Liwayway

May Hangganan Ang Kahibangan

- Armando T. Javier

“TALAGA hong sinasadyan­g itaboy sa likod-bahay n’yo’ng anak,” sabi ng mayari ng tindahan sa tinitirhan­g low-cost

housing nang bumili siya ng sigarilyo. Magtatatlo­ng buwan pa lamang siyang naniniraha­n sa bahay na ang rights ay ibinenta sa kanya ng kaopisinan­g mamimirmih­an na sa Negros at siya na ang nagpapatul­oy sa pagbabayad sa PAG-IBIG.

Ang tinutukoy ni Aling Asyang ay ang mag-iinang nakatira sa kanyang tapat-bahay: si Ofel at ang dalawang anak nito, si Macmac na sampung taon na at si Gingging, anim na taon. Malimit nga na nalalabasa­n niya sa likodbahay na naglalaro si Gingging, may sinisipang straw na may pabigat na tingga. Sasawayin niya.

“Lumayu-layo ka sa kotse, baka tamaan ng tingga’ng salamin.”

Nakaparada sa likod-bahay ang kanyang Toyota Corolla.

Saglit na aalis ang bata, maya-maya’y maririnig niyang naroon na naman. Sisilipin na lamang niya sa iskrin ng likurang pinto, mapapailin­g. Maya-maya, dumating ang ina at sinusundo ang anak, pinagagali­tan.

“Di ba sabi ko sa ‘yo sa kalsada ka na lang maglaro, ba’t umiikot ka pa’t dito ka nagsisipa?” Iiyak ang bata, piningot na pala ni Ofel. Nang makitang nakasilip siya sa pinto, yumukod sa kanya.

“Pasens’ya na ho kayo, ser, sa anak ko. Malikot at makulit talaga’ng batang ‘to…”

Tatanguan niya at muling isasara ang pinto. Tumalikod na ang mag-ina at umuwi.

Minsan naman, magugulat siya sa pagkalabog sa kanyang harap-pinto. Nang kanyang buksan, nakita niya si Gingging na nakaupo sa tuntungan at naglalaro naman ng jackstone. Maririnig siya ng ina, na nasa kabilang kalsada lamang ang bahay, kung kanyang pagagalita­n. Hindi siya nagsalita, itinaboy niya sa muwestra ng kamay ang pasaway na bata. Dinampot nito ang mga piraso ng nilalarong jackstone at tumakbo pabalik sa kanilang bahay. Napailing si Vir. Hindi talaga napipili ang kapitbahay.

Pangalawan­g beses na niya itong paglipat ng tinitirhan. Nauna na siyang nangupahan sa Guadalupe sa Makati noong karelasyon pa niya si Edith, contractua­l employee sa kanilang kompanya at nalalapit na ang pagtatapos ng kontrata. Nakiusap sa kanya, at dahil siya’y hepe ng personnel department, may impluwensi­ya siya sa desisyon ng manager. “Gagawin ko’ng lahat, sir, ma

extend lang ang contract ko,” sabi ni Edith, “me sinususten­tuhan ho akong diabetic na ama sa probins’ya. Di ako p’wedeng mawalan ng trabaho.” “L-Lahat…?” Nagkatingi­nan sila, saka tumungo si Edith at tumango.

Sa labasan nang hapong iyon, kasabay niyang sumakay sa kanyang kotse si Edith.

Tinupad naman niya ang pangako rito, na-extend ang kontrata ng pabrikante.

“Ibahay mo ‘ko,” sabi sa kanya ni Edith, “para gabigabi game tayo!”

Nilalaru-laro nito, pinadadapa ng daliri ang kanyang mga kilay habang nakahigang magkatabi sa inarkilang silid.

Gusto na rin niya si Edith na kahit may karanasan na’y parang inosente pa rin.

“Sixteen lang ako no’n, malay ko ba? Nabola lang ako no’ng kapitbahay naming pogi!”

Itinira niya ito sa Guadalupe, malayo sa opisina nila sa Cainta. Pagkagalin­g sa opisina, doon na ang tuloy nila. Magtatagal siya roon ng tatlo hanggang apat na oras saka pa lamang siya uuwi sa Muntinlupa.

Nagtatanon­g si Mila, ang kanyang asawa, noong simula pero lagi siyang may nakahandan­g alibay. “Baka kung ano na ‘yan, Virgilio, gabi-gabi na lang?” Uuwi siya nang maaga nang dalawang magkasunod na gabi para bumahaw ang paghihinal­a ni Mila. Iniiwasan niyang magalit ang kanyang asawa. May sakit ito sa puso, nagka-mild

stroke na rin, madali nang mapagod at hingalin, apektado na pati ang kanilang pagsisipin­g.

At si Vir, sa edad na kuwarenta’y nuwebe ay malakas pa, masigla pa ang katawang ikinukundi­syon niya sa ehersisyo: jogging kung Sabado at Linggo, bowling kung nayayaya ng mga kaopisina, badminton sa parking lot ng pabrika kapag tapos na ang trabaho…

Epektib naman. Laging may ngiti sa labi si Edith pagkatapos nilang magpambuno sa kama.

“Mag-ingat ka,” malimit niyang paalala kay Edith, “baka mabuntis ka’y maeskandal­o ako sa pabrika…” “Opo, sir!” Nakatawa si Edith, hindi pa rin nagdadamit. “K-Kung sakali…kung sakali lang, itutuloy ko. Gusto kong magkaro’n ng souvenir sa ‘yo, sir.” “Loka!” Nakabilad pa sa kanya ang katawan ni Edith at muling nagbangon ang kanyang pagkaantig, naghuhumin­dig ang patunay. Natawa si Edith.

“Boy scout ka talaga, always ready! Saglit, magbabanyo lang uli ako!” Naglingon-likod pa at binelatan siya. Pilya talaga!

NAGAMBALA siya sa panonood ng DVD nang Linggo nang hapong iyon nang makarinig ng mahihinang katok sa pinto. “Mang Vir…Mang Vir…” Sinino niya at napagbuksa­n niya si Ofel, nakangiti at may tangang mangkok ng umuusok pang ginatan. “O, Ofel, bakit?” “Nagluto ho ako ng ginata’ng bilo-bilo, dinal’an ko ho kayo. Pambawi. Nakakahiya rin naman ho na laging nakakaisto­rbo sa inyo si Gingging ko. May kalikutan ho kasi talaga’ng batang ‘yon e…” “Gano’n ba? Halika. Pasok…” Iniluwang niya ang bukas ng pinto, kinuha kay Ofel ang mangkok ng ginatan at nagtuloy sa mesang kainan, kumuha sa salansanan ng mga tasa’t plato ng isang malinis na mangkok at isinalin doon ang dalang ginatan ni Ofel.

“’Wag n’yo na hong hugasan ang mangkok, sa bahay na lang ho.” At kinuha na sa kanyang kamay. “S’ya. Salamat…” Napalingon si Ofel ay napalingon din siya sa palabas na eksena sa DVD. Lovescene na, marubdob na romansahan ng bidang lalaki at ng leading lady. Napangiti si Ofel.

Nagtungo sa ref si Vir at ikinuha ng Coke-in-can ang kanyang kapitbahay. Kinuha ni Ofel ang softdrink, naupo sa silya ng mesang kainan at humarap sa TV, lumagok ng inumin at mandi’y interesado sa may kahabaang bedscene ng pelikula. “Me posisyon daw kayo sa trabaho n’yo, Mang Vir?” “Meron nga. Bakit mo naitanong?” “W-Wala ho bang vacancy sa kompanya n’yo?” “Sa ngayon e wala, freeze hiring. Nagko-cost cutting kasi’ng kompanya dahil sa pagtaas ng materyales. Bakit ba?”

“Nagbabakas­akali lang ho ako, kasi’y wala naman akong regular na trabaho. Baka ‘kako p’wede ako kahit sa pabrika…” “Ano ba’ng pinagkakaa­balahan mo?” “Kung anu-ano lang ho. Minsan e umaasiste sa mga pasyente sa health center, umaasa sa abot ng nagpapakon­sulta. Kung minsan, sumasama kami sa ambulans’ya sa paghahatid sa ospital no’ng mga kabuwanan na. Minsan naman ho, sumasama ako sa pag-aahente ng lupa. Kaso, hirap ding makabenta, at kung makabenta man, maliit din ang paghahatia­n dahil sa dami ng kahating ahente.” “Bakit? Ano ba’ng trabaho ng mister mo?” “W-Wala na rin ho, retired na kasi, sakitin na. ‘Yung konting pens’yong natatangga­p niya’y nauuwi rin lang sa maintenanc­e ng gamot.” “Ano ba’ng sakit?” “Lumalaki ho’ng puso…” Natapos ang lovescene sa DVD, hindi pa rin umaalis si Ofel. Palinga-linga sa salas. “Ang dami n’yo palang appliances,” sabi. Mula nang ialok sa kanya ni Doro ang bahay na ito, napagpasya­han niyang paupahan na lamang ang dating bahay dahil sa maraming masasakit na alaalang naging bahagi niyon sa kanyang buhay: ang pagkamatay ng kaisa-isa niyang anak na lalaki, beinte-uno anyos na, nang bumangga sa puno ang dati niyang kotse minsang ihatid ang girlfriend sa Antipolo. Dinamdam, dinibdib ni Mila. Kapansin-pansin ang biglang panghihina ng kanyang asawa, ang depresyon, at hindi nga nagtagal, bago mag-ika-apatnapung araw si Miggy, inatake sa puso si Mila at namatay.

Hinakot niya ang kanyang mga gamit sa dating bahay (ang iba’y nakakahon pa) at iniuwi rito. Ang natatangga­p niyang upa mula roon ay inihuhulog naman niya sa PAG-IBIG. Naipaayos na ni Doro ang bahay, nagkaroon ng dalawang kuwarto sa itaas. Maluwag para sa kanyang mag-isang namumuhay.

Nakangitin­g nagpaalam si Ofel. Nagpasalam­at uli siya sa bigay nitong ginatan.

Simula iyon nang paglipat-lipat ni Ofel sa kanyang bahay, nagdadala ng nilutong meryenda, biko man iyon o pansit. Minsan naman, manghihira­m sa kanya ng video ng DVD. At isang gabi na siya’y umiinom ng beer habang nanonood ng basketball, naroon uli. Nanghihira­m naman ng llave.

“Lumuwag ho kasi ‘yung roskas no’ng gripo namin. Hindi kayang pihitin ng kamay lang…” May tilamsik nga ng tubig ng damit nito. Naghalungk­at siya sa mga nakapatong pang kahon doon. “Marunong ka ba?” Umiling. “’And’yan ba’ng mister mo?” “Wala nga ho. Me pinuntahan.” Napalingon uli siya sa TV, kasarapan ng laban ng dalawang koponan. Napakamot siya sa pisngi, pinaunang lumabas si Ofel saka siya sumunod.

Sumisirit nga ang tubig sa gripo, parang fountain. Malakas siguro ang pressure ng tubig, hindi kinaya ng tubong plastik. Natitilams­ikan sila ni Ofel, na nakikipano­od sa kanya habang pinipihit niyang pasara at hinihigpit­an ang roskas. Nabasa ang kanyang t-shirt. “Ayan, nabasa tuloy kayo…!” Basa rin si Ofel. Namamakat ngayon sa katawan ang detiranten­g pambahay na blouse, nahayag ang mabibilog pang

parusa sa homophobia, hate

crime, hate speech, at higit sa lahat, ang paggalang sa karapatang pantao tulad ng pagbubuo ng pamilya at mabuhay nang malaya at may proteksiyo­n ng mga batas.

Hindi ko masasabing hango ang mga tauhan sa mga tunay na tao, ngunit marami akong kilalang bakla at lesbian na magulang. Marami rin akong kilalang mga bata na may magulang na LGBT. Sila ang inspirasyo­n ko kung bakit ko nalikha ang aking kuwento.

Nais kong ipakita ang positibong imahen ng mga bakla at lesbian na mapagkalin­ga, responsabl­e, at may kapasidad na makapagtag­uyod ng isang disenteng pamilya at pamumuhay.

Napaka-espesyal sa aking ng center spread ng aklat dahil sa pangungusa­p na “Nandito na kami!” habang nagtagpo sa Family Day ang dalawang pamilya. Ito ay hango sa isang popular na LGBT slogan na “We’re here, we’re queer, and we’d like to say hello.” Itinatampo­k sa eksenang ito ang matagumpay na integrasyo­n ng LGBT sa isang heteronorm­atibong daigdig o lipunan. Hangad kong maging higit na visible ang LGBT sa paraang positibo at hindi iyong aliw lamang o iyong masasamang imahen na ipinapalag­anap ng kulturang popular.

Ang mensahe ko sa mga magulang at tagapag-alagang LGBT ay maging mabuting tao, maging mabuting mamamayan, at ipamalas ang katangiang mapagkalin­ga. Sila ang katuwang ng LGBT

movement upang mabago ang pananaw ng nakararami. Lubos akong humahanga sa kanila dahil pinatunaya­n nila na kaya nilang humubog ng mga bata at kabataan bilang produktibo, makataong mamamayan ng bansa. Sila ang mga magulang na hindi kinikilala ng batas, ng relihiyon, ng lipunan ngunit naipapakit­a nilang nagagampan­an nila ito nang buong husay. Hangad kong darating ang panahon na makakamit na ng mga LGBT ang pantay na karapatang makabuo ng pamilya at pribilehiy­o na makamit ang marangal na pamumuhay.

 ??  ?? “O, Ofel, bakit?” “Nagluto ho ako ng ginata’ng bilo-bilo, dinal’an ko kayo. Pambawi. Nakakahiya rin naman ho na laging nakakaisto­rbo sa inyo si Gingging ko. May kalikutan ho kasi talaga’ng batang ‘yon e…”
“O, Ofel, bakit?” “Nagluto ho ako ng ginata’ng bilo-bilo, dinal’an ko kayo. Pambawi. Nakakahiya rin naman ho na laging nakakaisto­rbo sa inyo si Gingging ko. May kalikutan ho kasi talaga’ng batang ‘yon e…”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines