Liwayway

Ryan Kolton, Fil-Am Hollywood Actor Na 100 % Na Pusong Pinoy!

- Nonie V. Nicasio

SUSUBUKIN ng Fil-Am Hollywood actor na si Ryan Kolton ang kanyang kapalaran sa mundo ng showbiz sa Filipinas. Malaki ang potential ni Ryan na mabigyan ng mga project sa bansa. Hilig talaga niya ang umarte, katunayan noong nag-aaral pa siya sa UCLA sa gulang na 16 ay may nagawa na siyang mga proyekto tulad ng TV show sa US na Jay Rocco, Past Presence, at Compound 147. Nakalabas na rin si Ryan sa Blue Bloods, CSI, Law and Order, Quantico at iba pang shows sa Amerika. Halu-halo ang dugo ni Ryan, dahil ayon sa kanya, isa siyang Ukrainian, Spanish, American, at Filipino. “I just got here. I just started learning Tagalog pero naintindih­an ko. I know Spanish, Russian, Filipino and English… so Tagalog is gonna be the fifth language… it’s quite the process,” sambit niya. Dagdag pa ni Ryan, “My Lola, she’s from here, from Laguna area. So, naturally I grew up with a lot of stories about the Philippine­s and I loved it. You know, everything from the culture, the people, the way of life here, it’s the things that I’ve always wanted to experience myself.” Ang paborito niyang pagkaing Pinoy ay chicken adobo, natikman na rin daw niya ang lechon at nagustuhan niya ito. Ibang klaseng experience rin daw kay Ryan nang nasubukan niyang kumain ng balut. Kahit 25% lang ang dugong-Pinoy niya, sinabi ni Ryan na 100% naman siyang pusong-Pinoy. May nakatakda siyang gawing tatlong pelikula next year, ang isa ay sa HBO na ang shooting ay sa March at April next year, ang sumunod ay Santa na pagbibidah­an ng isang sikat na Hollywood actress na magsisimul­a rin next year. Sa pagpunta ni Ryan sa Filipinas, si James Reid na isang Filipino-Australian, ang isa sa gusto niyang maging peg. Pero kailangan niya raw munang matutong mag-Tagalog, “I have to learn the language, that’s very important. I can understand them, naiintindi­han ko, like kumain ka na ba? Kain tayo, picture tayo… everything is Taglish, so, it’s just the pronunciat­ion…” nakangitin­g saad pa ng 23 years old na si Ryan na isang retired profession­al MMA fighter at blackbelte­r kaya wish din niyang sumabak sa action projects dito. Habang nagtatraba­ho siya bilang actor at model sa iba’t ibang panig ng mundona kadalasan ay sa Russia at sa US, pinaplano na raw niyang bumisita sa bansa. Ayon din kay Ryan, natutuwa siya na masabihang look-alike o kahawig nina Tom Cruise, Richard Gutierrez, Zac Efron, at iba pa. “I loved it, I think if you are not happy about being compared to Tom Cruise, then you have bigger issues. Kasi, he is amazing, truly, he is a great actor. I’ve met him a couple of times in Hollywood, on red carpet, he is mabait, sobrang mabait,” nakangitin­g saad niya. Ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang career sa Filipinas? “Gusto ko… what do I want the most? I want consistenc­y, because from what I’ve heard when it comes to foreigners, they light up very quick and they disappeare­d very fast and I don’t want that. Also, I want to do more TV projects.” Nabanggit din ni Ryan na gusto niyang linawin na type niyang makapareha si Liza Soberano sa TV o pelikula, pero hindi niya nais guluhin o makisingit sa relasyon nina Liza at Enrique Gil. Sinabi ni Ryan kung bakit gusto niyang makapareha si Liza. “You know why? She’s perfecto. Honestly, she’s the whole deal. She is nice. She’s kind. She’s a great actress. She’s kinda defines what true actor should be. Whether it’s acting or endorsemen­t. “I respect her a lot and it will be an honor to work with her. She’s the top of her game,”

aniya pa.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines