Aga Muhlach At Bea Alonzo, Tampok Sa Kakaibang Love Story Sa first Love

Liwayway - - Mga Nilalaman - Maricris V. Nicasio

TAMPOK sa First Love ang kakaibang tambalan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na nagkasama sa pelikulang ito sa unang pagkakataon. Si Aga ay gumaganap bilang si Nick, isang business adviser na nakilala ang happy-go-lucky na si Ali na isa namang

impulsive photographer

na may karamdaman sa puso.

Naniniwala si Ali na pinagtagpo sila ng tadhana ni Nick at umaasa siyang makakamtan nila ang pag-asa ng buhay o milagro, sa piling ng isa’t isa.

Ipinahayag nila ang dapat abangan sa pelikulang ito na nagsimula nang ipalabas last October 17. Sambit ni Bea,

“Well, first time kong gumanap ng isang babae na may sakit sa puso, iyon ‘yung HCM (Hypertrophic Cardiomyopathy). Well, kakaiba siya kasi parang, it’s a dramatic

movie pero hindi siya ginawa in a way na parang melodramatic ‘yung scenes. So, ‘yun ‘yung kakaiba. I think.”

“Kapag gumagawa ako ng pelikula, hindi ko talaga naiisip ‘yung character ko. Iniisip ko, mula sa umpisa istorya muna, ‘yung makakasama ko, ‘yung direktor,” ani Aga.

Dagdag pa ng aktor, “Ito ‘yung una kong love story after how many years and knowing that I’ve done so many love stories in the past… parang ano kaya ang nakikita nila o magugustuhan nila ngayon na gagawin ko o gagawin namin na mae-enjoy ng lahat?

It took us almost a year para ayusin ‘yung buong istorya and of course, I’m not gonna say its different. Di ko sasabihin ‘yun because lahat ng love stories are basically all the same, you know? “It’s a story of love, about love. But what makes this different is really, honestly, is my chance to work with Bea and with Paul Soriano. So that makes it really parang different for me. So ang tanong kung anong different sa karakter ko rito is ‘yung experience ko was different because it’s the first time I’m working with Bea who’s such a great actress and Paul Soriano who’s a good director also, and ‘yun, di ba?” Sinabi pa ng magaling na aktres na sobra siyang kinabahan sa mga unang eksena nila ni Aga. “Sinabi ko kay Aga na sobra akong kinabahan. Iyon ‘yung first ever scene na ginawa namin. Sinabi niya sa akin na huwag akong mag-alala, kinakabahan, din daw kasi siya. Minsan kasi kapag malaking aktor na o star ang kasama mo hindi mo normal na maririnig ‘yun, normally may ego ‘di ba? That made me

comfortable. Na parang pareho kami. We’re equal.” Kuwento pa ni Bea, may moment na nawawala siya sa sarili o kumakawala sa karakter ni Ali. “Iniisip ko na si Aga Muhlach ang kaeksena ko, nagpi-freak out ako. Hindi ko alam kung maiintindihan ito ng marami, pero

big deal siya para sa akin. Until sinabi nga ni Aga na, ‘Relax, ako rin kinakabahan ako.’ And from then, nag-relax na ako.”

Hindi naman itinago ni Aga ang paghanga niya kay Bea. Galing na galing siya sa aktres at naikuwento ng veteran actor na umiyak siya habang nagda-dub ng kanilang pelikula.

Aniya, lagi niyang nilu-look forward na makita si Bea sa araw-araw. “It’s crazy, parang you always want to see her. And sabi ko nga sa kanya, ‘Ang galing mo.’ It’s really magic. Lagi kong sinasabi na it’s really magic. “When I dubbed this film, I’ve dubbed a few scenes, I have to stop at some point and said, ‘I don’ t wanna dub anymore because I cannot do that. It’s so real. Hindi ko kayang ulitin iyan.’ And I have to post it on my Facebook account which is very private and I have to ask my friends who are not into industry, I said to them to watch this movie to experience what we’ve

experienced in doing this film, and our journey, that’s crazy in Vancouver.” Ang First Love ay mula sa pamamahala ni Direk Paul Soraino at hatid ng ABS CBN Films (Star Cinema), Viva Films, at Ten17 Productions. Kasama rin sa pelikula sina Sandy Andolong, Edward Barbers, at Albie Casino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.