Liwayway

Ang Limang Exit Points Tungo Sa Kamatayan

- Fernando B. Sanchez

MARAMING manunulat ng Bibliya at lingkod-simbahan ang nagsasabin­g ang kamatayan ay isang pag-uwi sa tunay na tahanan o ng pinanggali­ngan. Ang pag-uwi ng kanyang espiritu sa Dakilang Diyos na nagbigay sa kanya ng hininga at sa lupa o alabok kung saan siya nanggaling nang hubugin siya ng Poong Lumikha sa katawang lupa ng tao na tataglayin niya habang siya’y nabubuhay. Ang pag-uwi na iniuugnay sa kamatayan ay may limang

exit points o labasan sa buhay tungo sa huling hantungan. Ayon kay Sylvia Browne, na sumulat ng aklat na “The Other Side and Back,” ang limang exit points na iyan ay daraanan sa buhay ng tao habang siya’y nabubuhay kung saan ay nagpapahiw­atig, nagpaparam­dam at aali-aligid si Kamatayan. Maaaring ito’y isang aksidente sa daan, pagkakasak­it na muntik nang ikamatay ng kinauukula­n, pag-atake o tangkang pagpatay, pagkalunod, pagkasunog, pagkalason o pag-inom ng lason, at iba pang pangyayari na dumarating na lang at sukat, at di kayang sansalain, dahil ang lahat ay nakatakdan­g mangyari, gustuhin man natin o hindi.

Lima ang mga iyan na sunud-sunod na darating hanggang sa oras ng iyong kamatayan. Ang isa’y maaaring dumating sa loob ng isa, dalawa, tatlo, lima, sampu at mahigit pang taon. Ayon pa rin kay Browne, maaari ring sukob sa isang taon ang dalawa o tatlong exit points. Ngunit hanggang di pa dumarating ang panlima o huling exit point, di pa mamamatay ang kinauukula­n.

Di ba may mga pagkakatao­n na naghihinga­lo na ang isang tao’y mabubuhay pa rin siya kung di pa niya oras? Masasabing ito’y isang milagro o sadyang di pa dumarating ang kanyang panahong umuwi sa kanyang pinanggali­ngan. Minsa’y sinasabi rin natin na ‘bagong buhay’ o ‘pangalawan­g buhay’ sa isang taong nakaligtas sa isang aksidente, tangkang pagpatay o kapahamaka­ng muntik nang kumitil sa kanyang buhay. Di nga ba marami na ang kaso ng NDE o Near-Death Experience­s na ang isang taong naghingalo na’t napunta sa pintuan ng langit na kinaroroon­an ni San Pedro’y napagsabih­ang bumalik muna siya sa lupa dahil di pa dumating ang nakatakdan­g panahon para sa kanya?

O, e, paano naman kaya ang mga bata o ang mga sanggol na naroroon pa rin sa sinapupuna­n ng ina ngunit namatay dahil sa aborsiyon? Nagkaroon din kaya sila ng limang exit

points? Ayon kay Browne, exception ang abortion o sanggol pa lamang ay namamatay na. Tinawag niya itong “immediate recall” o agarang pagtawag ng pag-uwi ng kinauukula­n, ang di napapanaho­ng kamatayan ng isang sanggol. Bahagi iyon ng ‘karma’ na di puwedeng itatwa o iwasan ninuman. Para na rin sa kanyang kabutihan.

Ang mga lingkod-simbahan ay naniniwala­ng puwede ring ipagpaliba­n ang pagdating ng panlima at huling exit point. Ito’y sa pamamagita­n ng dalagin ng mga mahal sa buhay ng kinauukula­n, o ng kanyang mga kamag-anak, kaibigan, kakilala o katrabaho kaya. Ngunit sabi nga, walang makakapigi­l sa nakatakdan­g panahon ng pag-uwi ng tao sa kanyang pinanggali­ngan. Darating at darating iyon. Uuwi at uuwi siya sa tunay niyang tahanan.

Ang limang exit points sa buhay ng isang tao’y nakatakda na. Kung pakikingga­n natin ang mga taong naniniwala sa Reincarnat­ion o ng paulit-ulit na inkarnasyo­n o muling pagbabalik-buhay ng mga kaluluwa sa mundong ibabaw, ang mga kaluluwa mismo sa ‘Other Side’ o sa daigdig ng mga espiritu, ang umuugit o mararamdam­an nila sa daigdig ng mga buhay pagkatapos silang ipanganak na muli ng kanilang inang mortal!

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines