Liwayway

Astrolohiy­a

- Madame Sharona

SCORPIO (Okt. 24–Nob. 22) Kokontra sa iyo ang isang tao pero sinusubuka­n ka lang niya dahil ang totoo lihim siyang humahanga sa iyo. Lucky days: Monday & Wednesday. Lucky nos. 26-30 & 10.

SAGITTARIU­S (Nob. 23-Dis. 22) Hihintayin ang mga payo mo kaya huwag ipagdamot ang mga kaalaman mo na magagamit para marami ang makinabang. Lucky days: Thursday & Saturday. Lucky nos. 27-33 & 47.

CAPRICORN (Dis. 23- Ene .20) Makikinig ang lahat sa boses mo at sa mga iuutos mo. Pero kung wala kang sasabihin at hindi ka mag-uutos. Masasayang ang araw na ito na ikaw ang masusunod. Lucky days: Sunday & Thursday Lucky nos. 15-28 & 18.

AQUARIUS (Ene. 20- Peb. 18) Hindi mailantad ang tunay na saloobin ng isang nakasanaya­n nang mabuhay magisa. Ikaw na ang magsimula, makipagkuw­entuhan ka. Lucky days: Wednesday & Sunday Lucky nos. 24-31 & 11.

PISCES (Peb.19-Mar.19) Aliw na aliw sa iyo ang isang may sinasabi, puwedeng sa dakong huli ay magnais siya na maging bahagi ka ng kanyang buhay. Lucky days: Friday & Sunday. Lucky nos. 39-14 & 26.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Sobrang pagod ang nararamdam­an mo ngayon, ngunit sulit naman dahil ngayon mo lang ulit nakasama ang malalapit mong kaibigan. Lucky days: Tuesday & Thursday. Lucky nos. 10-15 & 33.

TAURUS (Abr. 20-Mayo 20) Iinit ang ulo mo dahil sa sobrang maling katwiran na iyong maririnig pero siya ang mahal mo kaya unawin mo. Lucky days: Monday & Wednesday. Lucky nos. 09-16 & 41.

GEMINI (Mayo 21- Hun. 22) May masamang bagay na puwedeng mangyari kung magpapabay­a. Kung iyong papansinin ang mga nangyayari sa paligid, maaaring maiwasan ang masamang puwedeng maganap. Lucky days: Friday & Sunday. Lucky nos. 21-24 & 39.

CANCER (Hun. 22–Hul. 22) Magagawang magtiis para sa ikatatahim­ik ng lahat. Balang araw malalaman mo na tama ang iyong ginawa at hindi mo ito pagsisihan Lucky days: Wednesday & Saturday. Lucky nos. 43-33 & 19.

LEO (Hul. 23-Agos.22) Didikit sa iyo na para bang naakit mo ang isang puwedeng magbigay sa iyo ng masarap na buhay. Nasa iyo ang pagpapasya. Lucky days: Thursday & Monday. Lucky nos. 13-16 & 23.

VIRGO (Agos. 23-Set. 23) Walang problemang hindi nasosolusy­unan, kung walang solusyon, huwag mong problemahi­n. Lucky days: Saturday & Tuesday. Lucky nos. 39-40 & 20.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Hindi naman mahalaga kung sino ang iyong pagkatao dahil muling nagpasya ang langit na ikaw ay lapitan ng mga suwerte at buwenas. Lucky days: Friday & Saturday. Lucky nos. 27-42 & 35.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines