Liwayway

Si Nanay Papetera

- Francisco Arias Montesena

NAGSISIMUL­A ang buhay namin sa paghalik sa palad ng masiglang araw. Bitbit ang mga gagamitin sa pagtatangh­al - mga pinaglumaa­ng laruan na hiningi sa mga kapitbahay, mga patpat na kawayan, ilang tali, ilang manika, ay sapat na para sa pagtatangh­al.

Espesyal ang mga manonood ngayon ni Nanay. Kung noon ay ang mga kapitbahay at karatig-lugar lamang ang nanonood sa kanya kasama ang iba pang mga tagapagtan­ghal, ngayon ay ang mga batang biktima ng digmaang hindi ginusto ninuman ang siyang manonood sa kaniya. Kakaiba ang sigla ni Nanay ng umagang iyon. Hindi ko pa siya nakitaan ng ganoon kaaliwalas na mukha.

Sa perya madalas kaming makiusap na magtanghal noon. Simple lamang at hindi sikat si Nanay at karaniwang ginagawa ang pagpapasay­a sa pamamagita­n ng pagkukuwen­to na may pagtatangh­al gamit ang mga ni-recycle na laruan. Kapalit ng kaunting baryang iniuuwi sa bahay ay higit ang sayang nararamdam­an ni Nanay.

Minsan tinanong ko siya, “Bakit mo po ito ginagawa? Bakit hindi ako na lamang ang kuwentuhan mo?” Ngumiti ang Nanay at hinalikan ako sa pisngi saka bumulong, “Minsan isasama kita sa pagtatangh­al para ikaw na mismo ang sumagot sa tanong mo sa akin.” Minasdan ko ang mukha ni Nanay. Bihira ko siyang makitang masaya mula nang mamatay ang Tatay dahil sa atake sa puso. Mula noon ay ang Nanay na ang bumalikat ng lahat ng responsibi­lidad sa akin. Naisip kong mabuti na lamang at nag-iisa akong anak, kung hindi ay baka mas lalong mahirap para kay Nanay ang sitwasyon namin ngayon. Lagi na rin niya akong isinasama kapag sa karatig-lugar lamang ang kaniyang pupuntahan. Dito, unti-unting nasasagot ang tanong ko sa kaniya. May kakaibang saya na ibinibigay ito sa kaniya. Marahil ay gamot na rin sa kalungkuta­n niya sa pag-iisa sa pagpapalak­i sa akin. Anim na taon ako nang mamatay ang Tatay. Mula noon ay naghanap na ang Nanay ng mga paraan para ako ay buhayin. Sabi niya, noong nag-aaral pa siya ay kasapi siya ng isang samahan sa teatro. Natutuhan niya ang magpagalaw ng mga manika o ginupit na papel gamit ang tali. Puppetry ang tawag dito. Kaya ito na rin ang ginamit niyang paraan kahit barya lamang ang kita.

Hindi problema sa mga kasama ni Nanay sa perya nang makiusap siya na isama ako sa gagawing espesyal na programa. Ilang beses na rin naman akong naging katulong ni Nanay sa kaniyang pagkukuwen­to, tagaabot ng gamit, ng ilang aklat-pambata, ng mga manika na pinagagala­w niya habang nagkukuwen­to.

Dahil espesyal ang gagawing pagtatangh­al at espesyal din sa kaniya ang mga manonood ay isinuot ni Nanay ang paborito

 ??  ?? “Noong unang panahon ay may isang dagang malungkot dahil nagiisa siya sa buhay. Hinahanap niya ang kaniyang mga magulang…”
“Noong unang panahon ay may isang dagang malungkot dahil nagiisa siya sa buhay. Hinahanap niya ang kaniyang mga magulang…”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines