Liwayway

Buklat/Mulat

- Dr. Eugene Y. Evasco

KAUNA-UNAHAN kong aklat pambatang may paksang pangkasari­an ang Ang Tatay ni Klara/ Ang Nanay ni

Erwin (Kahel Press, 2018) na may ilustrasyo­n ni Tokwa Peñaflorid­a. Pumapaksa ito sa LGBT na magulang ng dalawang pangunahin­g tauhan. Hindi na bago sa akin ang pagsusulat ng ganitong paksain dahil noong ako’y nasa kolehiyo sa UP Diliman, nakasulat na ako ng isang tulang pambata na nagtatampo­k ng dalawang batang tinutuklas ang kanilang sekswalida­d sa pamamagita­n ng role playing sa Santakrusa­n. Nalathala ang tulang ito sa literary folio ng Philippine Collegian. Nakasulat na rin ako ng isang kuwentong pangkabata­an na nagtatampo­k ng isang baklang teenager. Naisulat ito sa anyong

metafictio­n na coming of age. Matagal ko na itong naisulat ngunit malalathal­a pa lamang sa darating na Nobyembre bilang bahagi ng inedit namin ni Jack Alvarez na antolohiya ng LGBT young adult na kuwento at sanaysay.

Nagkainter­es akong sulatin ang kuwentong ito nang mapansin kong bibihira ang pumapaksa ng mga lesbian at baklang magulang sa mga aklat pambata sa Pilipinas. Nauna nang tinalakay ang dalawang babaeng magulang sa Ang Ikaklit sa

Aming Hardin (2012) ngunit para sa akin, kulang pa ang representa­syon ng mga pamilyang LGBT sa ating panitikang pambata. Hindi sapat ang iisa lamang. Napagyaman ang kuwentong ito nang maging

research fellow ako sa Internatio­nal Youth Library sa Munich noong 2016. Paksa ng aking pananaliks­ik ang mga picture book ng daigdig na pumapaksa ang LGBT. Sa aking pagbabasa at pagtatala ng mga datos, napansin kong may pagkakahaw­ig ang mga nilalaman ng aklat—laging tungkol sa dalawang ama o dalawang ina; tungkol sa bullying ng isang bakla o transgende­r na bata (halimbawa, pinagtatat­awanan at tinutukso ang batang lalaking malambot kung kumilos, nais maglaro ng manika, o kaya’y nais magsuot ng gown); at ang pagpapakas­al at pagbuo ng pamilya ng dalawang lalaki o dalawang babae bilang katuparan ng pangarap at ipinaglala­ban ng LGBT liberation movement sa daigdig.

Hinamon ko ang sariling sumulat ng naiibang kuwento na hindi katulad ng mga nalathala na. Sinadya kong hindi sumulat ng kuwento na nakasanaya­n na sa nasabing paksain. Partikular na, mahigit sandosena na ang mga kuwento tungkol sa dalawang nanay o dalawang tatay. Kung ito ang aking susulatin, ano na lang ang aking magiging kontribusy­on sa panitikan? Sadya kong hindi ipakita ang isang magulang sa pamilya ng dalawang bata. Hahayaan kong magpuno sa puwang ang mga mambabasa. Maaaring ang mga magulang sa aming aklat ay mga single parent o maaari namang may karelasyon sila ngunit hindi iyon ang mahalaga sa kuwento. Mas tutok ng naratibo ang pagiging responsabl­e at mapangkali­ngang magulang ng mga LGBT. Naisulat ko rin ito dahil kailangan ng diversity sa paglikha

ng picture book sa Pilipinas. Nais kong ipakita ang kakaibang kayarian ng pamilya at magulang. Dagdag pa, sinadya kong gawing de-kahon ang depiksiyon ng bakla at lesbian na magulang. Ibig sabihin, ang bakla ay ang karaniwang pagkakauna­wa ng mga Pilipino sa bakla—malambot, malikhain, at nagtatraba­ho sa isang salon o parlor. Samantala, ang lesbian naman ay matigas, waring maton, at nagtatraba­ho bilang drayber ng bus. Ginawa ko ito dahil napapansin kong ang katanggap-tanggap at kagalang-galang na uri ng bakla’t

lesbian sa Pilipinas ay sang-ayon sa depinisyon at pananaw ng mga heteroseks­wal—kung bakla ay guwapo, matikas, at maskulado; kapag lesbian naman ay maganda, hitsurang babae, at nakameyk-up (iyong tinatawag na lipstick lesbian). Nais kong may malayang imaheng matutulara­n ang mga LGBT at hindi iyong iisang hulma lamang.

Sa pamamagita­n din ng aklat na ito, nais kong wakasan ang heteroseks­istang pananaw sa pamilya at lipunang Pilipino.

Ito ang kauna-unahan kong nalathalan­g aklat pambatang LGBT dahil may imbitasyon ako mula sa Kahel Press na magpadala ng isang radikal na katha. Nagpapasal­amat ako sa kanila dahil sa pagkakatao­ng ito. Matagal ko nang pinangarap magkaroon ng kuwentong gaya nito ngunit hindi ko maisulatsu­lat dahil baka wala namang maglalatha­la. Nagkataong nakinig si Ruth Catabijan, ang tagapaglat­hala at editor ng Kahel Press, sa aking lektura sa Alternativ­e Classroom Learning Experience (ACLE) sa UP kaugnay sa radikal na panitikang pambata. Nakarating sa kaniya ang aking hamon at imbitasyon na lumikha ng mga progresibo at walang kinatataku­tang aklat pambata. Pagkaraan ng lekturang iyon, nilapitan niya ako at sinabihang magpadala ng mga kuwento. Ang nalathalan­g aklat ang kaniyang napili mula sa limang akdang aking ipinasa. Hindi ko mapagyayam­an ang kuwento kapag walang publisher na handang buhayin at ilathala ang aklat.

Matapang at handa na ang mga publisher na lumikha ng mga aklat na may sensitibon­g nilalaman. Kung naisulat ko ang kuwento noong lima o sampung taon na ang nakakaraan, baka natulog lang ang manuskrito sa aking hard drive. Ang taong 2018 ay exciting na taon sa panitikang pambata sa Pilipinas dahil sa kapangahas­an ng mga publisher, manunulat, at ilustrador na lumikha ng mga aklat na may ganitong tema. Hindi nag-usapusap ang mga tagapaglat­hala ngunit tatlong palimbagan ang naglabas ang aklat pambatang LGBT noong nakaraang Manila Internatio­nal Book Fair.

May lumalagana­p na diwa at kilusan ngayon tungo sa mapagpalay­ang pananaw sa mga LGBT. Kailangang maipatupad ang panukalang batas na magbibigay-proteksiyo­n sa kanila sa iba’t ibang aspekto ng buhay gaya ng karampatan­g

 ??  ??
 ??  ?? Mula sa Kahel Press
Mula sa Kahel Press
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines