Magluto Tayo

Liwayway - - Mga Nilalaman - Mareng Lena

NARITO ang mga lutuing magaan sa bulsa. Ngunit masarap at makabubuti sa kalusugan.

TORTANG AMPALAYA MGA SANGKAP:

1 Amplaya, malaki, hiwain nang maninipis 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 2 butil na bawang, pitpitin 2 itlog, batihin 1 kutsarang mantika Asin, pampasarap mix

PARAAN NG PAGLULUTO:

LAMASIN sa asin ang ampalaya. Hugasan at bahagyang pigain. Igisa sa bawang at sibuyas ang ampalaya. Timplahan ng asin at pampasarap mix. Hanguin at patiktikin. Ihalo sa itlog. Painitin ang mantika sa non-stick na kawali o sa Teflon. Ibuhos dito ang mixture na ginawa. Lutuin ang magkabilang bahagi.

TORTANG OKRA MGA SANGKAP:

6 na okra (o ayon sa pangangailangan ang dami.) 1 itlog, batihin Asin, pampasarap mix

PARAAN NG PAGLULUTO:

PASINGAWAN (steam) ang okra. Hanguin kapag malambot na. Ilagay ang bawat okra sa sangkalan. Diinan ng tinidor upang lumapad. Timplahan ng asin at pampasarap mix. Prituhin, iwasang matusta. Catsup ang magagamit na salsa.

POTATO OMELET MGA SANGKAP:

2 patatas, balatan at hiwain nang maninipis. Ibabad sa tubig upang hindi mangitim. 2 sibuyas, hiwain nang maninipis 2 itlog, batihin

PARAAN NG PAGLULUTO:

PRITUHIN

sa mantika ang patatas hanggang maluto. Ihalo ang sibuyas. Hanguin ito. Ibuhos ang asin at pampasarap mix. Prituhin ang magkabilang bahagi. Iwasang matusta.

Catsup ang masarap na gamiting salsa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.