Liwayway

Agrikultur­a

- Zac B. Sarian

SA mga pagtitipon kagaya ng Agribiz Kapihan at Agrilink Trade Show tayo nakakikila­la ng nakatutuwa­ng kababayan natin na nasa larangan ng agrikultur­a. Kagaya ng tatlong magkakapat­id mula sa Bacolor, Pampanga na mahigit lamang sa 30 anyos ang kanilang edad pero napakalaki na ang kanilang proyekto.

Ang tatlong magkakapat­id ay sina Raymond, Robert at Brian Chua na nag-aalaga ng 80,000 na pugo breeders. Ibig sabihin, ang kanilang inaalagaan ay pinaiitlog para pinapipisa ang mga itlog. Alam ba ninyo kung ilang sisiw ang napapipisa nila sa isang araw?

Umaabot sa 20,000 na sisiw sa isang araw. Pero ang 10,000 lamang ang pinakikina­bangan nila. Ito ang mga babaeng sisiw na ibinebenta sa halagang P7 bawat isang day-old na sisiw. Ang 10,000 na lalaki ay itinatapon na lamang o kinukuha ng ibang tao na iniluluto at ipinapakai­n sa ibang hayop, kagaya ng baboy.

Napakalaki ang negosyo nila at malaki rin ang pakinabang. Hindi problema ang pagbebenta­han nila ng mga sisiw. Sa katunayan, kung gusto ninyong mag-order ngayon (Oktubre 13, 2018), maisisilbi nila ito sa Disyembre pa. Ganoon katagal ang pag-aantay. Marami raw ang nag-aalaga ng pugo sa Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga na sinusuplay­an nila ng sisiw.

Hindi lamang sila kumikita sa sisiw. Sila rin ang nagsusupla­y ng patuka na may taglay na mataas na protina. At sila rin ang bumibili ng itlog ng pugo na inaalagaan ng mga bumibili ng sisiw sa kanila. Siyempre, mayroon ding kita sa patuka na isinusupla­y nila at ang mga itlog na inaangkat nila. Karaniwan daw na 500,000 na itlog ang nabibili nila sa mga nag-aalaga sa isang araw lamang, at naibebenta nila lahat ang mga ito. Nakatutuwa, di ba?

Nakilala namin ang magkakapat­id sa Agribiz Kapihan noong Oktubre 13 sa Harbest Events Center sa Taytay, Rizal.

MAG-ASAWANG TAGA-ZAMBALES- Iba naman ang dalawang interesant­eng mag-asawa na nakilala namin sa Agrilink Trade Show noong Oktubre 4, 2018. Sila ay sina Gilbert at Rachel Bugia na may-ari ng NW Farm sa Palauig, Zambales. Dating OFW si Gilbert at ang kanyang maybahay naman ay isang empleyado sa isang broadcasti­ng company sa Quezon City.

Noong 2015 naisipan nilang magbitiw sa kanilang trabaho upang ma-develop ang kanilang walong ektaryang farm sa Palauig. At ano ang inaalagaan nila? Sila ay nag-aalaga ngayon ng 500 na baka at 2,000 na kambing. Ang kanilang farm ay itinuturin­g na subfarm ng isang malaking kompanya na nagpapaala­ga sa kanila ng mga baka at kambing. Ang mother company ay ang DV Boer Intenation­al na may 85 na subfarm sa iba’t ibang dako ng bansa.

Karamihan ang inaalagaan nina Gilbert ay pinaanak. Ang iba naman ay pinatataba­ng pangkatay. Sila ay tinuruan na mag-alaga ng mga hayop sa pamamagita­n ng mga eksperto na nag-training sa kanila. Ang kinikita nila ay ang bahagi nila sa anak ng mga pinaaanak na baka at kambing. Malulusog ang mga alaga nilang hayop. Ang karamihang ipinapakai­n ay corn silage. Sila mismo ang gumagawa ng silage. Nagpapatan­im sila ng mais sa iba’t ibang magsasaka na kanilang ginagawang silage. Ang mga kambing ay pinapakain ng silage ng tatlong beses sa maghapon at dinadagdag­an pa ng mga damong kinumpay.

Alam ba ninyo kung gaanong karami ang silage na ipinapakai­n nila sa isang buwan? Umaabot sa 200 tonelada.

May mga iba pa kaming nakilalang interesant­e rin. Pero sa mga susunod na lamang na artikulo kasi kulang na ang espasyo.

 ??  ?? Ang mga sisiw ng pugo nina Raymond Chua.
Ang mga sisiw ng pugo nina Raymond Chua.
 ??  ?? (Nakaupo) Sina Robert Chua at Raymond Chua. (Nakatayo) si Brian Chua. Magkakapat­id na namamahala sa malaking pugohan.
(Nakaupo) Sina Robert Chua at Raymond Chua. (Nakatayo) si Brian Chua. Magkakapat­id na namamahala sa malaking pugohan.
 ??  ?? Si Rachel Bugia at isang Alpaca.
Si Rachel Bugia at isang Alpaca.
 ??  ?? Sina Gilbert at Rachel Bugia sa Agrilink Trade Show.
Sina Gilbert at Rachel Bugia sa Agrilink Trade Show.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines