mo sa akin. Ngunit di ako p’wede ngayon.” “Bakit di p’wede?” “Me ‘dalaw’ ako ngayon. Di ko nais na sumiping sa isang lalaki kapag meron ako.” Di nakahuma si Luis. Matagal na nag-isip. Pagkuwa’y… “Kung ganyan ba e, okey lang. Pero kelan?” “Siyempre kapag wala na ito.” Saka iniabot ni Mimi kay Luis ang perang hawak niya. “Ito ang pera mo. Saka na…” “Aba, itago mo na ‘yan. Sabi mo, next time, p’wede na, kaya sa ‘yo na ‘yan.”

“Di ko matanggap ang perang di ko pa pinagseser­bisyuhan. Pangit naman…”

Di na namilit si Luis. Kinuha ang pera ngunit bumunot ito ng dalawang lilibuhin at iniabot kay Mimi.

“Kung ‘yan ang nais mo. Pero ito ang tip mo. Next time na lang. Dadalaw na lang ako rito kapag libre ako.”

“Thank you,” nakangitin­g sambit ni Mimi na tinanggap ang

Nagpaplano na sina Zenaida at Marco na mag-iisang dibdib. Ngunit ayaw naman silang lubayan ni Luis na iba ang pakay sa pamimintuh­o kay Zenaida.

perang tip daw. Talagang tumatangga­p siya ng tip, diyan sila nabubuhay na mga hostess.

Tumuloy na si Mimi papuntang ladies room. Ngunit nang makabalik siya at dumaan sa counter, di na niya nakita si Luis. Kaya bumalik na lang siya sa mesang kinauupuan nila ni Marco. Sasabihin sana niya kay Marco ang tungkol kay Luis, ngunit naalaala niya ang pakiusap ni Luis na huwag sabihin kay Marco na nagkita sila. Isa pa, kung tatahimik na lang siya, baka bumalik si Luis at muling mag-alok ng mas malaking pera, marahil di na niya ito tatanggiha­n. Kailangan din niya ang pera. Kung masidhi ang kanyang pangangail­angan ng pera, kahit nga sa patalim puwede siyang kumapit.

Di na nagtagal si Marco. Umuwi na ito.

NANG umuwi si Zenaida sa kanilang mansion ng araw ng Linggo, namahinga muna siya sa sala matapos mananghali­an. Wala si Donya Adela nang dumating siya. Sabi ng isang utusan, pumunta raw ito sa isa nitong paupahang building upang maningil. Nagbasa siya habang nakikinig ng tugtog sa isang stereo.

Makaraan ang ilang saglit, natanaw niya si Donya Adela na pumasok sa bulwagan. Kararating lang. Kaagad na umupo ito sa sopa na kaharap si Zenaida.

“Naririto ka na pala, Zeny. Mabuti, may pag-uusapan tayo,” ani Donya Adela. “Tungkol saan, Mama?” “Balita ko’y me boyfriend ka na, si Marco, ang pintor na gumawa ng aking larawan.” “Totoo po, Mama.” “Paano nangyari yon? Kelan lang kayo nagkita.” “Sa maikling panahon na nagkakilal­a kami, natuklasan kong halos magkahalin­tulad ang pananaw namin sa buhay, kaya naging malapit ang aming loob sa isa’t isa, at… nagkagustu­han kami.”

“Bakit siya pa, Anak? Isa lang siyang hampas-lupang pintor.”

“Alam ko ang nais mo, Mama. Gusto mong maghanap din ako ng isang mayamang binata.”

“’Yan ang nararapat, di ba? Dapat lang na ang mapapangas­awa mo’y kagaya din nating may salapi, katulad kay Luis.”

“Wala akong damdamin kay Luis. Parang isang kapatid lang ang turing ko sa kanya.”

“Ang sabihin mo’y talagang malapit ang iyong loob sa mga hampas-lupang kagaya ni Marco.”

“Hindi ko sukatan ang salapi sa paghangad sa isang lalaki. Ang sukatan ko’y kung ano ang kanyang pagkatao.”

Ilang saglit na natahimik muna si Donya Adela. Bumunot ito ng isang malalim na paghinga. Kapagdaka’y…

“Ngayon ano ang gusto mong mangyari. Pakakasal ka sa Marcong iyon?” nawika ni Donya Adela na nagkasalub­ong ang mga kilay.

“Di pa kami umabot sa estadong ‘yan, Mama, upang paguusapan ang tungkol sa kasal o ang paglagay sa tahimik. Pero kung mangyari nga, nakahanda akong pakakasal sa kanya,” mariin na tugon ni Zenaida.

“Anak, kung ako lang ang tatanungin, di ko gusto na si Marco ang mapapangas­awa mo. Ngunit ano nga ba ang aking magagawa? Kahit na tututol ako, susundin mo pa rin ang iyong gusto.”

“Sorry, Mama. Anak mo ako. Pero isa rin akong nilalang na may sariling pagtingin sa buhay. Me sariling damdamin na di dapat panghimasu­kan ng iba, kahit pa ng isang ina. Alam ko kung ano ang makapagpal­igaya sa akin.”

“Ang sabihin mo’y talagang matigas ang ulo mo. Wala pa akong ninais na sinunod mo.”

“Sorry, Mama. Marahil nagkataon lang na di magkauri ang pananaw natin sa buhay.”

“Buweno, wala akong magawa kung ‘yan ang gusto mo. Ang masabi ko lang ay sana’y magiging maligaya kayo.”

Masusing tiningnan ni Zenaida ang ina. Nagtataka siya kung bakit madaling lumambot ito. Dati’y di ito basta-bastang patatalo. Talagang ipilit nito ang gusto.

“Ang magagawa ko na lang ngayon ay ang tiyakin na magiging maaliwalas ang inyong hinaharap,” muling nasambit ni Donya Adela. “Nais ko kayong tulungan.”

Lalong tumindi ang pagtataka ni Zenaida sa tinuran ng ina. Hindi niya inaasahan ito. “Anong tulong, Mama?”

“Kung talagang magkakatul­uyan kayo, bibigyan ko kayo ng puhunan upang makapagpat­ayo kayo ng sarili ninyong negosyo. Bibigyan ko rin kayo ng sariling bahay. Ano ang masasabi mo?”

“Sa nasabi ko na, hindi pa tiyak kung kami nga ni Marco ang magkakatul­uyan. Pero kung mangyaring kami nga, nais kung magsisimul­a kami mula sa aming pinaghirap­an.”

“Naku, talagang ang batang ito. Talagang matigas ang ulo. Di kita mauunawaan, bata ka. Talagang magkatulad kayo ng iyong ama.” Pagkasabi nito’y padabog na tumalikod na si Donya Adela.

SINUBUKAN ni Marco na silipin ang building na pagmamayar­i ni Donya Adela at nabanggit nitong puwede raw niyang gawing art gallery ang ground floor nito. Natagpuan niya ito. Talagang nasa sentro ito ng business district sa Makati at tiyak dadayuhin ng mga mayayamang kliyente na mahilig sa arte. Nakausap niya ang caretaker na may opisina mismo sa second

floor. Nagpakilal­a siya. “Kayo pala si Marco. Bilin nga ni Donya Adela na bigyan ka ng p’westo rito sa ground floor. Kahit anong oras p’wede ka nang lumipat rito. Kunting ayos lang naman ang kelangan rito,” ani Mr. Alvarez na caretaker. “Magkano raw ang upa?”

“Walang sinabi si Donya Adela ng tungkol sa upa. Sa wari ko’y di ka na sisingilin ng upa. Nag-usap na raw kayo.”

Matagal na nag-isip si Marco. Talagang totohanan nga pala ang alok sa kanya ni Donya Adela. Bagama’t may pag-aalinlanga­n siya’y napagtanto niyang wala namang mawawala sa kanya kung subukin ang “kabutihang loob” ng donya. Kung anuman ang magiging kahihinatn­an nito sa bandang huli, makalalaya­s naman siya kahit anong oras. Puwede nga ring magamit niya ang perang bigay (o pautang) ng donya upang makapagsim­ula siya kaagad. Wala naman silang nilagdaan ng kung anong papeles. Bakit hindi? Makikipags­apalaran siya. Para naman ito sa mabuting kinabukasa­n nila ni Zenadia. “Sige, kunin ko ‘to. Maganda itong p’westo para sa art gallery

at studio. Tiyak, dadayuhin ito ng mga art dealer at collector.”

ILANG linggo lang ang nakaraan, napuno na ni Marco ng kanyang mga painting ang puwesto. Unti-unting dumayo ang mga art dealer at art collector sa kanyang art gallery. Karamihan ay humanga sa kanyang estilo sa pagpipinta. Tumanggap din siya ng commission­ed art work na naging palamuti sa ilang malalaking mga opisina rito sa lunsod.

Tila di rin makapaniwa­la si Marco sa suwerteng dumating sa kanya. Dumami ang kanyang mga customer. Biglang nakilala ang kanyang art gallery. Mayroon pang mga art dealer na bumibili ng kanyang mga painting upang ibenta naman sa

abroad. Kaya napilitan si Marco na kumuha ng assistant o mga tauhan. Kung minsan, di maiwasan ni Marco na mag-isip na marahil may kinalaman din si Donya Adela sa biglang pagsikat ng kanyang art gallery. Ano kaya ang motibo ng donya?

Nagsimulan­g lumakas ang kinikita ni Marco. Magaan na ang pagpasok ng salapi sa kanya. Kaya kung dati’y sa mumurahing mga restoran lang niya dinadala si Zenaida, ngayon ay sa mga five star hotel na sila kumakain at magpalipas ng oras sa pakikinig ng musika. Napansin din ito ni Zenaida.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Zenaida ng muli silang mag-date sa isang sikat na resto at music lounge. May banda rito at puwedeng sumayaw ang mga parokyano sa maluwag na bulwagan. “Bakit, anong nangyari?” tanong din ni Marco. “Biglang naging mapera ka, a. Ito ba’y kita mo rin sa pagiging pintor?”

“Ha? Aba, oo. Marami na akong customer. Marami na ang nagkagusto sa mga gawa ko.”

Ang totoo’y alinlangan pa si Marco na ipagtapat kay Zenaida na tinulungan siya ng ina nito, si Donya Adela. Kumukuha lang siya ng tiyempo. Ang totoo’y nagtataka rin siya kung bakit mukhang di pa nabanggit ni Donya Adela sa anak ang pagtulong nito sa kanya. Ano kaya ang balak ni Donya Adela, kung mayroon man? Di nga alam ni Zenaida na lumipat na siya ng art studio sa

business district ng lunsod. Wala na siya sa mabahong pook ng mga iskuwater, kahit naroroon pa ang kanilang dampa na tinitirhan ng kanyang ina at pinapag-aral na dalawang nakababata­ng mga kapatid.

“Kung magkagayon ay okey lang. Di masama ang umasenso basta sa mabuting paraan at galing sa iyong pagsisikap.”

Lalong di nakaimik si Marco. Ano kaya ang masasabi ni Zenaida kung malaman nitong binigyan o pinautang siya ni Donya Adela ng puhunan?

“Ngayong maganda na ang kinikita mo, marahil ay nakapagipo­n ka na.”

“Di pa masyado. Kauumpisa pa lang kasi. Ngunit di ko kinakalimu­tan ang mag-impok. Tuwing humarap ako sa salamin, napapansin kong nadaragdag­an din ang aking edad. Marahil ay panahon na upang lumagay sa tahimik.” “Mag-aasawa ka na?” “Sana.” “Bakit sana?” “Tatanungin ko pa ang mas’werteng babae na balak kong ihatid sa harap ng altar. Aalamin ko kung ready na rin siyang magpatali.” “Di mo pa pala natanong ang mas’werteng babae?” “Wala pa. Kaya tatanungin kita ngayon.” “Ako?” “Sino pa? Ikaw lang naman ang babaeng pinakamama­hal ko.” “Ay, ‘kala ko me iba pa. Kinabahan tuloy ako,” napatawa si Zenaida at isang mapinong kurot ang pinadapo sa braso ng binata.

“Halika, sumayaw tayo. Gusto kong madama ang malambot mong baywang,” yaya ni Marco.

Pumagitna sila sa bulwagan. May ilan nang magkapareh­a na umiindak sa sweet music. “O, tatanungin na kita,” ani Marco. “Sige…” “Zeny, will you marry me?” “With all my heart.”

Nagkatitig­an silang puno ng pag-ibig. Naririyan ang matamis na mga ngiti sa kanilang mga labi. Sa wari nila’y sila lamang dalawa sa gitna ng bulwagan. Para silang nasa ulap.

“Mahal, salamat sa pagtanggap mo sa akin sa buhay mo,” bulong ni Marco.

“Nagkatotoo ang itinakda ko sa sarili ko noon, na ang unang lalaking magiging boyfriend ko’y siya ring lalaking maghahatid sa akin sa dambana ng Dios.”

“Kung gayo’y dapat na nating planuhin ang ating pag-iisang dibdib. P’wedeng mangyari sa taong ito. Itakda na natin ang buwan. Tamang-tama lang na madaragdag­an pa ang aking naiimpok. Minsan lang tayong ikakasal kaya kahit paano’y dapat na bongga rin ito.”

“Marco, di ako nangangara­p ng isang en grande na kasal. Kahit simple lang, basta kasal.”

“Mahihiya din ako sa mayaman mong ina kung simple lang ang ating kasal. Dapat ay memorable din.”

“Bakit, marami ka na bang pera? Tila biglaan naman ang iyong pagyaman.”

“Sinuwerte lang. Sinisikap ko lang na abutin ang langit,” maiksing tugon ni Marco. Naalaala niya ang napag-usapan nila ni Donya Adela. Tumingala si Zeny at masayang tinitigan si Marco. “Ngayon ko mapapatuna­yan sa aking ina na mabubuhay din ako kahit wala ang kanyang salapi. Ngayong natagpuan ko na ang lalaking maipagkati­wala ko ang aking sarili at kinabukasa­n.”

Tila nakaramdam ng pagkabalis­a si Marco sa tinuran ni Zenaida. Kung alam lang ni Zenaida na ang kanyang biglaang pag-asenso ay sa tulong din ng ina nito, si Donya Adela.

“Marco, mula nang magkakilal­a tayo, di mo pa akong niyayang dumalaw sa inyo. Nais ko ring makilala ang iyong ina at mga kapatid,” muling nasambit ni Zenaida.

“Oo nga, ano? Ang totoo’y gusto ko ring yayain kang dumalaw sa amin, kaya lang nahihiya akong ipakita sa ‘yo ang aming lugal. Sa pook ng mga isk’water kami nakatira.” “Kahit sa impiyerno ka pa nakatira, sasama pa rin ako sa ‘yo.” “Gusto mong tumulay sa esterong mabantot?” “Kahit pa alambre, tutulay ako, basta lang kasama kita.” “Sige. Dadalhin kita sa amin. Sasabihin ko muna sa aking ina upang makapaghan­da naman siya.” “Sa ina mo lang?” “Wala na aking ama. Sumakabila­ng buhay na. Isang gabing matapos siyang makapamasa­da ng dyip, napadaan siya sa isang grupo ng mga lasing. Napagtripa­n siya at nasaksak.”

“Ay, gano’n ba? Kitam? Kahit ang tungkol sa iyong pamilya ay wala akong alam. Masyado kang tahimik. Hindi ka magsasalit­a kung hindi tinatanong. Dapat lang na ang lahat sa iyong pamilya ay ikuwento mo naman sa akin sapagkat magiging bahagi na rin ako ng buhay mo kung makasal na tayo, di ba?”

“Kasi, tila nahihiya ako sa pagsasalay­say ng pangit na bahagi ng aking buhay.”

“Marco, kapag magkabiyak na tayo, dapat lang na magdamayan tayo, pangit man o maganda. Magiging bahagi na rin ako ng sinasabi mong pangit na yugto ng buhay mo kapag asawa na kita.”

Di na sumagot si Marco. Dinampian na lamang ng isang panandalia­ng halik sa pisngi ang sinasamban­g dalaga.

NANG mga sandaling iyon, minamaneho naman ni Luis ang kanyang kotse papunta sa klab na pinagtatra­bahuan ni Mimi. Masidhi talaga ngayon ang nais niyang magawa na ni Mimi ang ipinapagaw­a niya tungkol kay Marco. Tila di pa nabura sa kanyang isipan ang makapangya­rihang utos ng kanyang Papa.

“Ano ka ba, Luis, ang hina mo naman. Dapat na makasal na kayo ni Zenaida. Siya lamang ang tanging paraan upang makamal natin ang yaman ni Donya Adela, upang mapigilan ang tuluyan nating pagbulusok sa lusak.”

“Kayo naman kasi, Papa. Ilang negosyo natin ang naibenta mo na, dahil sa mga bisyo mo. Milyon-milyon na ang naipatalo mo sa casino. Pag hindi kayo tumigil, darating ang araw na magiging mahirap pa tayo sa daga.”

“Kaya, dalian mo nang maisakatup­aran ang plano nating pagpapakas­al ninyo ni Zenaida upang maisalba ang ating bumubuluso­k na kabuhayan. Sila lamang ang tangi nating kaligtasan.”

(ITUTULOY)

 ??  ?? “Zeny, will you marry me?” “With all my heart.”
“Zeny, will you marry me?” “With all my heart.”
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines