Agrikultura

Liwayway - - Mga Nilalaman - Zac B. Sarian

NAKATUTUWA ang dumalo sa mga trade show, kagaya ng Agrilink sa World Trade Center sa Lungsod ng Pasay kamakailan. Doon namin nakatagpo ang isang nakilala namin noong bata pa siya na ang pangalan ay Carlos. Anak siya ng matalik naming kaibigan na Si Dr. Vic Saplala na sumakabilang buhay na. Siya ay kilalang orchid breeder na aktibo noon sa larangan ng komersiyal na hortikultura.

Nakatagpo namin si Carlos sa Agrilink. Malaki na siya at nakapagtaspos na ng Agribusiness sa UP Los Baños. Siya na

ang namamahala ng sarili niyang kompanya – ang SeedWorks Philippines, isa sa mga aktibong namamahagi ng mga makabagong binhi ng iba’t ibang pananim kagaya ng palay, mais at iba’t ibang gulay.

Ang SeedWorks ang nagdala rito sa Filipinas ng isang barayti ng talong na may magagandang katangian. Ito ang Prolifica na unang nasaksihan naming itinatanim ng buong barangay sa Gerona, Tarlac noong 2014. Espesyal na barayti ito na hanggang ngayon ay hinahanap ng mga magsasaka. Ito ay mabunga, matibay sa peste at sakit, at may mataas na eating quality.

Palaging nauubos daw ang binhi ng Prolifica sapagkat kapag may available na, nabibili kaagad. Pero nang tanungin namin si Carlos noong Oktubre 4, mayroon pa naman daw natitira at available.

Sa ngayon, ipinagmamalaki ni Carlos ang dalawa nilang

barayti ng hybrid na palay. Ito ang US-88 at TH 82. Ayon sa kanya, mataas ang ani na ibinibigay ng US-88 mulsa sa US Agriseeds. May mahahabang butil na makislap at kung ito isaing, malambot ang kanin. Kaya ito ay bagay na gilingin para sa brown rice.

Mayroon pang tinuringan bilang ambassador ng US-88. Ito ay si Celebrity Chef Boy Logro na nagpakita ng gilas sa Agrilink na kung saan siya nag-demo ng paghanda ng ulam na bagay ipareha sa brown rice. Nag-demo rin siya ng fruit

carving. Ipinakita niya kung paano makabuo ng hugis bulaklak sa pamamagitan ng pag-ukit ng bunga ng pakwan. Parang napakasimple lamang ang kanyang paggawa.

Samantala, ang TH-82 ay isang barayti na mayroon ding magagandang katangian. Ito ay matibay kontra sa sakit na Bacterial Leaf Blight (BLB) at pati sa tagtuyot at pagbaha. Matitibay ang mga suwi kaya hindi basta natutumba ng hangin. Puwedeng itanim sa tag-araw at tag-ulan, hindi kagaya ng ibang barayti na mahusay lamang itanim sa tag-araw.

Samantala, marami pang ibang gulay na ipinamamahagi ng SeedWorks kagaya ng pipino na puwede sa mataas na elebasyon at para sa lowland. Mayroon silang kalabasa, siling pansigang, kamatis at iba’t iba pa.

Natutuwa kami kung nasasaksihan namin ang tagumpay na nakakamit ng kilala naming kabataan kagaya ni Carlos Saplala. Ibig sabihin, may pag-asa pa ang ating bayan sa mga bagong henerasyon.

Si Carlos Saplala.

Mahahaba ang uhay ng US88 at ang butil ay malambot kapag isinaing kaya maganda para gawing brown rice.

Ang giniling na US-88 na ginawang brown rice. Malambot kapag isinaing.

Si Carlos Saplala sa exhibit booth ng SeedWorks sa Agrilink.

Mahabang siling pansigang ng SeedWorks Philippines.

Ang mga gulay at sweet corn na ibinabahagi ng SeedWorks Philippines. Kuha sa Agrilink.

Bunga ng Prolifica, matibay sa peste at mabunga.

Hybrid rice na TH82, mabunga at matibay sa mga peste ng palay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.