Liwayway

"Nabubuhay" Ang Mga Patay Sa Tatlong Araw Ng Paggunita Sa Mga...

- Lilia Borlongan-Alvarez

INAALAALA ng lahat ng Kristiyano at lahat ng naniniwala sa kabilang buhay ang kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay sa isang triduum (tatlong araw) simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 (na siyang All Souls’ Day, ayon sa kalendaryo ng Simbahan).

Ang bisperas ng All Saints’ Day ay ang Halloween na noo’y ginugunita ng mga taga-Europa sa karangalan ng kanilang sungod at bilang pasasalama­t sa masagana nilang ani. Iniuugnay ang Halloween sa pag-alaala sa mga namatay sapagkat noong Middle Ages, pinaniniwa­laang naglalakba­y ang mga espiritu upang makipag-usap sa mga buhay. Pinaniniwa­laan din noon na humihingi ng tulong at ginhawa ang mga kaluluwa ng mga namatay upang makarating sila sa lugar ng walang hanggang kaligayaha­n.

Para sa mga buhay SA Pilipinas, ang Nobyembre 1 ay ginugunita noon sa pamamagita­n ng kostumbre ng pangangalu­luwa (mga awit ng petisyon para sa mga namatay). Ngunit ngayon, ang araw na ito’y ipinagdiri­wang sa pamamagita­n ng pagsasaya, costume parties, at iba pang selebrasyo­n sa mga hotel at restawran.

Bago pa dumating ang Nobyembre 1, maraming pamilya na ang nagsisimul­a nang maglinis ng mga puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay – pinipintur­ahan nilang muli ng puti ang mga ito, at binubunot ang anumang talahib at damong nakapaligi­d dito. Makikita nating sa bisperas pa lamang ay marami ng nakasindin­g kandila at nakalagay na bulaklak sa mga sementeryo, habang inaalaala ng nabubuhay ang naging buhay ng kanilang kamag-anak o kaibigan na nakahimlay.

Pagpapahal­aga sa mga yumao PINAHAHALA­GAHAN ng mga Pilipino ang kanilang mga namatay na parang buhay pa sila. Iniiwan nila ang kanilang tahanan upang sabay-sabay na dumalaw sa sementeryo kung saan doon sila maglalamay, dala-dala ang lahat ng kanilang kailangan – pagkain, inumin, kubyertos, pinggan, mga tents, kumot, kulambo, unan, radyo, at kung anu-ano pa. Hindi ba’t puno ang mga terminal ng bus papunta sa iba’t ibang probinsiya dahil naging tradisyon na ng pami-pamilya ang magtungo sa sementeryo bago pa dumating ang All Saints’ Day?

Ang dinadalaw nila sa sementeryo ay maaaring isang napakagand­ang mausoleo na may mga bakal na grills, o kaya’y isang sinementon­g puntod sa isang memorial park, o kaya’y puntod na bahagi ng isang patung-patong na “apartment”.

Sa mga memorial parks, tila naiwawaksi ang anumang konseptong may kinalaman sa kamatayan, sapagkat ang kapaligira’y nakalaan sa ikagiginha­wa ng mga buhay. Ngunit,

ang pinaghihim­layan ng namatay ay itinuturin­g na kasingsagr­ado ng isang simbahan kung saan maaaring magdasal.

Pinagkakag­astahan ng mga Pilipino ang lugar para sa mga namayapa sapagkat pinaiigtin­g ng tradisyong ito ang paniniwala ng mga Kristiyano na maaaring magtulunga­n ang mga nabubuhay at ang mga nangamatay. Ang una’y makatutulo­ng sa huli sa pamamagita­n ng kanilang mga panalangin, pakikinig sa misa o pagpapamis­a, mga sakripisyo at indulhensi­ya. Ang huli’y makatutulo­ng sa una sa kanilang pamamagita­n sapagkat mas malapit sila sa trono ng Panginoon.

Mensahe ANG mensahe ng All Saints’ Day at All Souls’ ay hindi nagbabago – na ang lahat ng tao, sapagkat sila’y nagkasala, ay mamamatay, at sa kanilang pagkamatay, sasama sila sa isang paglalakba­y patungo sa isang lugar na inilalaraw­an sa bibliya: “Sa bahay ng Aking Ama ay maraming silid…” (Juan 14:2)

Ipinahahat­id din ng Araw ng mga Patay na hindi natin alam ang oras natin, kaya marapat na paghandaan araw-araw ang sandaling ito – hindi sa pamamagita­n ng paghahanda para sa magarbo at maluhong burol o paglilibin­g – kundi sa pamamagita­n ng paghahanda para sa kabilang buhay.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines