Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

MASARAP na panahog ang longganisa­ng macau. Masarap lalo ang mga lutuing Macau. Tulad ng nasa ibaba. Tara na sa kusina!

IMACAO-STYLE CHICKEN

MGA SANGKAP: 1 manok, hiwain ng bite-size 2 sibuyas 1 patola ½ puswelong kintsay, hiwain nang maliliit 2 butil na bawang, pitpitin Toyo at asin, ayon sa panlasa ang dami 1 kutsarang arina, tunawin sa kaunting tubig

PARAAN NG PAGLULUTO: GISA sa bawang at sibuyas ang manok nang kasabay ang kintsay. Tubigan nang kaunti at pakuluan. Timplahan ng toyo. Patuloy na pakuluan hanggang maluto.Bago ilahok ang patola na binalatan at hiniwa nang pabilog at maninipis. Palaputin ang sabaw sa pamamagita­n ng arina. ½ puswelong kitsay, hiniwa nang maliliit 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 2 butil na bawang, pitpitin 30 balutang ng lumpia Toyo at pamintang durog

PARAAN NG PAGLULUTO: GISA sa bawang, sibuyas at kintsay ang giniling na baboy. Kapag luto na, ilahok ang singkamas bago pasas.Hanguin at timplahan ng toyo at pamintang durog. Haluing mabuti ang mga sangkap bago maingat na balutin sa lumpia wrapper. Payat at mahaba ang bawat lumpia. Prituhin ito. Sweet and sour sauce ang gamiting sawsawan.

ITIPS tungkol sa karne, baboy, baka o manok: Sa pagbili ng karne, hawakan ito bago amuyin ang kamay na ipinanghaw­ak. Kung hindi kaaya-aya ang amoy, hindi sariwa ang karne. Maitim-itim ang kulay ng hindi sariwang karne, maliban na lamang kung ito’y karne ng kabayo o kalabaw. Itago sa freezer ang karne nang buo at hindi hiwa-hiwa, maliban na lamang kung marinated. Kung piprituhin ang karne, hiwain nang manipis upang maging malambot. Liban na lamang kung ito’y tenderloin o sirloin. Iwasang bumili ng baboy na makapal ang balat. Ang manipis na balat ng baboy ay palatandaa­ng bata pa ito at madaling palambutin.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines