Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

TAONG 1950 ‘s nang ipalabas ang isang pelikula na may bersiyong pang-Hollywood na pinagbidah­an ng isang Pinoy actor na gumamit ng pangalang “Ramon del Gado” Kilala ba ninyo kung sino siya na naging politiko rin?

Ang Hollywood version ng pelikulang ”Sword of the Avenger “ay pinagbidah­an ni Ramon del Gado na mas kilala sa Pilipinas bilang si Rogelio dela Rosa.

Ang nasabing pelikula na kinunan mismo sa America ay ginastusan at idinerek ng Amerikanon­g si Sydney Salkow. Naging leading lady ni Dela Rosa sa bersiyon na ito ang noo’y sikat na Hollywood actress na si Sigrid Gurie.

Ang Pinoy version ng pelikula ay may tinutulong “Ang Vengador”, na ang leading lady niya ay ang nagsisimul­a pa lamang noon na si Pacita Francisco.

SA simula ng kanyang career, kinamuhian ni Nonito Donaire ang boxing dahil sa matinding pressure. Hindi niya nagustuhan ang boxing at halos isumpa niya ito. Pero ipinagpatu­loy niya ang boxing dahil ayaw niyang ma-disappoint ang kanyang ama. Hanggang sa palagi na siyang lumalaban

para sa mga sumusuport­a at naniniwala sa kanyang kakayahan at sa huli ay minahal at nagustuhan niya ang boxing.

KAHIT nagsimula sa marangyang pamilya si Federico Isabelo Abaya, mas pinili niyang umanib sa rebolusyun­aryong kilusan ni Andres Bonifacio at itinatag niya ang sangay ng Katipunan sa Candon , Ilocos Sur. Kasama rin ni Abaya sa pagbuo ng kilusan ang mga kaibigan na sina Fernand Guimalda, Pio Madarang, Toribio Abaya, Nazario Gray, at Francisco Guimalda.

Tulad ng pag-aklas ng grupo ni Bonifacio sa Maynila noong Agosto 1896 ng umano’y “biglaan ” dahil sa pagkakabis­to ng mga Kastila sa kanilang kilusan, sinasabing “napaaga” rin ang pagkilos ng grupo ni Abaya laban sa mga mananakop noong Marso 1898 nang mabisto rin ang kanilang grupo.

KILALA n’yo ba kung sino ang bayani ng bansa na nilitis sa korte dahil sa kasong pagpaslang sa kanyang asawa bunga umano ng labis na panibugho? Sinasabing labis na selos ang nagtulak sa bayaning si Juan Luna para barilin ang kabiyak na si Maria de la Paz Pardo de Taveras sa kanilang tinitiraha­n sa Paris noong 1892.

Pinaghihin­alaan umano ni Luna si Maria na may kalaguyo. Bukod sa kanyang maybahay, napaslang din ni Luna ang biyenan na babae at bayaw. Dinakip siya ng mga awtoridad at nilitis sa nabanggit na krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines