Ang Nakatagilid Na Krus

Liwayway - - Mga Nilalaman - Armando T. Javier

PITONG TAON. Iginala ni Norma ang paningin sa paligid-ligid ng Brgy. Takip-Kuhol, inaalam kung may nabago na sa nilisang barangay na sinalanta nang malaking baha, delubyo ngang matatawag, sa silangang bahagi ng bayan ng Manipa, pitong taon na ang nakakaraan.

Walang babala ang napipintong sakuna. Isang linggong maulan noon pero para sa mga taga-Takip-Kuhol, biyaya pa nga itong matatawag: nadidilig ang kanilang mga halaman, hindi natutuyo ang kanilang mga palaisdaan, may naiipon silang tubig na pampainom sa kanilang mga

“K-Kumapit k-kayo s-sa ‘k-kin…” Iniabot niya rito si Utoy. Pinasan ni Liloy sa mga balikat nito at siya man ay napakapit ang isang kamay sa balikat ng kargador habang namalaging nakahawak sa lubid ang isa pang kamay.

alagang hayop.

Nakumpuni na ang mga nasalantang bahay, natayuan na nang ibang tirahan ang mga bahay na winasak nang malaking baha, natamnan nang muli ang mga palayan, nalamnan ng isda ang mga palaisdaan at mayayabong nang muli ang mga dahon ng halamang nipang pinagkukunan ng lambanog. Parang walang nangyaring sakuna. Ang tanging nakapagpapaalala sa malaking bahang nanalanta sa bayan ay ang malaking pingas sa bahagi ng bundok, na ang mga bato’t putik ay rumagasa sa Takip-Kuhol noong kasagsagan nang malakas na bagyo at

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.