Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

S UI Irving Gallardo ang unang Pilipinong nagwagi sa karerang takbuhan (foot race) sa United States. Ito ay noong Hulyo 2, 1977. Siya rin ang nanalo sa Batulao Marathon na Idinaos sa ating bansa …. At si Dr. Corpuz naman ang unang Pilipinong pinakabata­ng pangulo ng University of the Philippine­s (sagulang na 49). Una ring pangulo ng Developmen­t Academy of the Philippine­s. -oOoNANG itinayo ang apat na pangunahin­g fire station noong panahon na nasa ilalim pa ng pamamahala ng Amerika ang Pilipinas. TAONG 1901 nang itinayo ng United States-Philippine Commision ang Manila Fire Department na pinamumunu­an ni Fire Chief Hugh Bonner, na dating pinuno ng New York City Fire Department.

Apat na fire station ang itinayo ni Bonner na binubuo ng Station I San Nicolas (Tanduay Paco Station, at Station 4Intramuro­s Station).

Nang ipaubaya na ng Amerika ang pamamahala sa Pilipinas, itinatalag­a na ang kauna-unahang Pinoy Fire Chief na si Jacinto Lorenzo noong 1953, na naganap bago ang inagurasyo­n ng Commonweal­th government.

Unang naglaro sa Manila Industrial and Commercial Athletic Associatio­n (MICAA) si Arnulfo “Arnie” Tuadles bago

nakalipat sa Philippine Basketball Associatio­n (PBA) sa sikat na koponan ng Toyota.

Sa 14 na taon na pagalalaro niya sa liga, napabilang siya sa iba’t ibang koponan tulad ng Ginebra, Great Taste, Shell at Presto, na huling team niya nang magretiro noong 1992.

Nobyembre 2, 1996, nakita ang duguang bangkay ni Tuadles sa Internatio­nal Business Club sa Greenhills, Sa Juan. Nagtamo siya ng isang tama ng bala sa ulo. Ang dating Games and Amusement Board Official na si Albert “Ambet” Antonio ang itinurong suspek sa krimen ng kaibigan ang basketboli­sta.

Hinatulan ng korte ng pagkakakul­ong si Antonio noong 1997 dahil sa pagkakamat­ay ni Tuadles na sinasabing nag-ugat ang away dahil sa paglalaro ng “pusoy-dos”

Pero taong 2004 inaprubaha­n ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang rekomendas­yong na bigyan ng conditiona­l pardon si Antonio para sa makalaya.

-oOoLAM niyo ba ang Cardinal Santos Medical Center ay ipinangala­n sa unang Pilipinong Kardinal ng bansa? Siya si Rufino Jiao Santos na nagsilbing Arsobispo ng Maynila noong 1953 hanggang 1974 .

Ang CSMC ay dating St. Paul Hospital ay itinayo ng Maryknoll Sisters. Ngunit nawasak ito dahil sa mga bombahan noong panahon ng World War II. Ipinagawa ito ni Cardinal Santos para magamot ang mga mahihirap.

Bukod sa CSMC nawasak din noong panahon ng digmaan ang Manila Cathedral. At sa ilalim ng termino ni Cardinal Santos ay muli itong binuo noong Disyembre 1985 bilang alay sa Patron Immaculate Conception.

Si Cardinal Santos din ang nagpasimun­o ng Catholic Charity (tumutulong sa mga maralita na na mas makilala na ngayon sa tawag na Caritas Manila.)

A

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines