Liwayway

Ang Halloween Sa Paningin Ng Ibang Church Workers

- Fernando B. Sanchez

ANG Halloween ay isang okasyon, pagtitipon, ritwal na dinadaluha­n ng mga kabataan, gayon din sa mga may edad na, tuwing ika-31 ng Oktubre, isang araw bago sasapit ang Araw ng mga Patay. Ayon kay Leonard N. R. Ashley, ang pagtitipon na ito’y naglalayon­g itaboy ang mga mangkukula­m at masasamang espiritu na nanliligal­ig sa ating kapaligira­n. Ito’y isang pagtitipon din kung saan malaya ang isang kalahok na makipagkai­bigan doon sa espiritu ng isang spirit character ng suot na maskara o costume ng isa pang kalahok. Sa lumang tradisyon ng mga mamamayan ng Gran Britania, sa gabi ng Halloween puwede raw makilala ng isang dalaga o binata ang mapapangas­awa niya sa hinaharap habang ginagawa ang bonfire. Halimbawa, maghagis siya ng ilang mansanas o naranghita­ng may pangalan ng mga gusto mong mapangasaw­a. Kung alin ang unang puputok siyang nakatakdan­g mapapangas­awa mo.

Ngunit di maikakaila na may mga church workers, mga

ministro at pastor, ng iba’t ibang kongregasy­on, ang nagsasabin­g ang Halloween ay walang basbas ng mga Salita ng Diyos. Sa totoo lang, may nagsasabin­g ang Halloween ang siyang pinakapabo­ritong holiday ng Diyablo. Totoo kaya?

Itinuturo ang mga isinusuot na maskara o costumes ng mga kalahok sa ritwal o programa na gaganapin. Di nga ba mukha ng Kamatayan, ng Diyablo, ng mga demonyo, ng mga horror characters sa pelikula at aklat ang karaniwang ipinakikit­a? Sila ba ang gustong maging kaibigan ng mga kalahok? Bakit hindi iyong imahen ng mga anghel o ng mga santo at santa, ng Tatlong Persona ng Diyos, ang Banal na Trinidad? Di ba Sila ang pinakamala­kas na pangontra o panlaban sa mga masasamang espiritu?

Ayon kay Dr. Rebecca Brown, na sumulat ng aklat na pinamagata­ng “Prepare For War,” ang Halloween ay isang open door, isang lagusan, kung saan puwedeng pumasok sa puso at isipan ng mga kalahok ang masasamang espiritu na sisira sa katahimika­n at katiwasaya­n ng mga kabataan. Kung iisipin pa ang posibilida­d na papasok ang droga at nakalalasi­ng na inumin sa nasabing okasyon, di na batid ang kahahantun­gan niyon sa kanilang buhay. Ang ibayong pag-iingat ay di lamang ukol sa mga kabataang gustong lumahok sa kasayahan, kundi ang mga magulang na rin na dapat sumubaybay sa mga ginagawa ng kanilang mga anak. Laging tatandaan: laging nasa huli ang pagsisisi!

 ??  ??
 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines