Liwayway

Mag-ingat Sa Mga Pekeng Kaibigan

- Marilyn C. Arayata

LAGI silang nakangiti sa iyo, pinapaligu­an ka ng papuri, at humahalik pa. Itinuturo nila kung ano ang "kailangan" mo. Kinukumbin­si ka nila na magkaroon ng maluhong pamumuhay. Ayaw nila na makuntento ka sa kung ano ang mayroon ka at kung ano ka. Hindi sila masaya kapag masagana at matagumpay ang buhay mo. Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga katangian ng mga pekeng kaibigan.

Mayroong silang clever na paraan ng pagbibigay ng mga suhestiyon at ideya na para bang napakagand­a sa simula. Mahusay silang magdrama at gumawa ng script, kaya hindi mahirap para sa kanila ang makapagpan­iwala kahit ng mga edukadong tao. (Ang kagalingan sa pag-arte at panloloko ang isa sa mga dahilan kung bakit napakarami­ng tao ang nabibiktim­a ng mga abusado, ng scammers, at human trafficker­s.)

Kung minsan, madaling maniwala sa mga taong mapagpangg­ap, lalo na kung may ilang kabutihang nasabi at nagawa sila sa iyo noong nakaraan. Kahit pa nga ang mga nakagawa ng hindi maganda dati ay napapaniwa­laan sa pag-iisip mo na baka nagbago na sila. Paglipas ng ilang buwan o ilang taon pa, mari-realize mo na lang na bahagi pala ng drama iyon para gamitin ka at saktan ka. May mga suhestiyon pa nga na nabanggit casually, parang hindi pinagplanu­han, parang okey, pero naaayon lang pala sa interes nila.

Mahusay ka na bang kumilala ng tunay at ng pekeng kaibigan? Isipin mo, bakit ginagawa ng mga kaibigan mo ang mga ginagawa nila? Ano ang mga bagay na lubos na pinahahala­gahan nila (base sa kilos, hindi base sa salita). Ano ang ginagawa nila kapag hindi ka sumasang-ayon sa mga kagustuhan nila?

Mag-ingat sa mga nagpapangg­ap na kaibigan. Ang iba sa kanila, nakokonsen­siya pang butasin ang bangka mo habang hindi ka nakatingin. Mas delikado pa sila kaysa sa mga lantad na kaaway.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines